Chapter 1: New Job

331 11 0
                                    




Hi! Ako si Krystal Morales.
Siguro ito ulit worst day ko ever!! Kpop Fan kasi ang Mama ko at kapatid ko kada umaga kasi nagpapatugtog sila ng mga kpop song!!!

Graduate na ako ng college pero hanggang ngayon wala pa akong trabaho! Niisa walang tumanggap sakin! Haisst!! Ayaw na rin ba sakin ni Earth?!

"KRYSTAL!!!"

Hay, ayan na naman si Mom, gusto ko lang magkulong dito sa kwarto ko!!! Pleaseeeee!!! Huhuhh!

"KRYSTAL!!!"

Hay ito na Mom pababa na!

"Jouen Achamminida Eonnie!" (Good morning ate).

Nagsimula na naman sila. Kaya ayoko bumaba ehhh, patapon ko kaya sila sa Korea!

"Good morning Krystal." bati sa'kin ni Kuya.

Hay buti pa'to si Kua Andrew, di mahilig sa Kpop. Mas pogi kaya si Kuya kaysa sa mga koreanong bakla HAHAHAH!

"Krystal siguro maghanap ka muna ng part-time job." sabi sa'kin ni Mom.

"Subukan ko po." pagsang-ayon ko.

Nakita ko yung bunso kong kapatid na si Allyssa nagbibilang ng pera.

"Wow! Daming pera, mangtretreat ka?" sabi ko.

"Hindi no! Para sa mga asawa ko'to!!" sabay tago sa mga pera niya.

"Mom si Allyssa oh, may asawa na." pangaasar ko.

"Hay nako Krystal, wag mo ngang asarin yang kapatid mo." saway sa'kin ni Mama.

Suppoter.

"Si Dad pala Mom? kailan uwi niya?" pagiiba ko.

"Masyadong busy ang papa mo kaya wala pa siyang scheduel para makauwi." sabi ni Mama.

Aww, ano bayan?! Miss ko na si papa eh, 3 years na nang huli kaming nagkita.

Napatingin ako ulit sa kapatid ko, kinakausap yung poster V ata yung pangalan. Tae gumawa pa siya ng pangalan kung ganyan kaikli lang.

"Hoy, Baliw kaba?" tanong ko sa kapatid ko habang kumakain.

"Nagprapractice ako sa Fan Meeting nila at sa Concert.
Excited na akoooo!!!!" with pangigisay pa yan.

Hmp! Die hard fan.

"Masasayang lang pera mo. Kung sa pagkain mo na lang yan gastusin, mabubusog kapa." sabi ko sa kaniya.

Tumingin sya skin ng masama. Bakit? Mas maigi pa nga yun eh!

"Ano naman! Atleast, mabubusog nila ako ng pagmamahal!" sabay yakap niya sa poster.

Ang baduy! Corny!

Hay makaligo na nga lang. Pagkatapos kong maligo pumunta ako sa kwarto at nanood ng T.V.

WHAAAAAAAAAAAAA!!!!!

Lahat ng channel pinaguusapan nila yung KPOP!! Patayin ko na nga lang at baka matapon ko yung T.V.

Nahiga ako, magfafacebook.

"I'M SO DEAD." pati timeline ko kinain na rin ng Kpop! Nagscroll down ako. Nang may nakita akong post.

Jesiah Kim@

Mas gwapo pa yung mga tao sa korea at mas maganda pa ang korea kaysa sa pilipinas!

1.23k likes 11.52 comments  502shares

Loading comments ~

Jeff Santos@
Grabe kayo! Wala kayong pagmamahal sasarili niyong bansa! Maka-die hard fan kayo sobra-sobra na!  Wala kayong respeto sa sarili niyong bansa. Bakit puro appreance lang ang tinitignan niyo? Don't judge the book by it's cover. Hays mga babae nga naman.

234k reacts.  238k reply

Tama si Kuya, bakit ganun na lang sila maka-die hard fan. Kulang na lang maging citizens sila ng South Korea. Wala man lang silang respect sa bansa.
Hays, maghanap na nga lang ako ng trabaho.

"Mom, labas lang po ako." paalam ko kay mama.

"Sige! Ingat ka love you!" sabi ni Mama.

"Love you too." nakita ko may bagong merchendize si Mama. Hays, sayang yung pera.

************

NO VACANCY.

Ano ba'to? Puro No Vacancy
Kainis naman! Biglang lumakas ang hangin may tumama sa mukha ko na papel na kalagay.

"Secret Assistant"
KP Financial
For 6 Months
Call 09856278

"Secret Assistant?"

Ano kaya 'to? May nag-apply na kaya? Tawagan ko nga.

Calling............

[Hello?]

"Hi, ito po ba yung KP Financial?Gusto ko po sanang magapply as Secret Assistant."

[Sige, ibibigay ko yung address kung saan tayo magkikita.] tapos pinatay niya na yung tawag.

Seryoso? Yun na yun?

Biglang umilaw yung phone ko. Ito na ata yung text.

San 'to? Ay malapit lang 'to dito! Puntahan kona!

************

"So, ikaw si Krystal Morales?" tanong sa'kin ng babaeng nakasuit.

Ano ba'to? Kinakabahan akoo!

"Opo."

"Hmm..wala kang exprience." sabi niya habang tinitignan yung mga papeles na binigay ko sa kaniya.

Nako baka di ako makapasa!

"Tapos ka naman ng college, maganda."

Ipapasa kaya akoo?

"Wait, Miss Krystal may itatanong ako sayo?"

Ano kaya sana hindi pang miss Q and A ang tanong!!!

"Ano po?"

"Kpop adik ka ba o Kpop Fan?" seryosong tanong niya.

Ano? pati yun kasama na sa paghahanap ng trabaho? Ano bayan?!di na ako makakapasa!

"Hindi po." malungkot na sabi ko.

"So, pasok kana! Start kana tommorow! Okay?"

Ano nakapasa ako? Bukas na yung pasok ko?

Ang laki talaga ng ngiti ko!!!

"Okay po." Nakipagshake hand siya sakin.

"By the way, I'm Carrie! Nice to meet you Krys!"

Wow parang magkakasundo kami neto ahh parang ayaw din niya sa kpop.

"Nice to meet you too!"

Binigay na sakin yung mga kailangan ko sa trabaho.

"Krystal." tawag niya sa'kin.

"Po?"

"Ang ganda mong dalaga! I'm sure magugustuhan ka nila!"

Ano maganda? Mukha na kaya akong gurang! Pero pwede na rin, maganda taste nitong Ma'am Carrie ahh, Saka nila? Anong meaning nun?

"O sige Krys! Kita kits tayo bukas ah." paalam niya at lumabas.

"Bye po."

Kinabahan tuloy ako.

Ano kaya yung trabaho ko? Bakit Secret? WHAAAAA! Sana naman hindi labag sa batas!

Think positve Krystal okay?

Ngayon may trabaho kana! Bahala na si Batman!


Vote, Comment, and Share.😘💖

The Seven Knights and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon