Kabanata TwentyEight

163 9 7
                                    

Adam's POV

   Hindi ko parin makalimutan ang nangyari 1week ago sa amin ni Xyle sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko magawang magalit sa kanya bagkus ay naaawa ako sa pagiwan ko sa kanya sa clinic dahil alam kong masakit pa ang mga pasa niya sa katawan pero iniwan ko parin siya. Kapag masa loob ako ng classroom ay hindi ko magawang tignan siya sa muka dahil sa tuwing napapasulyap ako sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kaya minabuti ko nalang na hindi siya tignan dahil bigla nalang bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing magkrukrus ang aming mga paningin. Hindi ko maiwasan na maguilty para kay Leon dahil alam kong mali ang aking nagawa at sigurado akong kapag nalaman nya ang nangyari sa amin ni Xyle ay magagalit siya sa akin na iniiwasan kong mangyari. Hindi ko magawang umamin kay Leon dahil natatakot akong magalit siya sa akin gaya nang nagalit ako at nagselos nang makita ko silang magkasama ni Colleen, ayokong maramdaman niya ang naramdaman kong sakit noon.

Nandito ako ngayon sa corridor nakaupo, hindi ko kasama ngayon si Ellie maging si Leon, si Ellie ay absent at nagtext siya sa akin na hindi siya papasok dahil masakit ang kanyang ipin, si Leon naman ay hindi ko kasama dahil inutusan siya ni Mr. Santos na magpaserox copy ng mga hand outs namin, siya ang inutusan ni Mr. Santos magpaserox dahil punishment niya yun kasi napagalitan siya kanina, paano ba naman kasi kinukulit niya ako na mag date daw kami mamayang uwian.
"Flashback"
"Okay Class may activity kayo ngayon. Gumawa kayo ng isang poster slogan na nagpapahiwatig kung ng kalagayan ng ating gobyerno sa kasalukuyang panahon" habang nagsasalita si Mr. Santos ay kinukulit naman ako nitong si Adam.
"Baby pwede date tayo mamayang uwian?" Ahhh may gagawin akong Assignment hindi ako pwedeng ngayon, pati ikaw kailangan mo ding gumawa.
"Sige na please, promise gagawin ko naman yung Assignment ko ehhh please"
"Mr. Salvador I am talking here, are you listening?" Dahil medyo napalakas ang boses ni Leon ay narinig siya ni Mr. Santos kaya napagalitan siya.
"Yan kasi naglalandian sa klase" pang aasar sa amin ng isa naming kaklase.
"Because of that you ikaw ang magpapa photo copy ng mga hand outs niyo this semester"
*END OF FLASHBACK *

Habang nakaupo ako dito sa corridor ng nakayuko ay May nakita kong paa na naka tayo sa harapan ko kaya tumingala ako para kamin kung sino siya. Halos mapako ako sa kinauupuan ko dahil sa taong naka tayo ngayon dito sa harapan ko.
"Xyle?" Ta tayo na sana ako para umalis nang bigla siyang yumuko at ikinulong niya ako sa kanyang mga palad.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Bakit ganon ang lamig ng boses niya.
"Ahhh ehhh hindi marami lang akong ginagawa"
"Gaya ng ano? Pati sa practice ay iniiwasan mo ako, may nagawa ba akong masama?"
"Ahhh wala wala"
"Then Go with me may practice tayo ngayon sabay na tayo pumunta sa Audi."
"Ahhh ehhh"
"Walang pero pero sasabay ka sa akin, that is a Command form your captain" at pinatayo na niya ako sabay akbay sa akin niya sa akin.

Nandito kami ngayon at naglalakad kami papuntang audi.
"May boyfriend ka diba?"
"Ahhh oo meron. Bakit"
"Wala" at nauna na siya sa pagalalakad at iniwan na niya ako doon. Badrip yayain akong sumabay sa kanya tapos iiwan din naman niya ako. Nang makarating kami ako sa audi. ay agad na akong nagtungo sa locker room para magbihis, naabutan ko naman si Xyle doon na nagbibihis at laking gulat ko nang makita ko siyang naka boxer nalang at bakat pa yung alam niyo na. Nang matapos siyang magbihis ay iniwan nanaman niya ako doon at hindi manlang siya kumikibo.

Nagprapractice kami ngayon ng spiking at manghang mangha ako kay Xyle dahil bagay na bagay sa kanyang maging wing spiker, sobrang lakas ng palo niya, malakas rin naman akong pumalo pero aminado akong mas malakas ang palo niya. Naghanda na akong tumalon nang sa akin na ibibigay nang setter ang bola nang akmang tatalon na ako ay tumama sa paa ko ang bolang ginagamit ng mga lebero kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak ang tuhod ko sa baba.
"Ahhhhhhhhhhhh." Sigaw ko dahil sumakit nanaman yung injured part ng kaliwang paa ko na nakuha ko noong tryout.
"Shiiit" dinig kong sigaw ni Xyle at mabilis niya akong binuhat para gamutin ang sugat ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang kirot na aking nararamdaman sa aking kaliwang paa.

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon