Kabanata #33

95 6 0
                                    

**Leon's POV**

Nandito kami ngayo at naglilibot libot sa farm nila Lola, wala kasi kaming magawa sa bahay kaya kahit ayaw sana nina Lolo na sumama kami dito ay sumama parin kami dahil nagpilit kaming sumama hahaha parang bata lang no. Sabi nina Lola ay darating daw ngayon yung mga pinsan ko galing sa bayan, mag-aaral kasi sila doon at doon din sila nakatira kaya tulad ko ay bihira lang din silang makapunta dito sa family House namin.. kung hindi niyo naitatanong ay marami akong mga relatives dito dahil 8 silang magkakapatid sina mommy kaya madami kaming magpipinsan dito sa mother side, hindi tulad kina papa na tatlo lang silang magkakapati at ang tipid pa sa anak... ngayon palang ay kinakabahan na ako dahil baka pag kaguluhan ng mga pinsan kong babae si Adam kapag nakita nila sa gwapo at cute ba naman niyong boyfriend ko ehh naka pati mga lalaki kong pinsan ay mainlab pa sa kanyakaya kailangan kong magingat.

Medyo maiinit narin ang sikat ng araw dahil mag 10 na ng umaga kaya sumilong na kami at dumiretso na sa bahay, pagdating namin doon at gaya ng inaakala ko ay nandito na yung iba sa mga pinsan ko kaya agad kong itinago si Adam sa likod ko..
"Hello kuya Leon" sabay halik ni Trixie sa aking pisngi.
"Ehhhh ano bayan Trixie ang tanda mo na kaya, kaya dapat maging mature kana rin, isip bata kapa rin hanggan ngayon" pang aasar ko kay Trixie.
"Huhh hindi kaya kuya Grade 9 palang ako kaya hindi pa ako matanda noh"
"Matanda na kaya yun, baliw" habang nagkukulitan kaming magpipinsan ay hindi ko na napansin si Adam na nakaupo na pala ngayon sa labas at nagkakalikot sa kanyang cellphone.. agad ko siyang pinuntahan dahil baka mainip siya at maisipan pa niyang umuwi magisa mahirap na...hahahahahaja.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahh ehh nagpapahangin lang, nahihiya kasi akong pumasok sa loob"
"Huhhh okay lang yan mababait naman sila ehh, yun nga lang makukulit lang sila"
"Ahh kuya sino siya?" sabat ni Trixie habang naguusap kami ni Adam, actually wala pa dito lahat ng pinsan ko, sa bilang ko kanina ehh apat palang ata silang nandito, dalawang lalaki at dalawang babae. (Si Trixie 16, si Daryle 18, si Vincent 16 at si Anna 17) ayan si Trixie at Daryle ay magkakapatid, kaedad ko si Daryle kaya siya ang pinaka kasundo ko sa kanilang lahat dahil magkaklase kami noong nag-aral ako dito ng Grade 5.
"Ahh ehhh si Adam boo..hmmmmm"
"Ahh ako si Adam, kaibigan niya ako Hi"
"Ahh hello kuya Adam"
"Ate Anna tingnan mo nah gwapo niya" narinig kong bulong ni Trixie kay Anna kaya medyo kinabahan na ako"
"Bakit mo sinabing kaibigan mo ako?"
"Ehh baka magalit sila sayo kapag sinabi kong boyfriend kita ehh"
"Pano mo malalaman kong hindi mo sasabihin sa kanila? Ahh basta dapat malaman nila, mahirap na baka agawin kapa nila sakin, gwapo pa naman at magaganda ang mga pinsan ko.. wag kanang magaalala akong bahala"
"Ahh guyss may sasabihin ako sa inyo.." pagsisimula ko, naramdaman ko ang paghawak ni Adam sa aking kamay ng mahigpit senyales na pinipigilan niya akong sabihin ang balak kong sabihin pero hindi ko iyon pinansin"
"Ahh ano yun kuya?" Pati sina Daryle at Vincent ay lumapit narin..
"Ahh actually hmmm boyfriend ko si Adam" pagkatapos kong sabihin yan ay bakas sa mga muka nila ang gulat kaya medyo kinabahan na ako dahil baka hindi nila tanggap na kami ni Adam.
"Totoo ba?, sayang naman crush ko na sana si kuya Adam ehhh, pero okay lang bagay naman kayo ihhhhhhhhhh, feeling ko tuloy sila yung character sa binabasa kong boyslove sa wattpad" lahat kami ngayon ay nakatingin na kay Trixie, nagulat ako sa kanyang sinabi na crush niya si Adam ehh ngayon nga lang sila nagkita ehh kainis tong babaeng to.
"Totoo kuya Adam, ang swerte niyo naman, bagay na bagay kayo Oh pareho kayong gwapo ayiihhhhhh" sabat naman ni Anna kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nagkakaroon na ako ng pagasa na baka tanggap kami ng mga pinsan ko.. tiningnan ko naman ang mga kalalakihan kong pinsan at binigyan lang nika ako ng mapang asar na tingin..
"Bro wala akong ideya na makakapamingwit ka pala ng ganyan ka cute na Guy huh.. paghanap naman Oh ., or should I say akin nalang siya?"
naiinis ako sa sinabi ni Daryle kaya agad ko siyang binatukan.
"Asa ka pa ang hirap kaya makahanap ng ganito" kahit halata namang nahihiya na si Adam dahil hindi manlang siya makatingin sa amin ay dinamay ko parin siya sa usapan kaya mas lalo lang siyang nahiya.
"Hoyy tumigil ka nga nahihiya na si kuya ohhh." sabat naman ni Anna kaya tinigilan ko na si Adam..
"Hmmm kuya halika kwentuhan tayo" ... hinila na ni Trixie si Adam kaya naiwan nalang kami ditong tatlo, ako, si Daryle at si Vincent na tahimik parin hanggang ngayon.. sa aming magpipinsan ay siya ang pinaka tahimik at bihira lang siyang magsalita... pumunta kami sa ikalawang palapag ng bahay at doon kami nag kwentuhan habang nandito kami ay kitang kita naman namin sina Adam sa baba na ngkwekwentuhan sa garden.., nagulat naman ako dahil mukang hindi na nahihiya si Adam dahil nakikipagtawanan na siya kina Anna at Trixie..
"Ohh Bro baka matunaw siya.. panay ang titig mo diyan ehh hindi naman siya mawawala.. pwera nalang kung maisipan ko siyang itakas mamaya Hahahaha"
"Hmmmm ulol subukan mo lang kahit saan lupalop mo pa siya itago hahanapin ko kayo mabawi ko lang siya"
"Uyyyy ang OA mo tol hahahaa" sa pagkakataong ito ay nakikita sa na si Vincent pero mild lang...
"Hmmm maiba tayo ng usapan.. kayo may mga jowa naba kayo?"
"Hayyy nak Bro sa kasamaang palad wala parin sakin, ewan ko lang sa isa diyan" sabay kaming napatingin kay Vincent na ngayon ay sa baba na ang tingin..
"Ikaw Vincent may nagmamayari na ba diyan sa puso mo?"
"Ahhh secret"
"Sige na sabihin mo na, wala namang mawawala ehhh" pangungulit ni Daryle kay Vincent.. hindi namin tinigilan si Vincent hanggang sa umamin rin siya..
"Oo na meron nang nagmamayari ng puso ko."
"Yunnnnn hanep tol ang lupit mo, buti ka pa meron kanang kabiyak ako eto tigang parin hanggang ngayon" sabay sabay kaming nagtawanan at mukang narinig naman ito nila Adam sabana kaya napatingin sila samin...

Nandito kami ngayon at nagbabike, actually may kanya kanya din kaming mga bike dito kina Lola, binigyan nila kami ng titig iisang bike para daw may maging libangan kami dito kapag pupunta kami... papunta kami ngayong bayan dahil wala kaming magawa at sigurado naman kaming marami nanamang mg arcades doon dahil magpapasko na kaya siguradong mag eenjoy kami doon lalo na tong Baby ko...

Pagkarating namin dito sa bayan ay bumungad sa amin ang iba't ibang kulay ng Christmas Lights, madaming tao ngayon dahil nagsimula nang buksan ang mga rides dito kaya marami nang pumunta dito.. habang naglilibot libot kami ay nakasunod lang sa akin si Adam at tahimik siyang nakasunod, tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin sa mga rides at nakangiti siya habang nakatingin sa isang caterpillar na ride..
"Gusto mong sumakay diyan?"
"Ahh hindi kayo nalang"
"Halika na, wag mong sabihing takot ka kaya ayaw mong sumama?".. imbes na sagutin niya ako ay natahimik lang siya.
"Silence means yess, hahahaa... halika na kasama mo naman ako ehhh hindi kita iiwan promise"
"Oo nga kuya Adam, kasama mo naman si kuya Leon ehh okay lang yan"
"Hmmmm. Cgeee" mukang nagdadalawang isip pa siya pero hinila ko na siya papunta sa bilihan ng ticket....

"Tayo naaaaaaaa... lets Go guyss" walang pag aalinlangan na umupo si Trixie sa ride habang itong kasama ko naman ay nakakapit lang sa akin at mukang takot talaga siya..
"Lets Go?"
"Hmmm tabi tayo okay?"
"Oo.. Tara na.." umupo na kami at inilagay ko na yung seat belt ni Adam pagkatapos ay yung akin naman.. hindi nagtagal ay napuno na lahat ng upuan kaya nag Ready na kami dahil magsisimula nang umandar itong sinasakyan namin...hindi pa nagsisimula ay panay na ang siksik ni Adam sa akin kaya sinamantala ko na ang pagkakataon ay niyakap ko siya hahaahah....
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigawan lahat ng mga nakasakay pati itong kasama ko ay walang tigil sa sigaw kaya natatawa nalang ako... pagkatapos ng halos 30minutes na pag ikot nitong caterpillar ride ay halos hindi ko na makausap itong kasama ko..
"Baby nasusuka ako"
"Huhh wait lang wait lang" hinila ko na siya papunta doon sa bandang walang katao tao... nagsusuka siya at mukang matutumba na kaya inalalayan ko siya..
"Okay kana ba?"
"Nahihilo ako"
"Huhhh sorry Baby hindi ko naman alam na hindi ka sanay sa ganon ehhh, sorry talaga"
"No Its okay wala ka namang kasalanan ehhh, hindi lang talaga ako sanay"
"Gusto mo uwi nalang tayo?"
"Hmmm oo nahihilo narin ako ehhh, pero can we eat first nagugutom na ako" bigla ko namang naalala na hindi papala kami kumakain ng pang hapunan kaya agad na kaming naghanap ng pwedeng makain.. nakahanap kami ng isang bilihan ng street foods at itong si Trixie at Anna ay agad na sinunggaban si manong tindero..
"Ahhh kuya 20 pesos nga pong fishball" at sa maniwala kayo sa hindi ay sabay pa talaga silang dalawa......
"Hoyyy girls hinay hinay lang hindi kayo mauubusan, ang dami kaya Ohh tingnan niyo" saway sa kanila ni Daryle kaya agad namang natauhan yung dalawa..
"Ahh sorry naman, epekto lang ng gutom hehehe" pagpapatawa naman nitong si Anna....

"Ahhh Baby kumakain kaba niyan?"
"Ahh oo naman, at tsaka walang masarap at hindi sa taong gutom at ako yun" natawa naman ako sa sagot niya kaya agad na akong nag order kay manung ng makakain....hindi na siya masyadong nanghihina dahil nakakatayo na siya kahit hindi ko inaalalayan.... pagkatapos magluto ni manung ay agad na kaming kumuha doon sa lagayan dahil hindi uso kapag street foods ang yung tindero ang maglalagay ng pagkain mo dapat ikaw ang maglagay Hahahaha... pagkatapos naming kumain ay nagkayayahan na kaming umuwi dahil inaantok narin kami.. habang nagbabike na kami pauwi ay nahuhuli kaming dalawa ni Adam dahil hindi medyo masama parin ang pakiramdam niya...... nakarating kami dito sa bahay at agad na kaming naghanda para matulog.. hindi natatanggal ni Adam ang suot niyang sapatos ay agad na siyang natumba sa aking kama, wala pang isang minuto ay tulog na siya kaya nagpasya na akong tanggalin yung suot niyang sapatos at pantalon...... nalunok ko ang sarili kong laway nang makita kong boxer nalang suot niyang pang ibaba... bago paman makagawa ako dito ng kababalaghan ay natulog na ako.. niyakap ko siya at sa pagkakataong ito ay ako naman ang nahiga sa kanyang braso........

Author's Note 📝..
.. pm me po Kung may mga typo para maayos ko salamat po...
Paki share narin po ng Store ko...

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon