MZ C-20

8.3K 219 3
                                    

Minah POV

Humakbang ako papuntang kusina para doon kausapin si Yaya. "Yaya kamusta? Na-therapy na si Mama?"


"Oo, Ma'am. Kaninang hapon lang, nagpapahinga na siya ngayon at natutulog na.

Sa sinabi ni Yaya ay parang nabawasan ang pag-aalala ko. Totoo nga ang sinabi ni Nay Lydia pinautos nito sa tauhan ni Boss ang cheke. 

"Mabuti naman, Yaya. Sana gumanda na ang kondisyon niya. Yaya, pakisabi pala 'pag gumising siya ay kinukumusta ko siya."


"Makakarating, Ma'am. Kanina pa nga siya naghahantay ng tawag mo hanggang sa dinalaw na lang ng antok. 'Pag tumawag ka daw at tulog na siya pinapasabi niya nami-miss ka na niya."

Hindi ko naiwasan ang maging malungkot dahil sa sinagot ni Yaya. Namimis ko na din si Mama. Nakakalungkot dahil tatlong beses lang ang day off ko sa isang buwan.

"Ako din, Yaya, nami-miss ko na siya." Nag-u-umpisa nang gumilid ang luha ko sa mata kaya bago pa pumatak  ay pinahid ko kaagad.

"Sasabihin ko po 'yan sa kanya. Teka, Ma'am, kamusta ka dyan?"

"Okay na okay ako dito, Yaya. Maganda ang kwarto ko at madami akong kasamang katulong. Tingin ko hindi mahirap ang trabaho dito."

"Oo, Ma'am. Maganda ang kwarto d'yan kumpleto na lahat. Pero Ma'am, mag-i-ingat ka pa din," sabi niya na tila may pag-aalala. Sa sinabi ni Yaya ay nag-umpisa naman mag-sitayuan ang mga balahibo ko.

"Okay lang ako, Yaya. 'Wag kang mag-alala," sabi ko  na pilit pinapatapang ang sarili. Para kay Mama itong ginagawa ko kaya hindi ako matatakot, ika ko sa isip.

"Okay, Ma'am. Nasabi po ba ni Nay Lydia na may day-off na tatlong araw sa isang buwan?"

"Opo, Yaya. Baka sa next-next week pa ako makabisita kay Mama, pakisabi na lang din po. Yaya, tatawag po ulit ako bukas. Bye po," paalam na sabi ko.

"Bye, Ma'am."

Pagkatapos ng tawag ay bumalik na ako sa kama. Habang papalapit ay napansin ko sa bintana ang mga ilaw na gumagalaw. Kaya tinignan ko kung ano iyon.

"Mga bodyguard 'yan ni Boss. Nagpa-patrol sila ng ganitong oras ng gabi," sambit ni Lottie na nanunuod pa rin ng tv. 

"Ganoon ba," sagot ko habang nakatanaw sa may bintana. Nakita ko ang mga lalaking naka suit ng gray, yung iba ay may dalang aso. Ito ang mga asong nakita ko kanina habang lumalakad sa sementadong daan.

"At mamaya may maririnig kang malakas na ugong galing sa labas. 'Pag narinig mo 'yon dedma ka na lang at kung may narinig kang yabag o lumalakad papalapit sa pinto ng kwarto natin dedmahin mo ulit o kaya mag-talukbong ka kung natatakot kana," tuloy-tuloy na sabi ni Lottie kaya napalingon ako sa kanya.

​Nakita kong nakatalukbong na siya ng kumot at nanginginig sa takot. Grabe napaka matatakutin niya. Kung 'yon nga ang nangyayari 'pag hating gabi ay kailangan kong maging matapang. Dahil kung matatakot ako kagaya niya, ano nalang mangyayari sa aming dalawa?

____________

Hello sayo @bellesamanth18

Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon