Kabanata TwentyFour

160 7 5
                                    

Leon's POV 👀👀

   Nandito ako ngayon sa auditorium at pinapanood ko si Adam habang nag eensayo ng volleyball, napapangiti ako tuwing papaluin niya yung bola dahil ang cool nun para sa akin ang sexy pa niya sa kanyang suot na maiksing shorts at jersey na medyo fit sa kanya. Habang nag eensayo sila ay hindi ko mapigilan ang magselos kapag nakikita kong nakikipag apir siya sa kanyang mga kasamaan. Napatingin siya sa kinalalagyan ko kaya nag iwas ako ng tingin dahil baka mapansin niyang naiirita ako sa mga kasamahan niya.

"Heyyy okay kalang?" hindi ako makapag salita dahil sa sobrang cute niyang itsura habang tumutulo ang kanyang pawis, mapupula ang kanyang malalaking cheeks na mas lalong nakakapag pacute sa kanya.
"Ahh ehh oo okay lang ako. Eto maglunsad ka muna ng pawis mo" sabay abot ko sa kanya ng bimpo na ipinahawak niya sa akin kanina.
"Thanks! Pengeng tubig" sabay pout niya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin dahil sobrang cute niyang mag pout. Inabot ko naman sa kanya ng kanyang Thumbler.

  Napatingin ako sa mga kasamaan niya at nakita kong nakatingin silang lahat sa amin, maliban kay Xyle na busy sa pagkalikot sa kanyang cellphone.
"Okay Go back to practice" sigaw ng kanilang coach kaya agad naman silang nagsipuntahan sa volleyball court. Itinapon ni Adam ang kanyang bimpo sa akin at hindi ko ito namalayan at sa muka ko ito napunta. Tiningnan ko siya ng masama at imbes na kabahan siya ay binigyan niya lang ako ng peace sign gamit ang kanyang mga daliri habang tumatakbo. Namangha ako dahil sa bango ng kanyang towel imbes na mangamoy pawis ito ay napunta sa towel niya ang kanyang nakakaadik na amoy napapangiti nalang ako dahil dun:).

   Pagkatapos ng practice nila ay niyaya ko siyang kumain ng dinner sa labas dahil alas 6 narin ng gabi sila natapos nag practice. Dinala ko siya sa paborito kong kainan ng barbecue dito sa Baguio. Hinayaan ko siyang umorder ng lahat ng gusto niya dahil gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nagawa ko sa kanya. Pinanood ko lang siyang tignan ang Menu at hindi ko inaasahan ang sumunod na mga pangyayari dahil bigla niyang sinabihan ang waiter ng kung ano anong gusto niyang kainin nasa 5 mahigit na klase ng pagkain ang kanyang inorder pwera pa yung drinks at dissert.
"Sure kaba kaya mong ubusin yun lahat" gulat kong tanong sa kanya. Bigla namang lumungkot ang kanyang muka.
"Sige wag nalang"
"Ahh no no no Its okay Baby, natatakot lang ako na baka tumaba ka at masira ang perpekto mong figure" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Talaga? Don't worry 😉 ngayon lang to promise. Nagugutom lang talaga ako". Pagpapaliwanag niya sabay lantak sa nakahaing mga pagkain sa mesa namin.
"Ohhh dahan dahan baka mabilaukan ka" pagpigil ko sa kanya, paano ba naman kasi kung makalantak siya sa pagkain ay parang mauubusan ehh kaming dalawa lang naman ang nandito at handa naman akong ipaubaya sa kanya lahat ng pagkain dito dahil mahal na mahal ko siya. Hahahaha.

   Pinanood ko lang siyang kumain. Nagkalat na ang barbecue sauce sa kanyang bibig kaya natatawa talaga ako dahil para siyang bata kung kumain napaka messy hahaha. Palihim ko siyang kinunan ng litrato habang kumakain dahil gusto kong may natitignan kapag gusto kong maalala kung gaano siya ka messy kumain. Napatingin naman siya sa akin habang nakasubo parin ang barbecue stick sa kanyang bibig.
"Wala kabang balak kumain diyan?, kung ayaw mo sige akin nalang lahat ng to bahala ka"
"Go on Baby I'm willing to give it all to you, because I love you" sabay kindat ko sa kanya na nagpapula sa kanyang malulusog na cheeks. Nakita ko naman na nahiya siya kaya nagpatuloy nalang siya sa pagkain.

  Matapos kaming kumain ay tinanong ko siya kung gusto naba niyang umuwi pero sabi niya gusto pa daw niyang mag ikot ikot dahil medyo madami pang tao dito sa Park malapit sa kinainan namin dahil kung hindi ako nagkakamali ay may nalalapit na fiesta dito kaya medyo madami nang rides at mga nagkalat na pamilihan. Habang nag iikot ikot kami ay may nadaanan kaming isang game na kung saan ay may fake Gun na gagamitin para mapaputok nag mga balon at kapag nakapag paputok ka ng limang sunod sunod ay pwede kang pumili ng kahit anong gusto mong stuff toy. Napansin kong nakatitig si Adam sa isang panda na stuff toy ay mukang gustong gusto niya itong makuha dahil nakangiti siya dito habang pinagmamasdan.

"You want that?" Tanong ko sa kanya kaya nalipat nag tingin niya sa akin.
"Ahh yess" nahihiya niyang tugon sa akin. Hinila ko siya papunta doon sa pila ng mga naglalaro para subukan ding maglaro. Nasa tabi ko lang siya at hindi parin niya matanggal ang titig niya sa malaking panda na stuff toy naisip ko tuloy kung susubukan ko pa bang laruin ito dahil parang aagawin pa nung stuff toy natin ang atensyon ni Adam sa akin.

   Oras na para kami naman ang maglaro ni Adam kaya naghanda na ako para patamaan ang mga baloon na ito. Nung unag subok ay hanggang tatlo lang ang sunod sunod kong napaputok. Pang limang beses na at hindi ko parin magawang makuha yung limang sunod sunod na patama sa maga baloon. Tiningnan ko si Adam at mukang naiinip na siya kaya ginalingan ko pa ang pagpapatama sa mga balloon. 1,2,3,4 please isa nalang at makukuha kona ang stuff toy na gusto ni Adam, bago ko pinatamaan ang huling balloon ay tiningnan ko muna si Adam and 5.
"Yeeeeeeees" sigaw niya kaya napatingin lahat ng nakasunod sa amin sa aming direksyon.
"Pili na kayo" sabi ni manung na may ari ng Booth.
"Go ON Baby" at agad naman niyang kinuha ang kanina pa niyang tiningnan na panda. Napansin ko naman ang paglaki ng mata ni manung dahil sa tawag ko kay Adam pati yung mga kasunod naming mga grupo ng babae ay kinikilig kaya pati ako ay napapangiti nalang sa kanila.

  Pauwi na kami at ito na ngabang sinasabi ko dahil imbes na nasa sa akin ang atensyon ni Adam ay nasa Panda nalang at yakap yakap niya ito na para na siyang bata na ayaw maagawan ng candy. Habang ngadradrive ako ay nakatulog na si Adam dahil sa pagod at nakapatong ang kanyang ulo sa panda na aming napanalunan. Napapangiti nalang ako dahil sa napaka inosente niyang muka habang natutulog.

   Pagkarating  namin sa harap ng bahay nila ay gigisingin ko na sana siya pero naisip kong wag nalang dahil mukang pagod na pagod na siya. Nagdoorble ako at agad naman akong pinagbuksan ng kanyang napakagandang mommy.
"Ahh good evening po tita"
"Ahh good evening Leon, asan si Adam tinext niya sa akin na magkasama kayo kanina ha?
"Opo nasa loob siya ng sasakyan. Bubuhatin ko nalang po siya papunta sa kwarto niya nakatulog po kasi siya habang nasa byahe ehh."
"Ahh cge"
   Binuhat ko siya papuntang kwarto niya at hinayaan lang naman ako ni Tita dahil ilang beses ko narin naman na akong nakapasok dito sa kwarto ni Adam. Pinahiga ko na siya sa kanyang kama at tsaka ko siya binigyan ng halik sa noo pagkatapos ay umuwi narin ako dahil pati ako ay nakakaramdam narin ako ng antok.

Author's Note 📝
   Yan lang po kinaya ko pasensya na po.. hahahaha..
Comment and vote please..
#share..😇😇😇😇

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon