Minah POV
"Yun nga Bet hindi niya ako pinakinggan kahit nagmakaawa ako sa kanya. Wala rin akong nakitang kahit konting concern habang kausao ko siya"
"Eh ma'am bakit ka aalis kung kailangan mo pala ng ganung halaga?" pagtataka niya.
Wala akong balak sabihin kay Bet ang tungkol sa bago kong trabaho dahil nahihiya akong malaman niya.
"May good samaritan na tumulong sa amin Bet, malayong kamag anak ni mama, sinagot nila ang pagpapagamot ni mama. Mag-te-therapy na siya next week at kailangan lagi akong nakabantay sa kanya" pagdadahilan ko.
"Salamat naman, mabait talaga si Lord, basta Ma'am kung may problema o kung kailangan mo ng kausap at ka chikahan tawagan mo lang ako" sabi ni Bet, yung muka niya na kanina ay malungkot at napalitan na ngayon ng saya.
Kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko. Pagkatapos ng ilang minuto naming paguusap at pag bilin sa kanya ng mga trabahong naiwan ko ay tinulungan na niya agad akong magligpit pagkatapos ay hinatid na niya ako sa parking lot.
"May araw ding yang mga bruhang yan!" inis na sabi ni Bet na ang tinutukoy yung mga nakangising empleyado kanina na nadaanan namin, masaya sila sa pag alis ko.
"Ok lang Bet, wag mo nang patulan remember digital na din ang karma" biro ko. Natawa na lang si Bet sa sinabi ko.
Habang inaayos namin ni Bet ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan ay nabaling ang tingin ko sa mga security na nagmamasid sa paligid. Medyo marami sila kumpara sa mga nakaraang araw.
"Napansin mo rin Ma'am" sabat ni bet na napalingon din sa mga security.
"Ang dami nila ngayon, anung meron?" pagtataka ko.
"Narinig ko kanina kay manong Teodor na pupunta daw dito yung pinaka Boss ng Falcon Corporation"
"Ahh si manong Teodor, yung utility naten, bakit niya alam?" tanong ko ulit.
"Matagal na si manong Teodor dito Ma'am binata pa lang siya dito na siya nagta-trabaho kaya siguro alam niya kung kelan pupunta yung pinaka Boss, saka Ma'am, bibihira lang daw bumisita dito yung pinaka boss at sa tuwing pupunta siya dito ay hating gabi, yun yung pag kakarinig ko kay manong Teodor".
"Ahh ganun ba" sagot ko at pinagpatuloy ang pagaayos ng mga gamit.
Pagkatapos ayusin ay niyakap agad ako ni Bet kasunod nito ang paghikbi hikbi niya ng iyak. Hindi ko na rin napigil ang sarili ko kaya naiyak na din ako.
"Mag-iingat ka Bet, at pag may time ka labas tayo minsan para hindi natin ma miss ang isat isa" biro ko habang umiiyak.
"Yes Ma'am, mag-iingat ka din po bye Ma'am Minah".
Pagpasok ko ng sasakyan ay binaba ko ang side mirror napakaway na lang ako kay Bet habang papalabas ng building ng Falcon Corporation.
Habang nag mamaneho ay muling sumagi sa isip ko ang magandang alaala ko sa Falcon Corporation, magandang career at mabuting kaibigan ang binigay nito sa akin. Marami pa rin pala akong dapat ipasalamat sa kompanyang ito sa kabila ng mga inggetera at bruhang empleyadong nagtatrabaho dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/158075115-288-k780101.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mistério / SuspensePapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...