Minah POV
"Hija yung number 1 ay yan ang pinaka importanteng rule ni boss, pupuntahan ko lang kayo pag may lilinisin pagkatapos nun ay dapat bumalik din agad kayo sa mansyon kung saan kayo naka-stay," Nahinto si Nay Lydia sa pagsasalita tapos serysong tumingin sa akin.
"Ayaw kasi ni Boss makakita ng kahit sino, sa akin lang siya nakikipagkita at ako lang ang kinakausap niya" bulong ni Nay lydia dahilan na nagsitayuan na ang mga balahibo ko.
Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. "O--okay nay" matipid na sagot ko.
"Yung pangalawa naman ay 50,000.00 lang muna ang makukuha mong sahod kada buwan dahil ibabawas na ni boss yung kalahati para sa cash advance mo at dagdag pa pala, hindi ka pwedeng umalis basta basta kahit tapos mo nang bayaran ang cash advance mo. Desisyon pa rin niya kung aalis ka o hindi."
"At yung pangatlo ay simple lang dapat nakabalik kana bago mag alas kwatro ng hapon pag ka day off mo, yun lang ang rules ni boss."
Boss? Boss?! B...o...s...s???!!! Paulit ulit sa utak ko na tila ume-echo.
Napatango tango na lang ako pero ang totoo ay takot na takot na ako sa sinabi ni nay lydia. Lalo na pag nagsasalita siya ng BOSS, Boss, boss,
Anu ba Minah tinatakot mo lang ang sarili mo. Sambit ng utak ko at napahinga na lang ako ng malalim.
"Si---sige nay" ito na lang ang nasabi ko. Nandito na ako kaya hindi na pwedeng mag back out. Para ito kay mama kaya pipirmahan ko na.
Lakas loob kong pinirmahan ang kontrata at pagkatapos ay iniabot na ito kay nay lydia.Siya naman ay binigay na sa akin ang cheke.
Nabaling ang tingin ko doon sa pirma, hindi ko alam kung bakit dahil parang may presensya na kung anuman ang meron ang chekeng ito. Initial lang ang nakalagay.. ( Z.L.)
Nagiging exagerated lang siguro ako.
"Hija sa kabilang bahay ka tutuloy doon ka mag-i-stay kasama ng ibang katulong, at tungkol sa paglilinis, ako ang magsasabi kung anong mansyon ang pwede niyo lang linisin, medyo istrikto kasi si boss" Yan na naman si Nay lydia. Tumatayo talaga ang balahibo ko pag naririnig ko sa kanya ang salitang BOSS.
"Okay po" matipid na sagot ko.
"Oo nga pala kailangan ko pala yung resume mo o bio data,"
"Oo nga Nay, teka kukunin ko po." sagot ko at kinuha sa maleta ang isang clear folder.
Kinuha ko doon ang resume ko na ginawa ko pa nung isang araw.
Habang inaabot kay Nay lydia ang resume ko ay naalala ko naman ang chekeng nasa kabilang kamay ko kailangan na palang madeposit ang cheke na ito para maumpisahan na ang therapy ni mama.
"Nay Lydia yung cheke po kasi kailangan ko ng maibayad sa hospital para maumpisahan na ang therapy ni mama, ok lang po ba kung lalabas muna ako para maibayad ko na po ito"
"Hija ipapasuyo ko na lang sa tauhan ni boss" sagot nito at ngumiti.
"Ganun po ba" yun lang nasabi ko na tila may pag-aalala baka mawala itong cheke mahirap na.
"Hija wag kang mag-alala, si boss nang bahala nasabi ko sa kanya ang sitwasyon mo kaya pina cash advance ka kaagad niya. O' siya halika na para makapag ayos kana ng gamit mo."
Hindi na ako nakasagot dahil tumuloy nang lumakad si Nay Lydia papunta doon sa tutuluyan ko daw na mansyon o bahay. Kahit puno ng pagtataka at kabado ay binaliwala ko na lang iyon, inisip ko na lang si mama, at ang importante ay gagaling na siya.
------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mystery / ThrillerPapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...