Kabanata #29

141 6 4
                                    

*Adam's POV*😉😉😉😉

   Friday na ngayon at bukas ng madaling araw ay pupunta na kaming Cebu, hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari sa amin ni Xyle, kapag nasa loob kami ng classroom o di kaya ay nagkakasalubong kami sa daan ay ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, hindi niya ako matingnan sa maga at ganun din ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Leon ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa dahil natatakot talaga ako.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno na may mga upuan, wala akong magawa lunch break kasi at napaka tahimik ng room namin kaya naboboring ako ay maisipan ko nalang pumunta dito, dahil tulog naman si Leon sa kanyang arm chair kaya tinakasan ko nalang siya. Habang nagsusulat ako ay may umupo sa aking harapan ngunit hindi ko ito pinansin sa pag aakalang normal na studyante lang ang nasa harapan ko, pero nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Sorry" tumingala ako mula sa pagsususlat at tiningnan kung sino ang nasa harapan ko, kahit na alam ko na kung sino siya ay naglakas loob parin akong tingnan siya. Halos manigas naman ako ng parang yelo ng tingnan niya ako gamit ang malungkot na ekspresyon.
"Ahhh ehhh okay na yun, kalimutan nalang natin yun" sabay ngiti ko sa kanya.
"Paano kung.... kungg..." haba ang hinihintay ko ang mga susunod niyang sasabihin ay hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ang aking puso na halos hindi na ako makahinga.
"Paano kung sabihin ko sayong hindi ko kayang kalimutan yun?"
mabilis niyang tanong sa akin na mas lalong nagpahulantang sa akin. Dahil sa gulat at kaba ay hindi ko siya nasagot sa kanyang tanong, yumuko lang ako at hindi ko na siya tiningnan dahil alam kong nasa akin nakatingin ang kanyang mga mata.
"Okay lang, naiintindihan ko kung hindi mo ako kayang sagutin dahil alam ko namang may nagmamayari na sayo at hindi ako yun" halos maiyak ako dahil sa kanyang sinabi sa hindi ko kalang dahilan. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya at umalis, tiningnan ko lang siyang naglalakad palayo nang biglaang siyang lumingon sa akin.
"Hmmm Adam, sabay na tayong pumuntang practice mamaya. Okay lang"
"Ahh sige no problem"
"Okay" at umalis na nga siya at naiwan na ako ditong nag iisa.

   Nandito kami ngayon sa hallway naglalakad, habang naglalakad kami ay walang nagsasalita sa aming dalawa, ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, nauuna siyang naglalakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
"Cam I court you?" Halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi kaya tinanong ko siya ulit.
"Huhhh?"
"Sabi ko pwede ba kitang ligawan?" Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman alam ang aking isasagot sa kanya, kahit alam ko sa aking sarili na hindi dapat ay hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil alam kong masasaktan ko siya. Imbes na sagutin ko siya ay nauna na akong nagalakad sa kanya.
"Sorry" natigilan ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. Lumingon ako sa likod para harapin siya.
"Hmmm para saan?"
"For kissing you"
"Hmmmm okay lang yun, kalimutan nalang natin yun" magpapatuloy na sana ako ulit sa paglalakad nang bigla ulit siyang magsalita.
"Magkaibigan parin naman tayo diba"
"Ahh oo naman siyempre" nginitian niya ako at naglakad siya palapit sa akin, nang nakalapit na siya sa akin ay bigla niya akong niyakap, naramdaman ko ang nag pagtulo ng kanyang mga kuha sa aking balikat kaya naawa ako sa kanya. Niyakap ko siya pabalik.
"Sorry kung hindi kita pwedeng mahalin Xyle, alam mo naman na may minamahal na ako"
"Its okay, naiintindihan ko"
   Nagpatuloy na kami sa pagalalakad at nakaakbay lang siya sa akin, nakangiti lang siya kaya medyo mabawasan na ang kalungkutang nararamdaman ko para sa kanya. Nang nakarating kami sa Audi. ay kasalukuyan nang naglalaro ang mga kasamahan namin, natigil lang sila nang mapunta sa amin ang kanilang atensyon.
"Uuuyyyyyyyyyyyy" sabay sabay nilang sigaw kaya medyo nakaramdam nanaman ako ng kaba. Napansin ko naman na nakaakbay parin pala si Xyle sa akin, agad naman itong tinanggal ni Xyle dahil pati siya ay napansin din niya. Dumiretso na kami sa locker para magbihis, habang nagbibihis kami ay nahihiya akong tumingin kay Xyle dahil alam kong naka short lang siya.
"Xyle pakibasa naman yung damit ko sa likod Oh hindi ko maibaba ehhh"
"Ahh okay" kahit nahihiya ako ay ibinaba ko nalang yung damit niya. Habang ibinababa ko yung damit niya ay kitang kita ko ang magandang pagkakahulog ng kanyang likod. Kung ihahalintulad ko siya kay Leon ay pareho lang silang maganda ang pangangatawan.
"Ahh thanks. Tapos kana"
"Ahh hindi pa mag sasapatos nalang ako"
"Ahh tulungan na kita" tatanggi na sana ako pero wala na akong nagawa dahil kinuha na niya yung sapatos kong kulay violet at isinuot niya sa akin. Pagkatapos niyang isuot yung sapatos ko ay nagpasalamat na ako at sabay na kaming pumunta ng court.

  Habang nagprapraktis kami ay pansin ko ang panay na tingin sa akin ng iba naming mga kasamahan.
"Ahh Xyle bakit panay ang tingin nila sa akin?" Tanong ko kay Xyle.
"Ahh ehh ang iksi kasi ng suot mong short, ang sexy mo tingnan" ramdam ko ang  pamumula ang aking pisngi dahil sa kanyang sinabi.
"Ahh ganun ba, sige magpapalit nalang ako"
"Ahhhh hindi hindi na okay nayan, hayaan mo silang tingnan ka"
"Sigurado kaba? Baka kasi pangit tingnan kaya sila nakatingin sa akin ehh?"
"Hindi okay nayan" Nagpatuloy na nga kami sa praktis at ganun parin, panay parin ang tingin nila sa akin kaya medyo nawawalan ako ng focus sa pagprapraktis. Pagkatapos ng aming praktis ay uuwi na sana ako dahil gabi narin at may pupunta pa kami ni Leon sa Cebu ng madaling araw nang bigla akong tinawag ni Xyle.
"Hmmm Xyle tara kain muna tayo sa labas libre ko"
"Hmmmm cge"

    Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan.
"Hmm saan tayo pupunta?"
"Ahh dadalhin kita sa paborito kong kainan dito sa Baguio" at pinaandar na nga niya yung kanyang sasakyan.
"Baka magalit yung boyfriend ko sa akin huh?" Bigla niyang tanong sa akin.
"Hindi yan kakain lang naman tayo diba?"
"Oo naman friendly date lang tayo hahahaha" nahiya ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko nalang siya inimik.

   Nakarating na kami sa sinasabi niyang paborito niyang kainan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kainan, malinis siya at maraming kumakain.
"Hmmm doon tayo sa second floor." At hinila na niya ako paakyat papunta sa taas. Habang nasa taas kami ay namangha ako dahil kita ang kabuuan ng siyudad dito.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo ang ganda dito"
"Buti naman. Tara order na tayo"
"Ahh okay". Nag order lang ako ng friend Rice at egg dahil paborito ko yun habang itong kasama ko ay ang daming inorder mukang gutom talaga siya.
"Kaya mo bang ubusin yan"
"Oo naman basta tutulungan mo ako" nagsimula na kaming kumain at napansin kong ang takaw ni Xyle kumain kaya natutuwa nalang ako dahil may natitira pang kanin sa gilid ng kanyang labi.
"Bakit?" Tanong niya nang napansin niyang natatawa ako habang nakatingin sa kanya.
"Ahh may may hahaha may kanin ka sa labi hahaha" bumusangot ang kanyang muka at mukang naasar ko siya.
"Tanggalin mo biliss" inilapit niya ang muka niya sa akin kaya tinanggal ko nalang yung kanin sa kanyang labi. Natigilan ako nang may napansin akong flash ng camera kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng flash. Pagka tingin ko ay wala naman tao, kay ipinagwalang bahala ko nalang dahil baka flash lang yun ng mga nagpipicture sa kabilang table.
"Ano yun?" tanong sa akin ni Xyle
"Ahhh wala"
"Hmmm okay" at nagpatuloy ulit siya sa pagkain.
 
   Nang natapos kaming kumain ay nagpahatid na ako sa bahay. Pagkarating namin ay bumaba na ako ng kanyang sasakyan at papasok na sana ako ng napansin ko ang sasakyan ni Leon sa kabilang kalsada at siya na nakasandal dito. Natakot ako ng nakita ko ang masamang tingin niya. Lumapit siya sa akin kaya bumilis ang tibok ng aking puso dahil baka makita niya kung sino ang kasama ko.
"Saan ka galing?"
"Ahhh kumain"
"Sinong kasama mo" hindi ko na siya nasagot dahil biglang lumabas si Xyle mula sa kanyang sasakyan at tinawag ang aking pangalan.
"Adam yung cellphone mo naiwan mo"
"Ahhh kaya pala hindi kita makita kahit saan dahil may kasama ka palang iba"
"Ahhh Leon magpapaliwanag ako"
"No need, ayoko kong marinig ang paliwanag mo ngayon, magpaliwanag kanyang bukas, susunduin kita kita ng 5:00am" sabi niya sa malamig na boses. Umalis na siya at naiwan kami dito ni Xyle. Parang nakita ko ulit ang dating Leon na kilala ko yung cold palagi at parang walang pakialam sa mundo.
"Sorry, gusto mo ba ako nalang magsabi sa kanya?"
"Ahh hindi na .. wala ka namang kasalanan"
"Hmmmmm okay, sorry ulit" pumasok na siya sa kanyang sasakyan at umalis nadin. Pagpasok ko sa bahay ay naligo na ako agad dahil gusto ko nang matulog. Pagkatapos kong maligo ay nagpatayo na ako ng buhok, habang nagpapatayo ako ng buhok ay nagtext ako kay Leon.
Ako: magpapaliwanag ako baby" naghintay ako ng text mula sa kanya pero wala akong naghintay kaya napagdesisyunan kong matulog nalang at bukas nalang magpaliwanag dahil mukang nagalit ko talaga siya.

"Author's Note 📝
   Hayyyy sa wakas nakapag update rin.. SORRY po kung natagalan ako sa pag ud.. nasira po kasi ipad ko...
.... please vote and comment po.....

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon