HTBIM #19

842 19 11
                                    

Third person's POV.

Gwen just confessed her feelings towards Trevor pero tila ayaw ata syang payagan ng tadhanang makaamin. Dahil hindi ito narinig ng binata dulot ng sigaw ng guwardiyang nakahuli sakanila. At tinutukan pa sila ng flashlight sa mukha

"Sino kayo?!"Nagpapasalamat ngayon ang dalaga sa guwardiyang ito. Hindi nya na siguro mapigil ang hiya kung nakaamin sya sa binata. Mag iisang buwan palang nangyare ang kanilang kasunduan malamang ay iisipin ng binata ay easy to get sya. At natatakot din syang mareject nito.

"T-Tatay Serio"bati ni Trevor. Napakamot naman sa ulo ang matanda.

"Aba'y bakit kayo nandito? Alam nyong bawal yang pagtakas nyo."Gusto mang sumagot ni Gwen ay hinayaan nya na lamang ang binata.

Samantalang si Trevor ay kalmado lang alam nyang kakilala at papalusutin sya ng matanda.

"Nagpiano kami Tay"natawa naman ang matanda. Kay sarap sa tainga marinig ang paggalang ng mayamang si Trevor. Marunong pa din magpakumbaba ang binata.

"Binibiro ko lamang kayo sir! Nasainyo ang Loyalty ko."yumuko naman ang guwardiya at ngumiti. Animoy nagbbgay pugay kay Trevor.

"Salamat po , aalis na po kami at baka mahuli pa kami ng iba "sabi ni Trevor at tumango naman ang matanda. Kampante lang ang pakiramdam ng binata ngunit kay Gwen ay takotan naramdaman nya. Ayaw nyang mapaalis sa A.R.S lalo na ngayong masaya na sya.

Dahan dahan silang bumalik ng dorm binaybay nila ang kadiliman ng magkahawak ang kamay at tahimik.  bago maghiwalay ang dalawa ay niyakap muli ng binata ang dalaga.

"Salamat sa pagshare mo ng mga problema mo saakin"banat pa nito napangiti naman ang dalaga.  At mas sinuksok pa ang mukha sa bisig ng binata.

"Ano pala yung sasabihin mo sa--"

"W-wala yon!"giit ni Gwen. bago pa man matapos ni Trevor ang sasabihin at nagkaripas na sa pagtakbo ang dalaga papuntang pintuan ng dorm.

"Gwen sa puno ang daan"pang aasar pa ng binata. Kaya naman dali dali itong nagtatakbo at animoy iniiwasan siya. Natawa nalang ang binata at nilapitan ang dalaga.

"Kaya mo?"tanong nito  sa at hinawakan muna sya sa may kamay bago pa ito makaakyat.

"O-oo"bukas pa din ang bintana ni Gwen umakyat naman sya habang inaalalayan sya ni Trevor na nagbibigay kuryente sa dalaga.

"A-alis na dyan!"banat pa ni Gwen dahil nakatingin mula sa ibaba ang binata. Nakapalda lang sya at siguradong kitang kita na nito ang kanyang underwear.

"Tss pano pagnalaglag ka?"

"Kaya koto!"hindi naman umalis ang binata at tinignan lang rin sya.

"Trust me hindi ko naeenjoy"inirapan nalang sya ng dalaga at minadali nalang ang pag akyat pero sa loob ng binata ay hindi nya na mapigil ang ngiti at pagkahumaling sa kagandahan at kacutan ng dalaga.

"Goodnight!"sigaw ni Gwen mula sa itaas nakangiti pa ito sakanya at kumaway kaway. kaya lang mukhang napasama ang sigaw nya dahilan upang magbukasan ang ilang ilaw kaya wala ibang nagawa si Trevor kundi magtatakbo nalang.

Lokoloko talaga iyon ang nasa isip nya.

Masaya sya.. Ayun ang alam ng binata kapag kasama nya ang dalaga. Pero hindi na iyon lalagpas pa doon.

"Ano? Akala mo hindi ko nakitang kasama mo si Gwen?"bungad ni Calvin sakanya ng makapasok sya sa loob ng dorm. Mabuti nalang at wala ang nagbabantay dito ngayon. Nasa kabilang dorm ng mga lalake naman ito.

"Then?"

"Oh come on! I saw you kissing that pianist pr--"

"Shut up"

"Wag mong paglaruan si Gwen! "saad nito.

"Ako ba ang naglaro?"

"Eh gag* ka pala eh"He was about to punch Trevor pero dumating ang bantay kaya napatigil sya.

"Noon palang duda na akong gusto mo si gwen at alam kong May iba ka pang tinatago"Inis pero mahinahong sabi nito.

"Malalaman ko din yan"bagot naman napatitig si Trevor kay Calvin.

"Isipin mo ang gusto mong isipin"tumalikod na sya kay Calvin pero sa loob nya ay gusto nya ng tapusin ang meron sakanila ni Gwen na kasunduan pero isang taon pa ang nasa usapan nila.

Totoo namang gusto nyang iiwas si Parker sa gulo. Pero napabilib din kasi sga ng dalaga sa maraming bagay. Napahanga sya nito at napasaya. Mabuting tao pala ang babaeng inaakala ng lahat na malandi.mahalaga sakanya ang dalaga at ayaw nyang bumalik pa ito sa dati kapag nawala sya.

Pero sigurado syang hindi ito ang gusto nya at malinaw na malinaw kung sino ang mahal nya at patuloy nyang mamahalin.

At pangalawa ito sa dahilan kung bakit nya tinulungan si Gwen...

Dahil gusto nyang ipakita dito na may maganda at may talento din sa musika at sikat sa campus ang magiging nobya nya.

Ginamit nya ang kasunduan nila ni Gwen para pagselosin ang babaeng matagal nya ng minamahal.

Nagtungo sya sakanyang kwarto at inisip ang mga nangyare.

"D*mn masasaktan sya kapag nalaman nya!"ayaw mang magmura ay nailabas nalang ito sa bunganga ni Trevor. Alam nyang iniisip ni Gwen ay tumulong sya dahil lang kay Parker at hindi nya ito ginamit sa personal na hangarin. Hindi nya kayang basagin ang damdamin ng dalaga.

Bakit ba hindi nya nalang rin sinabi nung una palang? Iyon kasi ang dinahilan nya dahil tantsa nya nung una ay hindi ito papayag kung ganoon ang idadahilan nya.

"G-gusto nya na ako"halos maibulong nalang ng binata dumagdag pa sa iniisip nya ang narinig nya mula sa dalaga kanina na pinilit nya na lang ignorahin. At magpanggap ng hindi naririnig.

Knowing Gwen. Alam nyang nagpifeeling strong lang ang dalaga. Pati ba naman sya ay sisirain na din ang tiwala nito.

Ni hindi kasi naisip ng binata na mahuhulog sakanya ang dalaga masyado ba syang naging sweet?

Ang mga halik ba na hindi nya napigilang ibigay sa dalaga noon dahil sa sayang nararamdaman nya pagkasama nya ito ay naging ibang epekto rito.

Bakit ba kasi nya ginwa iyon? Pati sya ay hindi na maintindihan ang sarili. Napabangon ang binata sa higaan.

Masaya sya kay Gwen at mahalaga ang dalaga para sakanya pero...

Hindi nya kayang palitan ang babae una nyang minahal. Ngayong pakiramdam nya ay nagseselos na rin ito.

At hinalikan pa sya nito nung nakaraan sa labi sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Alam nyang magkakasala sya kay Gwen kahit walang sila at kailangan sabihan nya na ito.

Mali itong ginagawa nya at kailangan nya ng magsabi.. Dahil hindi ito ang ugali ng isang kristyano...

Ayaw nya mang gawin pero dapat nya ng aminin.

At sana kaya nya ..

Kaya nyang makita ang ngiti ng dalaga na sing ganda ng diyamante ay bigla nalang mawala sa sakit na maibibigay nya.

Hey! That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon