HTBIM #30

802 20 8
                                    

Its been a week. Yes hindi ako nagpapapasok lagi lang akong
Nasa dorm lang at hindi ko din alam paano maging okay ulit.

Hindi ko matanggap na niloko at sinaktan nanaman ako ng taong pinagkatiwalaan ko.

Nakahiga lang ako sa may kama ko ng makarinig ako ng kaluskos at paglingon ko ay si Parker ito. Nakapasok na sya mula sa bintana.

"Hoy gwendilyn"aniya pa at lumapit sa hinihigaan ko. Hindi naman ako umimik sakanya. Umupo sya sa gilid ng kama ko at nanunuod lang ng TV.

Nagulat nalang ako ng idinikit nya ang ulo sa pisngi at biglang flash ang bumungad saakin kapag lingon ko.

"Parker!"sigaw ko ng ipinakita nya saakin ang kuha naming dalawa.

"Mukha kanang mabaho, ay mali mabaho kana pala"pang aasar pa nito kaya kahit ayokong tumayo sa may higaan ko ay napatayo ako para agawin lang sakanya iyong Phone nya. Itinaas nya pa ito sa ere.

"Maligo ka muna para idelete ko"aniya pa at binigay saakin ang phone nyang may password.

"Naliligo ako Parker!"inis na sabat ko pa at ibinalik sakanya yung phone nya dahil hindi ko rin naman ito mabubuksanat muling humiga sa may kama.

Nagulat naman ako ng tabihan ako ni Parker. Tumagilid pa sya at pinagkalang ang isa nyang siko sa kama upang masuportahan ang mukha nya.

"Gwen seryoso ako. Bumangon ka na dito. Umalis tayo"aniya pa tinitigan ko naman sya at umiling.

"Nageenjoy ako dito"

"Mas mageenjoy ka kapag ako kasama mo"aniya pa at malokong kumindat.

"Ayoko wala talaga ak---"nagulat ako ng bigla syang pumaibabaw saakin. Not totalling umibabaw ah yung upper body nya lang ay nakadikit sa upper body ko while his two handa busy sa pagpangko sa mga kamay ko.

Nagtitigan kaming saglit at nakita ko ang biglaang pagngisi nya."Gusto mo sigurong magkaroon ng Quality time saa---"itinulak ko sya papalayo saakin na ikinatawa nya nalang but in a manly way.

"Tigilan moko Parker smith"umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Look gwendilyn, im not doing this for myself"aniya pa"Sa totoo lang gustong gusto kong napipikon ka na ako ang dahilan. Pero ayokong makita kang nagkakaganyan dahil nasasaktan ka ni Trevor"bumuntong hininga sya"Paano sya magsisisi sa ginawa nya sayo if nakikita nyang apektadong apektado ka. Rule #1 wag mong ipakitang apektado ka sa isang lalake mas lumalaki ang ulo nila"tinitigan ko nalang si Parker pero kahit papaano ay nagtouch ako sa ginagawa nya at nagets ko naman ang point nya. Binato ko naman sya ng unan ko.

"Osige na. Maliligo lang ako then we'll leave wala naman akong klase"napayes nalang si Parker at napalipbite with mathcing paggalaw pa ng braso. I mean yung parang nag aja.

Tumayo na ako sa higaan ko. Pero laking gulat ko ng nahiga lang si Parker sa kama ko na parang relax na relax pa.

"Bakit nandito ka pa?"tanong ko.

"Sa baba ka naman magbibihis at maliligo hindi ba? Patulog muna"aniya at niyakap ang unan ko hindi ko nalang sya pinansin at kinuha na ang mga kailangan ko at
Nagtungo na sa ibaba para makapagshower. Mabilis lang naman akong nakapagshower dahil kaliligo ko lang rin kagabi sadyang maarte lang si Parker at malakas manginis. Dito ko na rin sinuot ang simpleng dress na puti. Na lagpas sa tuhod ang haba. Lalabas na sana ako ng makarinig ako ng nag uusap.

"Sinabi mo pa. It was all fake lang daw balita ko may pinagseselos lang daw si Trevor!"so kalat na ang balita?

"Buti nga sakanya. Mukhang fall na fall na sya kay Trevor eh. Poor her. Wala kasing ibang ginawa kundi mang agaw ng boy---"binuksan ko ang kurtina ng kinaroroonan ko at ngumisi sa mga babaeng nagkwekwentuhan saakin.

Hey! That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon