Chapter 28: Aleia

280 7 5
                                    

Chapter 28:  A Pleasant Surprise

Nakangisi ako habang nakatingin sa screen ng phone ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang mapaangat ang tingin ko sa nanunuring mata ni September.

Nandito kami ngayon mall, sa samgyupsal.

"Ba't ganyan ka naman kung makatingin?" Reklamo ko. Daig pa kasi niya ang naghihinalang asawa kung makausisa.

"That smile."

"Problema mo?"

"You usually has this..." Iminwestra pa niya ang kamay niya mula ulo hanggang paa ko. "Bitchy aura but now..." Tumigil siya at napailing iling. "Parang ano eh... pota ang sweet. Rainbows and unicorns."

"Ulol. Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Inlove ka ba?"

"What the heck are you talking about?" Singhal ko. "Hindi ba pwedeng nadiligan lang?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Don't tell me---"

I rolled my eyes. "Yeah. Whatever. We did it again."

Natutop niya ng bibig niya. " I knew it!"

"Gulat na gulat, 'te??" Reklamo ko sa reaksyon niya.

"Parang may something na 'yan ah."

"Ano'ng something ka diyan?" Ingos ko.

"Aleia, you can be honest with me. Alam mo iyan di'ba?"

"Oo naman. Ano ka ba? Don't make this a big deal. It's like friends with benefits thing." Pagrarason ko pa.

"Tsk. You would not go that far, Al. Akala mo ba di ko napapansin na wala ka nang nilalandi ngayon?" She said with a mocking tone.

I bit my lip-- trying to find anything to oppose what she said.

Anything.

Aleia.

Damn.

"You're so annoying. Can we just eat? Masusunog na yung karne oh!" And true enough, medyo sunog na yung iniihaw namin.

"Shit!" September cursed and hurriedly removed the poor pork belly meat.

Phew!

Samgyup saved the day.

For now.

"Ay oo nga pala I invited a friend way back in Senior High School!" Sabi ni Ember pagkatapos sumuko sa pagsalba sa nasunog na karne.

Kumunot ang noo ko. "Mga plastic friends ba 'yan?"

"Hoy! Hindi ah! You know me. Why would I talk to them? Kaimbyerna ka ha."

"Eh sino nga?" I rolled my eyes.

"You'll see." Sabi niya na may halong tili. "For sure, you'll be happy to see him."

"Him?"

"Oops!" Natutop niya ang kanyang bibig.

"Gwapo ba yan?" Naexcite ako bigla.

Nanlaki ang mga mata ni September. "He's here!" Masayang sigaw nito. "Hey! Over here!" Sigaw nito at saka kinawayan ang naturang 'lalake'.

"Long time no see, Ember." Bungad ng baritonong boses.

Shit! Ang gwapo ng boses!

Lumingon ako at ganoon na lamang ang pagkagulat ko. My jaw dropped.

"It's been a while, Zy."

Sex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon