Chapter 10: Alyssa

1.7K 22 0
                                    

Chapter 10: The Ideal Girl

May napapansin akong kakaiba lately kay Shinji. He seems quite distant. Naipilig ko ang ulo ko sa naisip.

Baka busy lang talaga siya dahil sa upcoming anniversary ng Heroine.

I shouldn't overthink.

Ibinalik ko na ang tingin sa bagong software na tinatrabaho ko.

Nang mabored ako ay nagpasya ako na magfacebook muna. Nagscroll ako sa newsfeed para aliwin ang sarili.

Maya-maya ay tumatawa na ako nang mahina dahil sa mga nakikita kong memes.

Natunaw ang ngiti ko nang mapatigil ako sa pagscroll dahil sa isang picture. Facebook page ito ng isang sikat na brand ng damit. Naka-sponsored ang post kaya naman kahit hindi ko naifollow ang page ay lumabas ito sa newsfeed ko. Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. Litrato kasi ito ng isang modelo. Isang sikat na modelo.

Aleia Zyrine Cruz.

Nakasulat ang pangalan nito sa gilid at sa taas naman ng pangalan ay ang pirma niya. Tanda na isa siyang sikat na model.

Sino ba ang hindi maiinsecure kay Aleia? Nang mamigay yata ng kagandahan at kaseksihan ay sinalo nito lahat. Mas lalo itong gumanda sa dark make up nito at kahit pa messy ang buhok nito sa picture ay mas lalo yata itong gumanda.

Kahit yata trash bag ang ipasuot mo sa kanya ay magmumukhang luxury brand.

I stared at her picture. Her pretty face and chin-up-pose seems she's looking down at me as if I'm an inferior being. Which I think I am in every aspect compared to her.

I hate Aleia Zyrine Cruz not because she's pretty, sexy, famous, wealthy or her foul attitude. I hate her because she's been with Shinjiru for like eternity.

I hate how she knew almost everything about him.

Bakit siya pa?

Siya na wala akong kalaban laban.

Minsan naiisip ko na paano kung gusto siya ni Shinji? Paano kung gustuhin niya rin ito? May laban pa kaya ako?

Napapitlag ako nang sitahin ako ng ka-workmate ko na lalaki.

"Hey. You okay? Lalim ng iniisip mo ah?" Sita nito.

"Yeah. I'm fine." Sagot ko nang may tipid na ngiti.

Nabaling ang tingin nito sa monitor. Napasipol ito at napailing. "Kaya naman pala tulala ka eh. You're looking at Aleia's picture. Ganda no? Type na type ko yan eh."

Lihim akong napasimangot.

"Oo nga eh."

Bumalik na ito sa cubicle nito at ako naman ay clinose na ang tab ng facebook ko matapos i-log out.

Bumalik ako sa ginagawa ko.

Maya-maya ay nagpop-up ang chathead ni Shinji.

Shinji: Hi, Alyssa! 😉

Agad naman akong napangiti.

Alyssa: Hi, Shin! 🙂

Shinji: How's work?

Alyssa: Okay naman. Medyo stress lang sa bago kong project.

Shinji: Really? Do want anything?

Alyssa: Nah. I'm fine.

Shinji: Okay

Alyssa: How's the preparation for the Heroine's party going?

Sex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon