Krystal's Pov
Nakikita ko si Kimnie kay Mr. Happy. Siya kaya si Kimnie. Namiss ko tuloy siya lalo. Kimnie yung tawag sa kaniya ng Lola niya kaya tinawag kona din siyang Kimnie.
"Yah!" ayan na naman siya.
"Bakit po, Master?" Aasarin mo na naman ba ako?!
"Wala lang." tapos ngumiti na naman siya nang nakakainis.
Tama ako, bored na naman 'to sa buhay.
Nagbow ako sa kaniya at ngumiti. Alis na ako dito baka kung ano gawin nito sakin.
"WAIT!" pagpigil niya sa'kin.
Kung sapakin ko kaya siya!
"Ano po yun Master?" Anong trip mo? Hah?!
"Ahm.." May inabot siya sa'kin. "Ipahid mo yan sa palad mo." sabi niya at napatingin ako sa mga kama ko. Namumula padin kasi hanggang ngayon.
"S-sige po." kinuha ko at nilagay ko sa bulsa ko nang bigla niya akong hinila.
Hinakawan niya yung kamay ko, tae ang lambot din ng kamay niya. Ano bang ginagamit nila sabon?
Saan na naman ako dadalin nitong baduy na'to? Ano ba trip nito?
Ang bilis niyang tumakbo! Muntik na akong ma-out balance. Trip talaga ako nito!
Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Parehas kaming naghahabol ng hiniga. Kala mo ahh.
"Samahan mo'ko." utos niya sa'kin at binuksan yung pintuan.
Ang dilim naman dito, bakit dito?
"Ang dilim naman Master?"
"Oo! Sobrang dilim katulad ng puso ko!" Ay, humuhugot! Para sa kaibigan niya yan no!
"HAHAHA!.." baliw tumatawa magisa. "..May papahanap kasi ako sa'yo dito." sabi niya. Seryoso siya?! Tae, takot ako sa diliiim!
Sumunod na lang ako, baka kasi awayin na naman ako nito.
"Sira kasi yung kuryente ng ilaw dito." sabi niya at inabot yung flashlight.
Pumasok ako sa loob. "Ano po ba ang hahanapin?" tanong ko o gusto niya na naman akong asarin.
"Yung chest na kulay blue." sabi niya.
Suntok abot mo kung pagtritripan mo'ko!
"WHAAA!" Biglang sinarado yung pinto! sabi ko na nga ba eh.
Napaupo ako bigla akong umiyak. Yare ka sa'kin!
"Ba't ka umiiyak?" tanong namg kung sino iniangat ko yung mukha ko.
"WHAAA!" lalo akong napaiyak.
Nakita ko si Mr.Happy nanakatutok yung flashlight sa mukha niya. Nakakaineeeeees!
"Baliw kaba? Dapat sinabi mong may tao dito." inis nasabi niya.
Andito pa pala siya!
"Ang panget mo, mukha kang nakakita ng multo." dagdag pa niya at nagsimula na siyang maghanap.
Hindi multo nakita ko, alien! ALIEN ang nakita ko!
Tumayo ako at pinunasan yung luha ko. Akala ko nasa labas na siya. Wala pala siyang balak sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Seven Knights and Me
FanficSi Krystal ay isang taong hate na hate ang kpop. Pero may isang idol ang dumating sa buhay niya at nagbago ang lahat. Alamin natin kung bakit hate na hate ni Krystal ang Kpop at alamin din kung sino ang idol na 'yun na nagpabago sa papanaw niya.