Kabanata ThirtyEinght....

95 4 0
                                    

Kinaumagahan ay nauna akong nagising kay Adam, pinagmasdan ko ang napaka amo niyang muka habang natutulog, hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagpantasyahan ang napaka inosente niyang muka...tinitigan ko lang siya hanggang sa mapansin ko ang unti unting pagmulat ng kanyang mga mata, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang nag talukbong ng kumot sanay sabing...
"Pwede alis ka muna?..magbibihis lang ako.!"... dahil mahal ko siya ay pinagbigyan ko na siya ay pumayag nalang ako dahil alam ko naman na wala siyang suot na damit dahil nga sa may nangyari sa amin kagabi Hahahahaha...

  Pumunta ako ng kusina at dahil nga wala yung maid namin ay nagpasya na akong magluto ng agahan para sa amin, nagluto ako ng simpleng omelet at hotdog dahil yun lang naman ang alam kong lutuin baka nga masunog ko pa ehh>-<.... ilang sandali pa ay lumabas na ang asawa ko este si Adam pala galing sa kwarto at napansin kong suot n'ya yung jersey ko na dahilan para mapagawa ako paano ba naman ehh sobrang laki sa kanya nung damit ko sa kanya sa sobrang laki nga ehh pwede na siyang hindi mag short ehhh..
"Pahiram ha?"
"No prob.. baby.." agad siyang namula dahil sa sinabi ko kaya agad ko nalang siyang niyaya kumain dahil baka mahimatay pa siya sa sobrang pamumula mahirap na... pagkatapos ay nagpaalam na siyang umuwi pero nang maglalakad na siya ay gas din siyang natigil at napahawak sa paa niyang may pilay...
"Ohh kaya mo bang maglakad?"
"Hmmm parang hindi ehhhh"
"Halika hatid nalang kita"
"Hmm paano marunong kabang magdrive?"
"Hindi kakargahin kita"
"Ahah hindi na kailangan, kaya ko namang maglakad ehh, Hmm samahan mo nalang akong maglakad baka kasi matumba pa ako at walang sasali sa akin..."
"Ahhhh okay"
habang naglalakad kami ay tahimik siya habang paikaikang naglalakad, biglaang ko namang naaalala kung sino yung kasama niyang lalaki nung isang araw kaya tinanong ko siya...
"Hmmm sino yung kasama mong lalaki nung isang araw"
"Bakit mo tinatanong?"
"Hmmm wala lang curios lang ako"
"Hmm secret"
"Sino ba kasi yun?"
"Ehh bakit ba kase?"
"Wala lang gusto ko lang malaman, at malay ko ba kung bago mo pala yun"
"Huhh anong sabi mo?"
"Ahh ehh wala, Tara na nga hatid na kita"
"Hmm, pwede pabuhat masaki na paa ko ehhh"
"Okay.. o sakay na".. kinarga ko siya sa likod ko at kahit mabigat siya ay titiisin ko para lang maging komportable siya.. sweet ko nohhh?".. pagkarating namin sa bahay nila ay agad kung nakita yung mommy ni Adam, nang mapansin niya kami ay agad siyang lumapit sa akin at niyaya niya akong pumasok muna sa loob ng bahay nila...
"Ahhhhh" nagdadahilan sana ako dahil nahihiya akong pumasok pero wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni tita papasok ng bahay nila, pagpasok namin ay nakita ko si Ellie (anong ginagawa ng babaeng ito dito ang agaaga?) nang mapansin niya ako ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang muka kaya agad na akong umiwas ng tingin dahil baka makatunog pa siya at kung ano ano nanaman ang tanungin niya...

   Napansin ko ang Paglabas ng isang lalaki galing sa taas ng bahay nila Adam at alam niyo ba kung sino siya?, siya lang naman yung lalaking kasama ni Adam nung isang araw, nagulat ako nang biglang lumapit sa kanya si Adam na parang alang pilay dahil sa sobrang bilis, umiwas nalang ako ng tingin at kumain dito sa inihandang merienda ni tita, nang matapos akong mag merienda ay nagpaalam na akong uuwi dahil may mga gagawin pa ako sa bahay at pinayagan naman ako ni tita, hindi na ako nagtangkang magpaalam kina Adam dahil busy naman silang naghaharutan dun, bahala sila diyan... umuwi ako sa bahay ng masama ang loob dahil sa mga nakita ko kanina, nag-isip ako ng pwedeng gawin para mawala yung inis na nararamdaman ko, naalala ko naman na malapit na pala ang pasukan at first year College na ako sa pasukan kaya kailangan ko nang maghanap ng mapapasukan, naisip kong mag enroll sa UB dahil medyo malapit lang yun dito sa bahay, inihanda ko na yung mga requirements para sa enrollment...bigla namang sumagi sa isip ko si Adam kung saan siya mag-aaral sana sa UB din siya para magkasama kami, nahihiya naman akong tanungin siya dahil hindi na kami gaanong  close (kahit may nangyari sa amin kagabi lang Hmm)...

      Lunes na ngayon at ngayon din ang araw na pagpunta ko sa UB (UNIVERSITY OF BAGUIO) para mag enroll.. pagkarating ko sa campus ng UB ay may mga mangilan ilan ng student, agad na akong pumunta pumila para mas maaga rin akong makakauwi. Habang kasalukuyan akong nakapila  ako ay iniisip ko parin kung sino ba talaga yung lalaking kasakasama ni Adam, bago niya kaya yung bf or what?...hayyyy naguguluhan talaga ako..... pagkatapos kong maipasa lahat ng kinakailangan ipasa ay agad na akong umuwi dahil wala narin naman na akong gagawin ay baka maglalaro nalang ako dun sa computer ko ng kung ano ano basta hindi lang ako maboring.....

    Nandito na nga ako sa bahay at kasalukuyan akong naglalaro, papatapos na sana itong nilalaro ko nang biglang nakarinig ako ng door bell sa labas ng bahay kaya agad na akong lumabas dahil baka importante, pagkalabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Adam kasama niya yung lalaking kinaiinisan ko kaya bigla nanaman akong nawala sa mood..."Oh anong kailangan mo?".. "Ahh ibabalik ko lang sana itong jersey mo, ito Ohh" pagkaabot niya ng jersey ay hinihintay ko na lang silang umalis pero hindi parin sila gumagalaw kaya nagsalita na ako.. "ohhh may kailangan ka pa?"... "hmmm pwede maki nood ng TV?".... "HUHHH? Baliw kaba? May TV naman kayo bakit hindi ka nalang sa bahay niyo manood?" ... "Ahh basta sige na plsss...? Promise hindi kita guguluhin".... "hayyy nako bahala ka nga diyan gawin mo kung anong gusto mo..." papasok na sana ako ng bahay nang marinig ko ang sinabi ni Adam doon sa kasama niyang lalaki... "ahhh Sam kaya mo namang umuwi diba?" "Oo bakit" "mauna kana dio muna ako kay Leon wala siyang kasama ehh, sige bye thanks kuya"... "Ohh sige, ingat ka ha?"... "okay"... bigla akong nakaramdam ng saya nang mapagtanto kong hind niya kasama sa pagtambay yung lalaking yun dito sa bahay namin, isa pa ehh nagtataka ako kung bakit kuya ang tawag niya, Ahh basta isa lang alam ko malayong may namamagitan sa kanila, sana tama ang hinala ko..:)....

  Habang nanonood yung mahal ko sa sala ay naghahanda naman ako ng merienda niya ,(Ohh diba ginawa pa niya akong maid niya) gumagawa ako ngayon ng egg sandwitch dahil ito lang naman ang nasa ref namin kaya ito na inihahanda ko, masarap naman to kaya sana magustuhan niya... "Ohh merienda ka muna".. "Ahh thanks" "anong oras ka uuwi?"... "bakit gusto mo na ba akong umuwi?".. ahhhh hindi hindi kung gusto mo nga ehh dito kana tumira"... "ano?"... "Ahh wala sabi ko kainin mo nayan Ohh kung hindi ako kakain"... "hmmm hindi pwede ginawa mo yan para sakin kaya akin lang to" parang bata naman to itago ba naman niya yung eggsandwitch sa gilid niya... "hmmmm saan ka pala mag aaral pasukan na next Month ohhhh"... "hindi ko nga alam ehhh, ikaw ba?" "Ahhh secret baka sundan mo pa ako".. "bakit ayaw mo ba?"...  imbes na sagutin niya ako ay nagpatuloy lang siya s panonood sand.. iniisip ko naman kung saan siya mag-aaral, sana ay sa UB din siya para mabantayan ko siya, baka kase may kagtangkang bakuran siya ehh mahirap na...

   Alas 7 na ng gabi at hindi parin siya umuuwi halos nakaka 3 movie narin siya pero wala parin siyang sawa sa panonood, naubos narin yung merienda na inihanda ko kaya lumabas muna ako para bumili ng makakain.. lalabas na sana ako nang biglang magsalita itong kasama ko... "Ohh saan ka pupunta?" "Ahh bibili lang ako ng merienda, wala na kanang makain ohhh" "hmmmm okay, Hmm wait pwede dito muna ako matulog natatakot na akong umuwi ehh, wag kang magalala nagpaalam naman ako kay mommy" "Huhh ehhh walang kasama mommy mo sa bahay niyo." "Meron si Sam, yung pinsan ko na kasama ko kanina, naalala mo?" "Ahh pinsan mo yun?, akala ko ipinagpalit mo na ako dun ehh" "Huhh pinagsasabi mo diyan ehh wala namang tayo" "wala pa sa ngayon, sige bibili lang ako, ingat ka dito huh? Wag kang magpapasok ng ibang tao" "ikaw ang magingat ikaw kaya lalabas diyan hayyyyyy"......

Author's Note 📝 :
   Hahahahaha.. alam ko po naboboring na siguro yung iba sa inyo dahil madalang nalang ako mag update..sorry po... naadik po kasi ako sa ML(MOBILE LEGENDS)....HAHAHAHAHAA.  Again sorry po sa mga typographical errors ko.. kung meron man.. alam ko marami ehh intindihin niyo nalang po..😇😇😇😇😇

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon