Minah POV
"Minah galingan mo maglinis, mabuti na lang dito ako sa sala maglilinis, hindi doon sa library" bulong ni Lottie.
Napaisip tuloy ako. Ayaw niya sa library mag linis?
"Halika na Minah para matapos tayo agad" sabat naman ni Jane sabay abot sa akin ng basahan at batyang may laman na tubig. Siya naman ay nagbitbit ng vacuum cleaner. Yung ibang kasama namin ay nagdala din ng iba pang panglinis.
Pag-akyat palang namin ay diretso agad kami sa kanang bahagi ng hallway, mahaba yung hallway pero tanaw ko na yung nag-iisang pinto na nakaawang at may liwanag na nag-mumula doon.
Si Jane ang naunang pumasok, napansin ko yung ibang kasama namin ay tila ayaw pang pumasok sa loob kaya sumunod na ako kay Jane.
Pagpasok ko ay napatingin agad ako sa malakang bookshelve na puro libro, Ang laki laki ng kwartong ito, para siyang dance studio na pwede kang magpaikot-ikot. May malaking bintana na nasa kanang bahagi nito at doon naggagaling ang sinag ng araw. Kaya hindi na kailangan pang magbukas ng ilaw.
"Mag-umpisa na tayo" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mga kasama kong katulong.Sila naman ay nag-umpisa na ding magwalis at mag-vacuum. Kami ni Jane ang nagpupunas ng mga alikabok.
"Bawal daw tanggalin yung mga librong nandito sabi ni Nay lydia." biglang sabi ni Jane na abalang nagpupunas sa gilid ng bookshelves ako naman ay natuon ang tingin sa mga libro.
"Oo nga eh sayang. Ang dami pa naman nito at tingin ko yung iba ay antigo na o hindi mo na mahahanap sa mga bookstore o public library, mukang mamahalin din lahat, nakaka-engganyong basahin" sabi ko at nagpatuloy ulit sa pagpupunas.
"Sinabi mo pa minah, gusto ko sanang basahin kahit isa lang sa mga ito kaso hindi pwede" sambit ulit ni Jane.
Parang lalo akong nagka-interes na basahin ang mga libro dito dahil sa sinabi ni Jane.Bawal nga daw tanggalin eh. Saway ko sa sarili ko.
Napatingin ulit ako sa taas ng kisame, dahil pakiramdam ko may nakatingin na naman sa akin.Tama nga hinala ko dahil may CCTV na namang nakabantay sa amin. At pakiramdam ko sa akin nakapokus yung camera.
"Ma---may--- hali--li-li-maw-aw" sambit ng isang katulong na bigla na lang lumabas, nasa pintuan siya at napasandal na lang.
Dali-dali kaming lumapit sa kanya, kaya kitang kita ko ang namumutla niyang mukha.
"Saan may multo?" tanong ni Jane. Napaturo ito doon sa gilid ng bookshelve. May malaking anino na nandoon na korting halimaw malaki yung ulo ay tenga tapos bilog yung katawan at may buntot, gumagalaw pa yung buntot nito kaya yung ibang kasama ko napatras ng hakbang. Si jane naman ay napahawak na sa bibig.
Habang nakatingin doon sa animo ay nag-uumpisa na akong kabahan. Ayaw kong magpahalata sa mga kasama ko na natatakot na rin ako. Hindi namin malilinis itong library kung matatakot kame.
Nilakasan ko ang loob ko, humakbang ako papunta sa anino, titignan ko kung halimaw nga ba ito. Habang lumalapit doon ay pabilis ng pabilis yung pintig ng puso ko. Tinignan ko kung saan nanggagaling ang aninong ito.
Naibsan yung kaba ko nung makita kung saan nanggagaling yung anino, nasa labas ito ng bintana at nakaupo. Muka lang malaki dahil sa sinag ng araw na tumatama rito.
"Pusa lang pala" sabi ko sabay lingon sa mga kasama ko. Sila naman ay tila napahinga ng malalim. Lumapit si Jane sa pwesto ko at tinignan din ang pusa.Purong puti ang kulay nito at mataba.
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mystery / ThrillerPapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...