Krystal' s Pov
Nakahiga ako ngayon ng kama ko, napatingin ako sa kesame. Di ako makapaniwalang nagkita kami ulit ni Cristian. Di ko maiwasang hindi mapangiti.
•
"..PAGAARI KO SIYA!.."
•
WaaaaAaaaAaaAAaahhhh! Bakit ba lagi kong naalala yun?!
Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa nahulog ako.
"Ang sakit!" napahawak ako sa bewang ko. Tae ang sakit!
***
Bumaba na ako ng kwarto para kumain. Nakita ko si Allyssa na kumakain na ng breakfast. At kung anong may nakalagay sa mukha niya.
"Ano na naman niyang nasa mukha mo? Uling ba yan?" tanong ko at naupo na din.
Sinamaan niya ako ng tingin. Parang gusto niya akong tusukin ng tinidor.
"Pangpakinis 'to ng mukha!" inis nasabi niya sa'kin.
"Ba't ang aga mong nagising?" tanong ko at bigla siyang nagliwanag.
"Makikita kona kasi mga asawa ko, kaya nga ako nakaface mask eh." sabi niya.
Wag mong sabihinh BTS yan.
"Kim Taehyung, my loveeeees!" sabi niya.
Napataray na lang ako. "Wag ka nang pumunta dun. Sayang lang pagod mo." sabi ko sa kaniya.
Sayang lang talaga!
"Kahit anong gawin mo ate, pupunta ako!" sabi niya at umakyat na sa taas.
Hays.
***
Pagpasok ko sa loob. Walang tao, si Ma'am Carrie lang ang nakita ko.
"Andito kana din. Kanina pa kita hinihintay, miss Krystal." sabi sa'kin ni Ma'am Carrie habang umiinom siya ng kape.
"Hm?" pagtataka ko.
"May fan meeting kasi ngayon ang BTS, nakalimutan kong sabihin sa'yo kahapon." paliwanag ni Ma'am Carrie.
Fan meeting? baka yun yung sinasabi ni Allyssa na pupuntahan niya?
"Be ready miss Krystal. Magpalit ka ng damit." sabi ni Ma'am Carrie.
Magpapalit pa ako?
Napatingin ako sa suot ko. Baduy ba'to?! Baka may mga damit ako sa loob ng kwarto ko.
Pagpasok ko.
Jin at Jimin? Anong ginagawa niyo dito?
"M-master? Bakit po?" pagtatanong ko. Bakit nandito sila sa loob ng kwarto ko? Saka bakit bukas yung kabinet? Saka may mga hawak silang dress.
"Ahm sorry Krystal." sabi ni Jin.
Di kaya?!
Napahawak ako sa bibig ko.
BUMIBIGAY NA SILAAAA?!
"Naghahanap kasi kami ng dress na babagay sa'yo. Para naman di kana asarin ni Taehyung na Manang." sabi ni Jimin.
BINABASA MO ANG
The Seven Knights and Me
FanficSi Krystal ay isang taong hate na hate ang kpop. Pero may isang idol ang dumating sa buhay niya at nagbago ang lahat. Alamin natin kung bakit hate na hate ni Krystal ang Kpop at alamin din kung sino ang idol na 'yun na nagpabago sa papanaw niya.