Chapter 8: Old Times

168 9 0
                                    

Krystal's Pov

Bakit kaya?

"Jin pwede ka bang magkwento?" gusto ko kasing malaman eh.

"Bakit gusto mo na ba sa Taehyung?" pangaasar niya sakin.

"Asa ka!" Hays, akala ko ba friends na kami?!

Nakabusangot akong sumubo. Damot!

"Sa'ming anim, niisa wala siyang sinasabayan kumain kahit mga producer namin." Pagkwekwento niya.

"Bakit namn?" ang arte naman niya.

"May kaibigan si Taehyung noong bata pa siya. Tapos isang araw, nawala yung kaibigan niyang yun, hindi niya alam kung saan pumunta. Kaya, nagpromise siya, sa sarili niya na kapag nagkita sila ulit ng kaibigan niyang yun dun lang siya ulit makikisabay kumain sa iba." paliwanag niya.

Arte!

"So, sa lahat ng taon magisa lang siya laging kumakain?" pagtatanong ko.

Nag-nod lang siya.

"Pano kung may dinner kayo? Parang party, ganun. Magisa parin siya? Hiwalay sainyo? Ang weird naman nun." tanong ko.

"Ganun talaga eh." sabi niya at patuloy na kumain.

"WEEEEH?! Seryoso?!"

Ang lonely ni baduuuuy!

"Nangako siya eh." dagdag niya pa.

Wow, kung ganyan lang sana siya.

"Kasi yun lagi yung kasabay niyang kumain." sabi niya.

"Pero nasan na yung taong yun?" tanong ko. Kasi mukha na siyang baliw kung taon-taon siya magisang kumakain.

"Hindi ko alam." sabi niya.

Naalala ko tuloy yung taong gusto ko nang kalimutan.

Tumuloy na kami sa pagkain.

"Krystal." sabi ni Jin sa'kin.

"Hmm?"

"Sabi ni Ma'am Carrie, hate na hate mo daw yung Kpop?" pagtatanong niya.

"W-wala yun." sabi ko at tumulot sa pagkain.

Ang daldal naman ni Ma'am Carrie.

"Ano nga? Ang daya mooo!" sabay nagpout siya.

Joke lang yun talaga! Promise!

"Oo eh." pinilit kona lang tumawa, tapos nagpout ulit siya.

Bakit ba siya ganyaaaan?! Pafaaaallll!

"Awww! Bakit naman?" pagtatanong niya.

"Hindi lang sa lagi kong naririnig ang kpop na song o kdrama. May tao akong naalala." sabi ko habang pinaglalaruan yung pagkain ko.

"Taong naaalala?" paguulir niya.

"Oo, yung taong yung puno siya ng promise pero di niya tinupad!" inis kong saad.

"Naging kayo ba? O Gusto mo yung taong yun?" tanong niya.

"Hindi kami naging kami. Childhood friend ko yun at wala akong gusto sa kaniya may ginawa lang siya na ayaw ko." malungkot kong sabi.

"Anong connect nun samin?"

"KOREANO SIYA! Tumira kami pansamantala sa Korea, dun kasi nagtratrabaho yung Dad ko. So, may kapit-bahay kami na nagtatagalog kahit koreana siya, di ko sure kung koreana talaga siya. Tapos meron siyang apo, tapos yung apo niya naging friend ko sa Korea. Kaso isang araw bigla siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Ang sabi ng Lola niya na pumunta daw ibang bansa. Nagalit ako kasi hindi man siya nagpaalam saka na lungkot. May ibinigay saking necklace yung lola niya, pinabibigay daw nung kaibigan ko." malungkot kong pagkwekwento ko.

The Seven Knights and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon