Chapter 5: Shinji

3.3K 29 9
                                    

Chapter 5: Second Rule

Tumakbo palapit sa akin si Aleia at nabalik sa kasalukuyan ang diwa ko.

"How's my photoshoot today?" Masiglang tanong ni Aleia sa akin.

"As usual."

She frowns and looks not satisfied with my answer.

"You did great. I mean, gorgeous as usual." Dagdag ko para hindi na siya mag inarte.

"That's my, Shin." Aya niya saka umangkla sa braso ko. "Let's go!"

Ganito si Aleia sa akin. She's very clingy that's why people always think we're dating. The truth is we're just very close.

Nakasakay na kami sa kotse nang may maalala ako.

"Shoot!" Bulalas ko.

"What's wrong?"

"May dinner date pala kami ni Alyssa kaninang 6pm." Nasapo ko ang aking noo.

Nagmamadali kong kinuha ang phone ko.

Pinigilan ako ni Aleia kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. "What?"

"Iuwi mo muna ako sa condo ko." Utos niya sabay kuha sa phone ko.

"What? Give me my phone first. I'll call her to apologize."

Napairap siya. "Yan ang mali sa'yo eh. You act what you feel. Grabe ang transparency mo. Kaya feel na feel ng babaeng yan na deads na deads ka sa kanya."

"What are you talking about, Aleia? Give me my phone."

"Nope. Drive." Utos niya. "You told me to teach you my craft, right? Then follow me."

Napapikit nalang ako at saka tumalima sa utos niya. Aleia and her bossiness.

"This better be good or else..." I said while I drive the busy road of Makati to España.

"Do you doubt my skills? I'm telling you. In no time, that goodie-goody Alyssa will be tailing you like a dog." Sabi niya nang may malaking ngisi sa labi.

Nakarating kami sa condo niya around 7pm. Hindi pa man siya nagbibihis ay ipinasak na niya ang USB niya na puno ng spongebob episodes sa tv. When the opening song started, she went to her closet to change. Ako naman ay naghalungkat ng makakain at maiinom sa fridge niya at cupboard. As expected, madami siyang stock na snacks at beer.

Pagkalabas niya ng closet ay nakadamit-pangbahay nalang siya.

"Oh? Ano na?" Tanong ko habang umiinom ng beer.

Dumampot si Aleia ng beer mula sa side table ng kama niya. Binuksan niya ito at lumagok ng ilang beses bago nagsalita. "Art of seduction is an easy-peasy, Shin. Like I told you, You should start aggressively by kissing her." Tumango ako sa sinabi niya. "Second rule is you need to slow down your phase, miss a date or two, so that she'll doubt your intentions."

Agad naman akong nagfreak out. "What?! How was that suppose to help?"

Napairap si Aleia. "When you miss a date, she'll start wondering what's wrong. Syempre dahil ikaw si Shinjiru the virgin, maninibago siya kasi lagi kang present at maaga sa date."

"Is that wrong? Diba may kasabihang you must not make a girl wait?"

Sa frustration nito ay hinambalos niya ako ng unan sa mukha. "Isa pa yan eh! Ang hilig mong magpapaniwala sa mga naririnig at nababasa mo. Your head is full of shits."

Naoffend ako kaya naman kumuha  din ako ng unan at ibinato sa kanya. "Ang sakit mo magsalita."

Tinawanan lang niya ako. "Truth hurts, dude." Nag serious face ulit ito. "Pero di nga. Try mo magpahard to get. Pareho naman kayong old fashioned so I think it'll work."

Sex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon