Chapter 15: Shinji

1.1K 17 0
                                    

Chapter 15: Day 1

Everything has been in their right places. Nakakapagod man pero nang makita ko kung gaano kaganda ang preparations ng team ay mukhang sulit naman. Hindi ko nga lang maiwasan na kabahan. Afterall, this is compose of people with big names and high social status.

"Relax..." Alyssa said while holding my hand. "Magiging success to."

I squeezed her hand. "Thanks, Alyssa."

We're currently in the main track arena of the club because I'm checking the last minute preparations for this night's event.

On the other hand, I saw Jiro amidst a crowd of girls, bragging about his tiring preparations for this event. What a shithead.

"Kapal talaga ng mukha."

Alyssa chuckled. "Parang di ka naman nasanay kay Kuya Jiro."

"Nakakainis."

"You know what? Bakit di muna tayo mag-frappe sa Cafe Amoré? Para naman medyo lumamig ang ulo mo." She beamed at me.

"You always know just what to do." I smiled too.

Alyssa is such a bundle of sunshine.

Pagkabukas palang ng cafe ay sumalubong na agad sa amin ang halimuyak ng kape.

This is cafe amoré. Branch ito ng coffee shop ng kaibigan namin na si Brittany.

And speaking of...

"Shinji!" Palahaw ni Brittany nang makita ako. Nakasubsob ito sa counter at halatang pagod. "Send help!" Pagmamakaawa nito.

Mukhang kulang sa staff dahil punong-puno ang cafe niya ngayon. Paano ba naman ay dumoble ang miyembro ng club ngayong taon.

Natawa nalang kami ni Alyssa.

"Want me to help you?" Alok ni Alyssa.

Nanlaki ang mga mata ni Brittany. "Oh dear, you're an angel sent from above!" Brittany exclaimed. Ginagap nito ang kamay ni Alyssa at hinila na ito papunta sa kitchen.

'Sorry!' Alyssa mouthed at me while smiling sheepishly.

I just nod at her.

Naiiling nalang akong dumiretso sa counter dahil puno na ang mga tables.

"Hi, Sir Shinjiru! Ano pong order niyo?" Tanong ng barista.

"One café americano please."

Maya-maya ay sinisimsim ko na ang kape.

"Tapang as always." Komento ko.

"Oo naman, sir. Matapang to the point na magigising ka sa katotohanan." Biro naman ng barista.

Natawa ako.

Habang iniinom ang kape, inilibot ko ang tingin sa buong shop. Napangiti ako. Naalala ko pa nang unang sinabi sa akin ni Jiro ang ideya ng Heroine.

"Shin..."

"Ano na naman?" Reklamo ko dahil kasalukuyan akong abala sa paglalaro ng online game.

Nandito na naman siya sa unit ko at nanggugulo.

"I have a great business proposal for you."

"You've got shitloads of money from your businesses. Plano mo na naman magdagdag?" Sabi ko habang sinisira ang base ng kalaban ko. "Saka alam mo naman na hindi ako makikisosyo sa kahit na anong business sayo. If I'm going to make one, gusto kong sole proprietorship."

"This isn't about money, Shin."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya. I was caught off-guard and my enemy slain me. I close the window and shutdown the pc.

Sex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon