Kabanata #35

96 4 3
                                    

"Leon's POV"

   Sobrang sakit ang aking naramdaman nang makita ko ang mga pictures ni Adam at yung Xyle na yun na magkasama at ang masakit ay hinalikan pa niya yung labing dapat ay para sa akin lang.. hindi lang ako galit kay Xyle kundi pati narin kay Adam dahil pumayag siyang angkinin ni Xyle ang kanyang mga labi at ang masakit ay hindi niya inamin sa akin bagkus ay ginusto niyang magsinungaling..

Tapos na ang sembreak at nagsimula nanaman ang pasukan, nandito ako ngayon sa isang bakanteng parte ng aming campus nagmumuni muni at iniisip ko parin ang kung ano na ang mangyayari sa amin ni Adam, galit ako sa kanya, sobra dahil sa mga itinago niya sa akin..... habang nakaupo ako dito sa ilalim morning ng isang puno ay nakita kong naglalakad si Adam at mukang papunta siya sa aking kinaroroonan kaya agad na akong tumayo at naglakad palayo dahil ayokong makausap ang taong manloloko katulad niya. Masakit sa akin na magalit kay Adam pero sa tingin ko naman ay karapatan ko iyon dahil ako ang niloko at nasaktan...hindi ko na tinangkang lingunin pa ang kinaroroonan niya dahil sigurado akong nakatingin siya ngayon sa akin...

  Nandito na ako ngayon sa classroom at sigurado akong any time ay papasok narin dito si Adam kaya agad na akong naghanap ng pwedeng kapalit ng upuan para maiwasan ko nang kausapin si Adam.. nakita ko naman na nakaupo si JC malapit sa bintana sa kabilang row, si JC ay isa sa maga Gay kong classmates, agad ko na siyang nilapitan at kinausap kung pwede ba kaming magpalit ng upuan at mukang siniswerte naman ako dahil pumayag siya agad, ewan ko lang kung pumayag talaga siya o dahil takot lang siya sa dating ako... ilang sandali pa ay dumating na yung Professor namin hindi ko alam kung bakit may part parin sa akin na gustong tingnan ang upuan ni Adam na hanggang ngayon ay bakante parin, actually ay wala naman akong pakialam kung papasok siya o hindi kaya binalik ko na ang atensyon ko sa mga pinagsasabi ng Professor namin...

   Natapos ang klase namin at hindi pumasok si Adam, agad na akong pumunta ng canteen para bumili ng merienda ko dahil gutom narin ako.. pagkarating ko sa canteen ay nakita ko si Ellie na bumibili rin ng merienda niya at nag nakapagtataka ay hindi niya kasama si Adam na usually ay palagi niyang kasama. Napunta sa akin ang paningin niya kaya agad akong nagiwas ng tingin dahil baka magtanong pa siya ng kung ano ano tungkol kay Adam na pinaka ayokong mapagusapan.... buong akala ko ay hindi ako mapapansin ni Ellie pero agad siyang lumapit sa akin ..
"Hoyy ikaw lalaki ka, asan si Adam aning ginawa mo kay Adam? Saan mo siya dinala ha?"
"Hoyy ang OA mo, hindi ko alam kung nasaan ang manloloko mong bestfriend kaya wag mo siyang matanong tanong sa akin dahil wala na akong pakialam sa kanya"
"Huhhh? What do you mean manloloko?"
"Siya nalang tanungin mo" iniwan ko dun si Ellie dahil muka namang kahit pati siya ay hindi alam kung nasaan ang bestfriend niya, ni hindi nga niya alam na hindi kami ayos ngayon ni Adam ehh...

  December na nga at nalalapit nanaman ang pasko, hanggang ngayon ay hindi ko parin pinapansin si Adam dahil wala naman akong balak makipag ayos sa kanya... nandito ako ngayon sa Session Road at kasalukuyan akong naglalakad lakad dahil naaaliw akong tingnan itong mga naggagandahang mga Crismass lights, marami ding mga taong namamasyal ngayon dahil nga malamig at marami ding mga bilihan ng mga pagkain, damit at iba pa... habang naglalakad ako ay napansin kong parang may nakatitig sa akin mula sa likod, actually ay kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa akin pero hindi ko lang pinapansin dahil baka feeling ko lang yun pero hindi na talaga ako nakapagpigil pa kaya lumingon na ako sa likuran, pagkalingon ko ay nakita ko si Ellie na umiiyak sa hindi ko malamang dahilan kaya agad k siyang nilapitan dahil hindi naman niya kasama si Adam kaya okay lang na lapitan ko siya..
"Hoyy bakit, bakit ka umiiyak?" Ilang sandali pa ang hinintay ko bago ko napasagot si Ellie dahil wala parin siyang tigil sa pag iyak..
"Hmmm please pabalikin mo yung bestfriend ko, please" sinasabi pyan ni Ellie sa akin habang umiiyak siya. May part sa akin na sumakit sa hindi ko malamang dahilan, oo galit ako kay Adam dahil niloko niya ako pero bakit ngayon ay nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga sinabi ni Ellie..?
"Huhhh anong ibig mong sabihin? Please kung pinakiusapan ka ni Adam na kausapin ako wag mo nang ituloy dahil hindi pa ako handang kausapin siya"
"Oo alam ko na ang tungkol sa ginawa ni Adam na panloloko sa iyo, nalaman ko yun sa mommy niya kahapon nang balak ko sanang dalawin si Adam pero that day nalaman ko rin na..... na.. hmmmm na pumunta na siya ng US at doon na siya mag-aaral, tinanong ko sa mommy niya ang dahilan niya kung bakit niya pinili ng umalis at ang tanging sinabi lang daw ni Adam sa kanya ay dahil gusto daw niyang doon mag aral dahil nandoon yung mga pinsan niya, oo lam kong napaka babaw na rason nun kaya hindi ako naniwala, nalaman ko ang tungkol sa inyo dahil nagiwan siya ng sulat para satin... eto yung sayo" inabot sa akin ni Ellie ang isang kulay white na sobre...
"Hmm thanks"
"Hmmm wag kang magpasalamat sa akin dahil wala naman akong nagawang mabuti sayo. Sige aalis na ako sana maging masaya ka ngayon na wala na yung bestfriend ko.."

"Ellie's POV"
  Pumunta ako kahapon sa bahay nila Adam para sana dalawin siya dahil magiisang linggo narin na hindi siya pumapasok kaya nagdesisyon na akong puntahan siya, last na akita ko kasi siya ehh nung Martes pa sa School ang alam ko nga ehh papasok na siya pero hindi naman siya naka uniporme at nang tinanong ko siya kung saan siya pupunta ay sinabi niyang sa faculty daw kakausapin niya yung adviser namin at yun na yung last..... pagkarating ko sa bahay nila ay nadatnan ko yung mommy ni Adam na nagluluto sa kusina..tinanong ko yung mommy ni Adam kung nasaan si Adam pero pansin ko ang pagtataka sa kanyang muka nang tinanong ko siya..
                 *flashback*
"Hmmm hello po kamusta"
"Ahhh Ellie napadalaw ka, bakit?"
"Ahh tatanungin ko po sana kung nasaan si Adam, magiisang linggo narin po kasi siyang hindi pumapasok ehhhh.."
"Huhhhhh hindi ba niya sinabi sayo? umalis na si Adam kahapon papuntang US. Hindi ba siya nagpaalam sayo?"
"Ahhhh ehh hindi naman po, wala naman po siyang nababanggit sa akin" nagsimula nang tumulo ang aking mga luha dahil sa nalaman kong pagalis ni Adam at ang masakit ay hindi manlang siya nagpaalam sa akin.
"Ahh sorry Ellie kung ganon si Adam eto o may iniwan pala siyang sukat para sayo at kay Leon"
"Ahh Thank you po tita.. hmmm tita kailan po ang balik niya"
"Ahhh actually hindi ko alam I think doon muna siya mag-aaral . Hmmm Ellie napansin kong naging malungkot yung Baby ko mga ilang araw bago siya umalis, nagulat nga ako nang bigla niya akong kausapin na tinatanggap na niya yung offer  ng Tito Axel niya na sa US mag-aral ehhh, may alam kaba kung bakit siya nagkaganoon?"
"Ahhh ako rin tita nagulat ako dahil sa biglaang pagbabago ni Ellie ehh, sorry tita pero wala po akong alam, wag po kayong magalala susubukan ko pong kausapin si Leon baka may alam po siya. Hmmm tita paki sabi po kay Adam na miss na miss ko na po siya" nagsimula nanamang tumulo ang aking mga luha kaya agad na akong niyakap ni tita.
"Sorry Ellie kung nadamay ka sa pinagdadaanan ng Baby ko"
"Ahhh sige po aalis na ako, salamat po sa time"
"Hmmmmm okay magingat ka ha, Welcome ka dito anytime"
"Thanks po"
                                *end OF flashback*

   Ilang araw na ang nakakalipas at hindi ko parin makalimutan ang mga nalaman ko kay Ellie at sa mga nabasa ko sa sulat na iniwan ni Adam para sa akin..

Dear: Leon
Sa oras na babasahin mo ang sukat kong ito ay wala na ako dito sa Pilipinas kaya sana mapagbigyan mo ako sa huling kahilingan ko mula sa iyo.
      Sorry kung nasaktan kita dahil hindi ko sinabi ang mga nangyari sa amin ni Xyle, pero isa lang ang nasisiguro ko sayo hindi ko ginusto kung ano man ang mga nangyari sa amin, natakot lang ako na anak iwan mo ako kapag nalaman mo na ngayon ay nangyari na nga, sana ay mapatawad mo pa ako sorry talaga...I Love you Baby..

From: Adam

  Habang binabasa ko ang sulat niyang iyan ay umiiyak ako dahil may part sa akin na nagsisisi dahil hindi ko siya napagbigyang magpaliwanag. Mas lalo akong naniwala na hindi nga niya sinasadya ang mga iyon nang lapitan ako ni Xyle at kausapin, inamin niya sa akin na nagkagusto daw siya kay Adam at sinabi niya ito kay Adam pero tinanggihan siya ni Adam dahil ako daw ang mahal niya, inamin din niya sa akin na totoo ang mga litrato na natanggap ko mula kay Colleen pero pinaliwanag din niyang hindi ginusto ni Adam kung ano amin ang mga nangyari sa kanilang dalawa .. labas akong nagsisisi dahil hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, nagkasugat sugat na ang aking kamay sa kasusontok dito sa puno, alas 6 na ng hapon at nagsisimula nang mag dilim pero hindi parin ako umuuwi dahil iniisip ko parin si Adam, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit wala na ngayon si Adam, gustuhin ko man siyang kausapin at patawarin at hindi ko na magawa dahil maging ang dati niyang number ay hindi ko na matawagan, balak ko sanang kausapin si Ellie minsan para alamin kung alam niya ang new number ni Adam pero maging siya ay galit naman sa akin dahil ako ang naging dahilan kung bakit umalis si Adam, nag sorry narin ako sa mommy ni Adam at inamin ko ang mga nangyari sa amin ni Adam at pinatawad naman niya ako buti nalang at kasama ngayon ng mommy ni Adam yung isa sa mga tita niya kaya may a kasama ngayon si tita...

Author's Note 📝
  Ohhh my gg what will happen?😭😭😭😭😭😘
Don't forget to vote and comment po... salamat...

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon