Papayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan?
Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...
Magkatabi lang yung mansyon na tutuluyan ko, wala pang limang minuto ay nakarating na kame ni nay lydia kung saan nandoon ang mga katulong.
Ang bubong nito ay kulay maputlang asul, ang pader naman nito ay kulay cream din na tila dirty white. May mga puno at halamang nakapaligid dito. Pagpasok sa loob ay napakalinis din nito may sofa din na nakaharap sa pinto. Malaki din ang mansyon na ito at lahat ng gamit ay mamahalin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pumunta kame malapit sa sofa ni nay Lydia at ilang segundo lang ay pumalakpak siya ng tatlong beses, nakita ko na lang na lumabas ang mga katulong doon sa may pinto na tingin ko ay kusina. Luminya sila sa harap namin ni nay lydia at nag-bow saglit.
"Minah ganyan ang gagawin mo pag may bagong katulong kang makakasama" sabi ni nay lydia.
"Ok po" sagot ko habang tumatango.
Isa isang pinakilala ni Nay Lydia sa akin ang mga katulong na makakasama ko. Hindi ko matandaan ang pangalan nila dahil mukha silang magkakamukha siguro ay dahil nakauniporme sila at nakapusod ang mga buhok, marame din sila.
Pagkatapos sabihin ni Nay Lydia ang mga pangalan nila ay ako naman ang pinakilala niya.
"Siya si Minah ang bago niyong makakasama" wika ulit ni Nay Lydia.
"Kamusta kayo, masaya akong makilala kayo" nakangiting bati ko at yumuko. Dahan dahan lang ang pagyuko ko dahil baka matanggal itong wig ko. Pasimple kong hinawakan ang buhok ko habang nakayuko.
Pag-angat ko ng ulo ay napansin kong may iilan sa kanila na parang napataas ang kilay yung iba naman ay napaismid. Pati ba naman dito may naiinissa akin?
"Minah nasa dise-nuebe sila at ikaw ang pang dalawampu" sabi ulit ni nay lydia.
AnodawDalawampu?
Dalawampu?Dalawampu?!
"Ahh--- ehh ganun po ba" Nakangiting sambit ko pero ang totoo gulat na gulat ako. Marami pala kami, sabagay dahil apat na mansyon ang nandito mahihirapan talagang maglinis kung kaunti lang kami.
"Halika na at ituturo ko sayo kung saan ang magiging kwarto mo" sambit ni Nay Lydia at humakbang paakyat doon sa hagdan.
Ngayon ko lang napansin na may balkonahe din pala itong mansyon katulad sa mansyon kung saan ako pumirma ng kontrata kanina.
Habang nakasunod kay Nay Lydia at hatak hatak ang maleta ko ay napansin ko na yung mga katulong na nakalinya kanina ay bumalik ulit doon sa kwarto kung saan sila nanggaling kanina.
Pag-akyat namin ay nakita ko na may hallway din ang mansyon at may mga pinto kaming nadadaanan. Nahinto kame sa pinto at may letra at numero na nakalagay. Z#10.
"Hija bawat kwarto ay rito ay may numero. Itong kwarto na Z#10 ang magiging kwarto mo. Sa bawat kwarto ay may dalawang katulong. Oo nga pala ang kasama mo dito ay si Lottie" paliwanag ni nay lydia.
"Si Lottie yung kaibigan ni sara ang munting prinsesa" biro ko at ngumiti. Bigla nalang pumasok sa utak ko si Sara ang munting prisesa kaya siguro nasabi ko iyon.
Natigil ako sa pag ngiti ng tumitig sa akin si Nay Lydia.
"Pala biro ko pala iha hehehe" natatawang sabi niya.
"Napaka seryoso niyo po kasi Nay, teka Nay gaano na po katagal yung mga kasama kong katulong dito?" curious na tanong ko.
"Yung pinakamatagal ay si levi, isang buwan na siya dito, nag-cash advance din siya katulad mo".
Isangbuwan?!Napalunok pa ako. Muli na naman akong kinabahan dahil sa nalaman ko. Matagal na ang isangbuwan?!
"Ganun po ba Nay, may sakit din po ba ang mama niya?"
"Hindi, yung lolo niya nagda-dialysis"
May mga gusto pa akong itanong pero di ko na lang tinuloy baka isipin ni Nay Lydia na masyado na akong matanong.