MZ C-4

10.2K 256 6
                                    

Minah POV

Pagbukas ni Yaya ng gate ay pinasok ko agad ang sasakyan at bumaba na ako."Yaya, kamusta po si Mama? Kumain na po ba siya?" tanong ko habang kinukuha ang bag sa kotse.

"Nasa kwarto na po siya, Ma'am. Nagpapahinga, tapos na din po siya kumain."

"Sige po, papasok na ho ako. Pa-lock na ho ng gate."

"Opo, Ma'am. Nakahanda na po pala ang pagkain niyo," sabi ni Yaya.

Tumang ako. "Salamat, Yaya."

Binaba ko muna sa sofa ang dala kong bag at mabilis kong pinuntahan  si Mama sa kwarto niya. Nakangiti siya sa akin. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.

"Kamusta ang trabaho?" tanong niya habang nakayakap sa akin. 

Hinaplos ko ang likod niya. "Okay naman, Ma. Mukang gumaganda ka ngayon," biro ko at hinarap ko siya.

Parang tinutusok ang puso ko pagnakikita ko si Mama. Maputla siya at medyo pumayat kumpara nung mga nakaraang buwan. Ayaw kong umiyak o magpakita ng lungkot 'pag nasa harap ko siya.


"Ikaw bata ka, puro ka biro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ikaw bata ka, puro ka biro. Kelan ba ako naging pangit," biro din ni Mama.

"Syempre hindi," mabilis na sagot ko at sabay kaming tumawa.

Hinaplos ni Mama ang ulo ko. "Mina, anak, kelan mo tatanggalin itong Wig mo? Dahil dito wala kang mapakilalang boyfriend sa akin." Alam ni Mama kung bakit ako nagsusuot ng Wig.

"Ma, yung wig ko na naman ang napansin mo," sabi ko sabay ayos ng wig ko.

"Gusto ko lang maging masaya ka. Masyado kang subsob sa trabaho, wala ka nang oras para sa sarili mo maski sa pag-ibig."

"Ma, masaya na ako na ganito. Wala sa isip ko ang pag-ibig ang importante sa akin ngayon ay masaya ka, Mama," sabi ko hindi ko magawang sabihin kay Mama na magpagaling siya dahil alam kong parehas kaming malulungkot dahil sa sakit niya.

Pagkausap ko si Mama ay tinuturing ko siyang walang sakit na normal ang lahat. Pagkatapos ng ilang minutong pagkukwentuhan namin ni mama ay natulog na din siya. Paglabas ko ng kwarto niya at sinara ang pinto ay doon na kumawala ang luha kong kanina pa nagtatago sa gilid ng mata ko.



Umiyak ako nang hindi bumoboses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umiyak ako nang hindi bumoboses. Ayaw kong magising si Mama, dumiretso agad ako sa kwarto ko at napasandal sa pinto. "Ma--Mama--Mama," hagulgol na sabi ko. 

Unti-unti akong napaupo, nanlalambot ang tuhod ko. Muling sumagi sa isip ko ang itsura ni Mama. Kahit binalot niya ang ulo niya ng bandana ay kita ko pa rin  ang mga buhok niya na nagsilagas na nasa balikat niya. Pati kung paano niya ako yakapin kanina. Para sa kanya ay mahigpit na 'yon pero pakiramdam ko para akong yumayakap ng bulak. Yung mga braso niyang pilit niyang inaangat ay halata kong wala nang lakas na tila lantang gulay.

Kung pwede ko lang ilipat sa akin ang sakit niya ay noon ko pa ginawa. Sa mga araw na lumilipas parang lalo akong nanghihina na makita si Mama na unti-unting nawawalan ng lakas.

"Bakit si Mama? Bakit siya pa?" sabi ko kasunod nito ang lalong pag-ragasa ng luha ko.

-----------------

Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon