Nay Lydia POV
Paglabas ko sa mansyon kung saan hinatid ko si minah ay diretso agad ako sa mansyon kung saan nakatira si boss. Itong mansyon na ito ang malaki sa lahat dito rin kanina pumirma si minah ng kontrata.
Umakyat ako ng hagdan at lumakad sa hallway dalawang kwarto lang ang meron sa mansyon na ito ang isang kwarto ay nasa kanang bahagi ay yung isa ay nasa kaliwang bahagi. Dumiretso ako sa kanang bahagi dahil nandoon ang opisina ni boss.
Pagpasok palang ay mukha itong library, may malaking bookshelve na nakapaligid sa buong kwarto. Lumapit ako doon sa bandang gitna at binunot ko ang kulay violet na libro na nasa gilid.
Awtimatikong bumukas ang bookshelve na parang pinto. Tanaw ko agad si Master na nakaupo sa opisina nito. Pumasok agad ako, nasa kaliwang kamay ko ang resume ni minah.
"Master ito po" sabi ko at inilagay sa mesa ang resume ni minah. Nakaupo siya swivel chair pero nakatalikod sa akin. Nakatanaw siya bintana.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tinaas niya yung kanang kamay niya senyas na maghintay ng sasabihin niya.
Patay ang ilaw ng opisina niya. At ang tanging liwanag lang ay ang araw na tumatama sa malaking bintana kung saan siya nakaharap. At may flat screen tv na 60'inch sa gilid malapit sa mesa ni boss. Dito naka monitor lahat ng cctv na nasa apat na mansyon.
Napaayos ako ng tayo nang nagsalita na siya kaya ako tahimik na nakinig sa kanya.
"Sige po master". Sagot ko at lumabas na nang opisina niya. Doon ako ulit dumaan sa bookshelves na pag hinatak yung librong kulay violet ulit na nasa gilid nito. bumubukas ulit yun at bigla ding sumara.
Simula pagkadalaga ay nandito na ako naninilbihan. Kaya siguro hindi na ako nakapag asawa dahil subsob din ako sa trabaho. Si master na din ang tinuring kong pamilya, dahil ulila akong lubos. Parehas kami ng sitwasyon, kaya minsan hindi ko maiwasang maawa sa kanya.
----------------
Minah POV
"Lottie??! Tama??! Tanong ko sa kasama kong katulong na pumasok sa kwarto.Tinignan ko yung relo na nasa taas ng pinto. Alas otso na ng gabi oras ng balik ng mga katulong sa kani-kanilang kwarto.
Tumango lang siya at dumiretso agad sa kama niya.
"Lottie ako si Minah" pakilala ko. Napalingon siya sa akin kaya nakita ko yung mukha niya na tila malungkot.
"Kilala na kita, pinakilala kana ni nanay lydia kanina" matamlay na sagot niya at huminga ng malalim.
"May problema ba?" pagtataka ko pansin na pansin ko na tila may parang may problema siya.Nakita ko nalang na lumuha na siya at pinahid naman niya agad.
"Gusto ko nang umuwi, ayaw ko nang magtrabaho dito" sagot niya. Tinanggal niya ang pagkakapusod ng buhok niya sunod naman ay ang sapatos niya.
"Bakit? malaki naman ang sahod dito at isa pa mukang alagang alaga kayo dito ay este tayo pala" sabi ko na nag-uumpisa na namang kabahan.
"Yan ang akala mo, nung una ganyan din ang nasa isip ko pero habang tumatagal na nandito ako ay pakiramdam ko di na ako sisikatan ng araw. Swerte na lang kung gigising pa ako kinabukasan" sabi niya na tila takot.
Hindi ko tuloy alam kung anung isasagot ko sa kanya. Napahinga nalang ako ng malalim at kinuha ang mga damit na nasa maleta ko.
Bakit ganun yung sinabi niya?! Unang araw ko pa lang naman kaya wag na muna akong mag isip ng kung ano-ano, saka malalaman ko din kung bakit pag nag-umpisa na ako bukas.
"Bakit ka pala nandito? Bakit ka pumasok na katulong? At yung buhok mo bakit ganyan? Parang panahon pa ni kopong kopong yang style ng buhok mo" tuloy tuloy na sabi niya.
Parang gusto kong tumawa sa sinabi niya. Panahon ni kopong kopong??!! Itong buhok ko??! Walang preno ang bibig niya.
"Ah ehhh pumasok akong katulong dito dahil sa pag te-therapy ni mama, ang totoo niyan nag cash advance ako kay nay lydia kaya pumasok agad ako dito, at yung buhok ko, idol ko kasi si cleopatra" nakangiting sabi ko at napakuyakoy. Yung huling sagot ko ang mali dahil wig lang naman itong buhok ko.
----------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mystery / ThrillerPapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...