Chapter 11: Old Friend

140 9 0
                                    

Krystal's Pov



Naglilinis ako ngayon sa salas. Napahawak ako sa tiyan ko. Nalate kasi akong nagising kaya di na ako kumain.

*brrr

Napalunok ako. AaaAaahh! Nakakahiyaaaa!

Napatingin sa'kin si Jhope. "Gutom kana ba,  Miss Krystal?" sabi ni Jhope.

"M-medyo po." sagot ko.

"Di kaba kumain?" tanong ni Jin.

Umiling ako.

"Nako, dapat di ka nagpapalipas ng breakfast." saway niya sa'kin.

Tumayo si Suga at may hinanap sa mga drawer. Ano yun?

"I found it." sabi ni Suga.

Baliw na rin ba siya? Ano yun?

Tapos pinakita niya yung isang contact card mula sa isang korean restaurant.

"Samyang." sabi niya. Awww sweet niya talaga sakin.

Ako yung nagorder.

"Miss Krystal, hin-ta-yin- m-mo-na-lang-s-sa-l-lobby-yung-d-delivery-boy." utos niya. Keep a good work, Suga ko.

"Okay po." nakakakilig talaga 'tong si Suga.

Lumabas akong nakahawak sa pisnge ko. Ang sweet kasi ni Sugaaaaa!

Habang naglalakad ako papuntang lobby, nakaramdam akong may sumusunod sa'kin kaya binilisan kong maglakad. Binilisan kong pumunta sa elevator. Pinidot ko kaagad yung button para sumara na yung elevator ng nakita ko si Baduy.

"M-master.." at agad na pinindot yung bottom para hindi tuluyang sumara yung elevator.

Seryoso lang siyang tumingin sa'kin. At pumasok sa loob.

Hanggang sa tahimik lang kami sa loob.

"M-master, sinusundan niyo po ba ako?" tanong ko. Kasi naman hindi pa siya pumipindot ng floor.

"Bakit kita susundan? Asa ka.May kukunin lang ako sa lobby." sagot niya.

Nang gigigil ako! Pigilan niyo ko! Mapapatay ko'to dito sa loob ng elevator.

Parang tuloy ako pa yung masama.

Pero feeling ko sinusundan niya talaga ako. Agad akong lumabas ng elevator pagkabukas.

Dumiretso na ako sa lobby at hinintay ko yung delivery boy.

Ito na ata yun.

"Annyeonghaseyo, kayo po ba yung nagorder nito?" sabi niya at pinakita yung noodles.

"O-opo." sagot ko at kinuha yung mga noodles. Masarap kaya 'to?

"Pakipirmahan na lang po dito." sabi niya.

"Sige po." tapos pinirmahan kona. Nang natapos na akong pumirma.
Nagulat ako nakatitig lang siya sakin.
Di ko alam kung nakatitig talaga siya kasi nakahelmet.

"Krystal?" saad niya.

Huh? Sino ka?

"Stalker po ba kayo?" seryoso kong tanong sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako.

Anong nakakatawa? Hah?! Stalkeeeer!

Pero parang familiar yung boses niya ah.

The Seven Knights and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon