HTBIM #36

693 21 14
                                    

It was a typical saturday for Parker and also for me. Kandong kandong nito si Baby Gelo na walang ginawa kungdi ang tumawa.

"Panget kasi ni Mommy Gwen mo ano?"aniya pa at nakikisabay sa pagtawa ni Baby gelo.

"Sinong panget ha?"singhal ko. Kaya nagsimula nanaman kamjng magkapikunan.

"Ikaw! Hipon ka nga eh! Pag wala kang kilay mukha kang aswang!"banat pa nito. Napaubo naman ako.

"F.y.i makapal talaga ang kilay ko ah, Konting ayos lang ang ginagawa ko dyan!"banat ko pa. Natawa naman si Parker at dumila.

"Kinaganda mo?"tanong pa nito.

"Bakit gwapo ka ba?"dagdag ko pa. Kaya napangisi naman ang loko. At tinitigan si Baby gelo.

"Palibhasa hindi na nanalo sa asaran kaya ganyan eh. Gwapo ko kasi kaya bitter eh!"banat pa ni Parker kaya piningot ko sya sa may tainga si Baby gelo naman ay tawang tawa at tipong pinapalo na rin sya sa mukha.

*Dingdong*

Natigilan kami sa paghaharutan ng marinig ang doorbell.

"Buksan mo na hon"banat pa ni Parker at kinindatan ako. Halos gusto ko namang masuka.

"Hon? Panget mo huy di kita papatulan"pang aasar ko pa.

"Kaya pala ano? Hinalikan moko nung nakaraan?"pang aasar naman nito. Natigilan akong saglit nang maalala amg sandali na iyon.

"Oh diba? You're blushing!"pang iinis pa nya pero umirap nalang ako dito at dumiretso na sa pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay natigilan ako sa nakita ko.

Si Trevor may dala dala syang gatas at diapers. Meron pang mga groceries.

"Trevor"bati ko rito matagal na rin simula nung huli kaming nagkita..

"G-gwen"aniya pa at nginitian ako. Tinitigan nya lang ako sa mga mata pero umiwas ako.

"Tuloy ka"as I said that ay nauna na akong pumasok kaya sumunod nalang rin sya. He locked the gate bago sya pumasok.

"Who is it?"tanong ni Paker. Hindi naman ako umimik. Since alam nanrin naman nila Trevor ang tungkol kay Baby Gelo ay bumibisita na rin sya dito. Gusto rin kasi sya ni Baby Gelo.

Samin ni Trevor may ilangan pero medyo nawawala na rin. Pero kung iyong feelings para sakanya ang tatanungin nyo? It's still him kahit na nililigawan ulit ako ni Calvin. All I can see is his face sya pa talaga eh. Kahit sinaktan nya pa ako.

"Parker"si Trevor iyon. Biglang nagbago ang awra ni Parker hindi sya umimik. Pero napansin kong nginitian nya pabalik bigla si Trevor.

Alam ko kung bakit... Dahil nagbabago na si Parker. Sabi nya ay magpapakatino na sya. Well tinupad nya namang talaga eh. Lalo na sa pag aaral dahil nagtatop na yata sya sa mga klase nya. I mean makakapagdean's lister sya this semester. Nagpapakagoodboy look na rin sya at higit sa lahat mas naeexpress nya na ang sarili nya.

Nakaupo lang kaming tatlo sa may sofa nanunuod ng cartoons na kung ano ano lang. Kanina ay nakikipaglaro din si Trevor kay Baby gelo hanggang sa makatulog na nga ito at nagpahinga na rin kami.

Nagkatitigan kaming saglit ni Trevor pero iniwas nya rin ang tingin saakin kaya ganon rin ako. Bakit kahit nasasaktan ay nagpapatukso pa din ako?

Lately palaging ganyan si Trevor, Imean kahit minsan lang kaming magkita napapansin kong lagi syang nakatingin. His words are sweeter. Yung coldness nya nababawasan. Alam nyo iyon?

Bakit ang rupok ko?

"G-gwen"tawag saakin ni Parker. Magkatabi kasi kami sa sofa. Bigla nya naman akong nginitian. Nasa kabilang sofa kasi si Trevor.

Hey! That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon