Krystal's Pov
"Andito na ako." sabi bago makapasok ng bahay.
Nang may naririnig akong parang kinakatay na baboy.
"Andito kana pala, Krystal." bati sa'kin ni Mama.
Nakita ko si Allyssa na nagwawala sa sahig. Para siyang nakawala sa Mental.
"Anyare jan Ma?" tanong ko.
"Eh kasi hindi niya nameet yung idol niya kanina kaya ayan, nagwawala." paliwanag ni Mama.
Napalunok ako. SA FANMEETING KANINA!
"Sino ba yung babaeng yun?! Mamatay na siya! Akala niya kung sino siya! Huh! Yare sa'kin yun pagnakita ko siya." pagbabanta ni Allyssa habang nanlilisik yung mga mata niya.
"S-sige Ma, akyat na po ako sa taas." paalam ko at agad natumakbo paitaas.
Baka kasi kainin niya ako ng buhay!
*
"Awh!" sabi ko at nagunat.
Ang sarap ng tulog kooooo!
Kinuha ko yung phone ko at binuksan.
10 a.m
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung oras. 10 NA NANG UMAGA??!
Agad akong umalis sa kama ko at bumaba.
"MAAAAAAAAA!" sigaw ko kay Mama.
"Bakit?" tanong ni Mama habang nagluluto.
"Ma naman eh, ba't di mo ako ginising?!" tanong ko kay Mama.
"Bakit naman kita gigisingin?" balik na tanong ni Mama.
"Syempre Ma, may pasok ako!" sagot ko.
Yare na naman ako sa mga Master koooo!
"Nak.." hindi ko pinapansin si Mama kasi nagmamadali na ako.
"KRYSTAAAAL!" sigaw ni Mama kaya napatigil ako.
"Ma?" mahinahon kong sabi.
"Nak, Sunday ngayon. Sunday." sabi ni Mama.
Sunday?
Tinignan ko yung calendaryo. Sunday ngaaaa!
Lumapit si Mama sa'kin at hinawakan yung balikat ko.
"Magtapat ka nga Nak, sinasaktan kaba nila?" tanong ni Mama.
"Hindi Ma, ang akala ko kasi may pasok ngayon." paliwanag ko.
"Sure ka anak?" pagninigurado sa'kin ni Mama.
"Opo." sagot ko.
Kaines, nadala kasi ako sa mga parusa nila.
"Ang ingay mo ate, nagising ako dahil sa'yo." singit ni Allyssa.
Ano na naman niyang nasa mukha niya?
"Sipon ba yang nasa mukha mo?" tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kayong dalawa kumain na kayo." aya sa'min ni Mama.
Pagkatapos kong kumain, humilata na ako sa kama ko.
Buti na lang wala akong pasok ngayon. Pinikit ko yung mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Seven Knights and Me
FanfictionSi Krystal ay isang taong hate na hate ang kpop. Pero may isang idol ang dumating sa buhay niya at nagbago ang lahat. Alamin natin kung bakit hate na hate ni Krystal ang Kpop at alamin din kung sino ang idol na 'yun na nagpabago sa papanaw niya.