Minah POV
Habang nakahiga sa kama ay panay ang ikot ko, hindi ako madalaw ng antok dahil sa pakikipag-usap ko kay Ma'am Lily, pakiramdam ko mas nasisiyahan pa siya sa sitwasyon ko ngayon. Ganoon ba talaga sila ka inis sa akin? Hindi naman ako mataray, maayos naman akong makitungo. Ayaw nila sa akin dahil siguro sa itsura kong mala-cleopatra o baka ayaw nila sa akin dahil tinik ako sa kanila dahil ang bilis ng promotion ko.
"Mga inggetera sila!" inis na sabi ko habang nakahiga. Hindi ko na napigil ang sarili ko.
Habang nakatitig sa kisame ay bigla nalang sumulpot doon ang mukha ni yaya, napaisip tuloy ako sa ikinuwento niya.
Kailangan ko ng magdesisyon para kay Mama, para mapagamot na siya. Sa sitwasyon ni Mama ngayon ay hindi ko na pwedeng isipin ang sarili ko o career ko, kailangan ko na siyang mapagamot sa lalong madaling panahon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil gustong gusto ko nang kausapin si Yaya, kaya paggising niya ay nakaabang na ako sa kanya sa kusina.
"Magandang umaga, Yaya," bati ko at humigop ng kape habang nakaupo sa tapat ng mesa.
"Magandang umaga din po, Ma'am. Ang aga mo po yata gumising?" aniya at kumuha ng tasa.
"Yaya, ang totoo po niyan didiretsahin na kita. Buong gabi po akong nag-isip tungkol doon sa ikuwento mo sa akin," sagot ko si Yaya naman ay napatitig sa akin, nahinto siya sa paglalagay ng kape sa tasa.
"Ma'am, tungkol po ba yan sa ikinuwento kong sahod na One Hundred Thousand?" paglilinaw niya.
Tumango ako. "Yaya, kung pwede po sana o kung makokontak mo pa 'yung sinasabi mong si Manang Lydia--" nahinto ako sa pagsasalit at seryosong tinignan si Yaya.
"Ma--Ma'am?!" nauutal na sabi niya, marahil ay may ideya na siya sa sinabi ko.
"Yaya, kung papasok akong katulong doon sa sinasabi mong amo, pwede ho kaya akong mag-cash advance ng Five Hundred Thousand? Gusto ko na ho na mapa-therapy si Mama," diretsahang tanong ko habang si Yaya ay nanlaki na ang mga mata.Tumayo ako sa kinauupuan at lumapit kay yaya, kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. Ilang segundo akong tinitigan ni Yaya, 'yung seryoso niyang mukha ay napalitan na nang may ngiti.
"Ma'am, naiintidihan ko po. Tatawagan ko po agad si Manang Lydia mamaya," sabi niya.Naramdaman ko na lang na kusang tumulo ang luha ko kasunod nun ay ang paghikbi ko. Napayakap na lang si Yaya sa akin at ilang saglit lang narinig ko si yaya na napaluha na din.
_____________
Habang nagbabasa ng mga papeles ay biglang nagring ang cellphone na nasa desk ko. Nakita kong tumatawag si yaya kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Ma'am! Ma'am! Ma'am Minah!" sagot ni Yaya ni tila masaya"Yaya, kalma, dahan-dahan lang po," sambit ko kasunod nun ang biglang kabang at sayang nararamdaman ko sa boses palang ni Yaya mukang magandang balita na ang sasabihin niya.
"Ma'am, nakausap ko na po si Manang Lydia. Tamang-tama po dahil kailangan na kailangan daw nila ngayon ng katulong, kakaalis lang daw kasi ng bago nilang katulong kahapon," paliwanang ni Yaya na tila hinihingal pa.
Bagong katulong?! Umalis kaagad?! Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Yaya. Ang saya na nararamdaman ko ay napalitan ng takot. Bago pa ako tuluyan matakot ay inisip ko na lang si Mama, kailangan kong tanggapin ang trabahong pagiging katulong para mapagamot na siya."Ma'am, yung tungkol po doon sa cash advance mong Five Hundred Thousand ay pwede daw po. Ibibigay daw po 'yon pagkatapos mong pumirma ng kontrata," dugtong ulit ni Yaya.
Kontrata?! Oo nga pala, hindi biro ang kalahating milyon.
"Okay, Yaya. Wala pong problema, pipirma po agad ako basta mabigay lang kaagad ang cash advance ko."
"Ma'am, mapapagamot na natin ang Mama mo," sambit ni yaya na tila naiiyak na. Bago pa ako mahawa sa kalungkutan ni yaya ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Yaya naman eh, mamaya na muna ang drama. Mag-usap po tayo mamaya pagdating ko. At Yaya ako na lang po ang mag-sasabi kay Mama ng magandang balita."
"Sige, Ma'am. Bye po."
"Yaya, pasabi na lang po kay Mama na maaga po ako uuwi ngayon. Bye, Yaya," bilin ko at pinutol na ang tawag.
Pagbaba ko ng tawag ay saktong may kumatok sa pinto. Tinungo ko iyon at binuksan. "Bet, may kailangan ka ba?" tanong ko at pinapasok siya sa loob ng opisina.
"Ma'am, tumawag po kasi si Boss Lily, pinapatanong niya kung na-finalize mo na daw yung papeles na iniabot ko sayo kahapon?"
Napailing na lang ako, sumagi na naman sa isip ko bruhang babaeng 'yon. Aaminin ko pagkatapos ng pag-uusap namin tungkol sa cash advance na hinihingi ko ay di ko maiwasang makaramdamn ng inis sa kanya nadagdagan pa 'yon nung nakita ko siyang ngumisi habang papalabas ng opisina niya.
"Bet, pag tumawag ulit siya sabihin mo inaayos ko pa. Atat na atat siya na ma-finalize ko, edi siya gumawa!" inis na sambit ko. Napansin ko ang mukha ni Bet na tila gulat na gulat.
"Ma'am?! Tama po ba yung naririnig ko?!" tanong niya na pinupunto ay yung inis na pagkakasabi ko.
"Oo, Bet. Naiinis na kasi ako sa kanya, lagi na lang niyang minamadali ang mga report ko pati mga papeles na dapat siya ang gumagawa ay ibinibigay niya sa akin." Hindi ko na napigil ang sarili ko, para akong nabunutin ng tinik sa lalamunan ng mga oras na 'yon.
"Ma'am Minah, dapat lang na magalit at mainis ka, hindi na tama ang mga ginagawa niya sayo. Pati yung mga alipores at spy niya dito sa labas ng opisina mo na walang ginawa kundi ang laitin ka lahat sila katulad ng Manager Lily na 'yon!" ismid ni Bet at nagpameywang.
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Bet. Habang umuupo sa upuan ko ay tila nakaramdam ako ng lungkot. Si Bet na laging nasa panig ko at maasahan sa lahat ng mga report na pinapagawa ko ay hindi ko na makakasama, unti-unti akong nabalot ng lungkot ng mga oras na 'yon. Gusto kong sabihin sa kanya ang pag-alis ko pero parang napanghihinaan ako ng loob habang nakatingin sa kanya.___________________________
BINABASA MO ANG
Mr. Z "Ang Misteryoso Kong Amo"
Mistério / SuspensePapayag ka bang ipagpalit ang maganda mong trabaho kapalit ang pagiging maid dahil sasahod ka lang naman ng 100,000.00 kada buwan? Si Mina isang mabuting anak, gagawin ang lahat para mapagamot ang inang may sakit, wala sa bokabolaryo niya ang pagibi...