Chapter 10: First Love

150 8 0
                                    

Krystal's Pov



"Nakita na din kita sa wakas!" nakangiti niyang sabi.

"Gumising kana, Krystal. May pasok kapa!" gising sa'king ni Mama.

Ito na po.

Habang naliligo ako, naalala ko yung panaginip ko kanina. Si Kimnie.
Ano kaya yung ibigsabihin ng panaginip na yun?

***

Isang linggo na rin ako dito sa trabaho ko. Naging close ko na rin si Jhope mabait pala siya.

At mga tatlong araw narin ng sigawan ko si Baduy pagkatapos nun di na niya ako inaasar.

"Krystal, paki tawag si Taehyung." utos sa'kin ni Ma'am Carrie. Si Taehyung?

Pumunta ako sa kwarto niya, sakto bukas kaya kumatok ako sa pintuan para mapansin niya ako.

"Master Taehyung, tawag po kayo ni Ma'am Carrie." sabi ko.

Naglalaro lang siya ng games sa phone niya at inisnob niya lang ako. Tumayo siya at lumabas.

Galit pa din siya? Di parin sa naka-move on? ARTEEEEE!

"Krystal." tawag sa'kin ni Jhope.

"Po?" tanong ko.

"Siguro, makipagbati kana kay Taehyung. Makipag-ayos kana." sabi sa'kin ni Jhope.

Ayoko nga! Mataas kaya pride ko!
At baka bumalik ulit siya sa dati kapag nagsorry ako sa kaniya, baka asarin na naman niya ako.

"Huh?"

"Di ka nun papansinin hanggang sa natapos na yung work mo dito sa'min." Weeeh?! Kahit sa huling araw ko sa trabaho? Manhind na siya nun!

"Wag kana magalit Miss Krystal!" sabi ni Jimin.

Bakit hindi ako magagalit sa kaniya? Sainyo? Parang nabastos ako nun.

"Di mo kasi kilala si Taehyung, marami ka pang di nalalaman tungkol sa kaniya." dagdag pa niya.

"M-ma-ba-it-s-si-T-Taehyung!" singit ni Suga. Hays masasanay ka din magtagalog Suga ko.

Mabait na yun sa kanila?

"Jin, mabait ba yung baduy na yun?" inis nasabi ko. Kinokonsensiya kasi nila ako.

Nagsilakihan yung mga mata nila sa sinabi ko. Kasi naman Krystal eh, ang rash mong magsalita!

"Tanong ko lang Krystal, bakit baduy tawag mo sa kaniya?" tanong ni Namjoon.

Di mo alam? Di nga? Di mo alam?!

"Kasi naman eh..." Pano ko'to sasabihin. "..Kasi naman eh kung gagawa siya ng stage name yung maganganda naman! kung V lang edi sana wag na siyang gumawa! Saka ang baduy." paliwanag ko sa kanila.

"May history kasi yung nickname niya." sabi ni Namjoon.

"Ne!" pagsangayon ni Jimin.

"Siya at ang childhood friend niya laging naka-peace sign. Mahilig silang naka-peace sign." sabi ni Jin.

Peace sign?

"Kaya ayon, V yung napili niyang stage name."

Parang umiikot na yung mundo niya sa kaibigan niyang yun. May gusto ba siya dun?

"Tanong ko lang mga Master may gusto po ba si Baduy dun sa childhood friend niya?" pagtatanong ko.

"Yes!" sabi ni Jimin.

"FIRST LOVE!" sabi nilang lahat.

So, ganun talaga ang tama ng First love?

"Love na love ni Taehyung yung girl na yun." sabi nila.

"Matagal na niyang hinahanap yung babaeng yun. At wala nang hihigit na sayang madarama niya kung makita niya na yung babaeng yun." pagkwekwento nila sa'kin.

"Nakita niya na ba?" pagtatanong ko.

"Oo!" pagsang-ayon nilang lahat.

Sino kaya?

"Sino?" pagtatanong ko.

"Secret~" sabi ni Jimin. "Sabi niya na siya lang yung pinaka-magandang babae na nakilala niya." dagdag pa niya.

Wow! Grabe naman siyang magmahal!

Habang napansin ko kanina pa may nakatingin sakin. Si Master Jungkook medyo mailang ata siya sa mga babae kasi di ko pa siya nakakausap. Mukhang play boy pero mailang pala sa mga babae.

Pero sino kaya yung babaeng yun?

***

Nakaupo ako sa salas. Magoff na din kasi ako. Hinihintay ko lang ang oras.

Nang lumabas ng kwarto si Taehyung. Nagkatinginan kami. Agad akong umiwas ng tingin at tinuon sa iba.

Sinulyapan ko kung anong gagawin ni Taehyung. Nakita kong uminom siya ng tubig. At padabog niyang nilapag yung baso niya. Taeeee! Buti hindi yung babasagiiiiin! Galet ka pa din ba siyaa?!

Tapos pumasok na siya ulit sa kwarto niya.

Kinabahan ako dun.

Parang may kung anong sumapi kay Taehyung. Nakakatakot!








Vote, Comment and Share.😘❤️

The Seven Knights and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon