MZ C-11

8.4K 228 0
                                    

​Minah POV

Napakuyom ako ng palad. Nabibwisit na talaga ako sa babaeng ito, nauubos na ang pasensya ko, ayaw kong magpatalo sa pang iinsulto niya.

"Ma'am hindi po, may good samaritan pong tumulong sa amin, mabuti pa nga ang ibang tao tumutulong samantalang yung inaasahan mong tutulong sayo ay wala pa lang kwenta" sabi ko sabay tawa. Bwisit kang bruha ka tamaan ka sana.

Napansin kong nagsalubong ang kilay niya mukang alam niyang siya ang pinapatamaan ko. "Since na it's emergency and its concern about your mothers health ay tatanggapin ko itong letter mo, you can pack your things on friday, it says in you'r resignation na friday kana aalis, Right?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

Grabe itong bruhang ito talagang pinunto pa kung anung araw ako aalis. Proven na talaga na sagad sa buto ang inggit nito sa akin. Well pabor din naman sa akin dahil ito na ang huling oras na hindi ko na siya makakausap o makikita.

"Tomorrow is friday so it means last day ko na po bukas, tama ka Ma'am" paglilinaw ko kasunod nun ang pagka inis ko.

"Yeah just make sure all of your reports should be forwarded to bet your secretary".

"Ok Ma'am lily....... Water lily". Mahinang sagot ko sana di niya narinig yung huling salitang sinabi ko.

"I'll give this to HR department, you can leave now" sambit niya at tinuon na ang tingin sa folders na iniabot ko kanina.

Paglabas ko ng opisina niya ay nagmadali na akong bumalik sa opisina ko. Mabuti na lang busy sa bet sa pag-aayos ng files niya kaya di niya napansin ang pagpasok ko sa pinto.Pagsara ko ay napasandal na lang ako at unti unting napaupo. Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko. Lahat ng nandito sa opisina ko at magandang posisyon na meron ako ay wala na, nawala na lang ng isang iglap.

------------------------

"Ma'am Minah bakit naman biglaan? Seryoso ka ba talaga? Kasi kung joke lang ito ay hindi nakakatuwa," malungkot na sabi ni bet. Nakita ko na lang pumatak na ang luha niya sa desk ko.

"Bet kailangan kong gawin ito, ayaw kong palagpasin ang pagkakataon na ito lalo na mapapagamot ko na si mama" malungkot na sagot ko nag-uumpisa na ding gumilid ang mga luha ko.

"Ma'am bakit naman kasi biglaan naman, kahapon lang masaya tayong nag-uusap ngayon naman nagpapaalam kana sa akin" naiiyak sa sambit niya.

"Bet hindi sana ako aalis kung pumayag lang si Ma'am lily na mag cash advance ako, kaso hindi eh parang natuwa pa siya nung nalaman ang sitwasyon namin ni mama" pag-aamin ko.Natigil si bet sa paghikbi at pinahid ang luhang nasa mata.

"Kupal talaga yang lily na yan, teka Ma'am magkano po ba ang hinihingi mong cash advance bakit hindi siya pumayag?"

"500,000.00" sagot ko. Napanganga na lang si Bet sa sinabi ko. "Kung tutuusin Bet kulang pa ang halagang iyon, aabot kasi ng isang milyon ang kabuaang halaga ng pag gagamot kay mama" dugtong ko ulit.

"Talaga Ma'am, ang pagkakaalam ko kasi mam base sa rules ng company 50k-100k ang pwedeng i cash advance pero kung emergency na katulad niyan at pumayag si lily bruha baka napagbigyan ka ng kompanya lalo pa na may posisyon kana Ma'am" paliwanag ni Bet na lalo yatang dumagdag sa pagkainis ko kay Ma'am Lily.





Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon