Minah POV
Ako si Mina (Minah Reyes), masayahin, mabait na anak, mapagkumbaba at higit sa lahat immune na sa mga pagsubok. Nag-iisang anak ako nina Leticia Selvano at Alfredo Reyes. Maaga akong naulila sa ama dahil namatay sa sakit na Cancer si Papa. Maganda ang pamumuhay namin noong bata pa ako, pero simula nung mawala ang papa ko ay doon na nagsimulang subukin kame ni Mama ng tadhana. Unti-unting nawala ang negosyo namin, na bankrupt. Naibenta namin ang magagarang sasakyan, mga mamahaling gamit at malaking bahay na naipundar ni Mama at Papa. Kaya nung bawian ng buhay si Papa ay sinabi ko sa sarili ko na itataguyod ko at ibabalik ulit yung mga nawala sa amin.
Pinilit kong maging magaling sa klase at makakuha ng medalya. Yun na lang kasi ang magagawa ko para kay Mama. Yun ang paraan ko para mapagaan ang kalooban ni Mama, sinubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho para makapag-aral ako at para mapawi ang pangungulila kay Papa. Kaya nung nagkolehiyo ako ay pinangako ko kay Mama na magtatapos akong may medalya. 'Yun nga, natupad ko iyon hindi lang medalya ang natupad ko dahil isa din akong Suma Cum Laude. Nakapag tapos ako bilang Accountant.
Dahil mahal ko si Mama at pursigido na maging maayos ulit ang buhay namin ay hindi ako nagkaroon ng lovelife.
Kaya sa usapang pag-ibig ay wala akong ideya kung ano yun. Hindi naman ako pangit, aminado akong hindi ako matangkad dahil 5'3 lang ang height ko. Pero kay Mama ay maganda ako, siya lang kasi ang nakakaalam ng tunay kong itsura. Itinago ko ang totoo kong itsura dahil ayaw kong mag ka interes ang kung sino man sa akin dahil wala sa bokabolaryo ko ang umibig. Hindi ko rin alam kung nagkagusto na ba ako? First love? Crush? First kiss? Puppy love? I don't know. Wala akong ideya kung ano ang mga bagay na yan.
Pagkatapos ng graduation ay swerte din na tinawagan ako ng Falcon Corp. Sila mismo ang tumawag sa akin at inoperan ako ng trabaho bilang Internal Audit Assistant. Agad ko namang tinanggap dahil alam kong hindi lang basta malaking kompanya ang Falcon Corportation kundi isang Multi-billion Corporation. At suntok sa buwan ang makapasok sa malaking kompanyang ito.
Sa umpisa hindi madali ang trabaho pero dahil pursigido ako ay nagawa ko ng maayos ang trabaho ko, makalipas ang isang taon ay na promote ako bilang Internal Audit Supervisor. Si Bet ang kinuha kong Assistant. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan hindi sa pagiging bias ay magaling sa trabaho si Bet kaya confident ako na kinuha ko siyang Assistant. Magdadalawang taon na ako sa Falcon Corporation kaya kahit papaano ay umalwa ng kaunti ang buhay namin ni Mama. Nakakuha ako ng bahay sa isang subdivision at nakabili ng second hand na sasakyan.
Habang tinatahak ang daan ay napasulyap ako sa papel na nasa tabi ko. Medical records ni Mama. Halos six months na siyang nakikipaglaban sa sakit na Leukemia. Nalaman ko ang sakit niya nung nakaraang buwan lang. Nakalimutan ni Mama na naiwan niya sa sala ang medical records nung gabing matutulog na siya. Kaya nakita ko iyon nung gumising ako nung umaga para pumasok sa trabaho. Hindi ko pinakita kay Mama na gusto ko nang umiyak bagkus ay pinalakas ko ang aking kalooban dahil ayaw kong maging malungkot si Mama. Ganon si Mama hindi niya pinapaalam kung may sakit siya o problema dahil ayaw niyang maging malungkot ako. Nung araw na yun ay dinala ko agad si Mama sa hospital para malaman kung ano nang kondisyon niya, hindi na rin siya tumutol dahil alam niyang malalaman ko rin kahit itago niya pa.
Ang sabi ng Doctor ay magagamot naman si Mama dahil hindi pa naman malala ang kondisyon niya. Malaking halaga ang ka-kailanganin para sa pag gagamot ni Mama. Aabot hanggang isang milyon. Noong nalaman ko 'yon ay halos pagsakloban ako ng langit at lupa. Isang milyon? Alam kong mahirap makaipon ng ganung kalaking halaga pero gagawin ko lahat para gumaling at mapagamot si Mama. Siya na lang ang natitira sa akin. Wala na akong kakilalang kamag-anak. Ang mga Lolo at Lola ko naman ay pumanaw na din. Wala ding naku-kwento si Mama kung may kapatid siya o kapatid ni Papa. Mukang sinusubok na naman kami ni Lord.
Ilang saglit pa ay pumasok na ako isang subdivision, dito kami nakatira hindi naman high class na subdivision yung tama lang. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng gate. Nakaabang na si yaya Nelsa. Siya ang nag-babantay at nag-aalaga kay Mama.
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mystery / ThrillerPapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...