Htbim #26

776 19 1
                                    

May sinusuotan kami ng card ng mga schedules namin. Pra makapasok kami sa dorm patunay iyon na wala na kaming klase dahil masscan nung machine if pwede na kaming bumalik sa dorm.

Kaya lang ng dumaan kami ni Parker kahit na may bantay na ay nakapasok kami. Babaeng Guard ang bantay dito ngayon.

"Saan mo ba ako dadalhin?"I asked habang hila hila ako ni Parker.

Nasa tapat na kami ng boys dormitory.Nginisian nya ako at malokong napakagat sya sa labi."Ngayon mo sabihin yung kanina"pahabol pa nya hindi naman ako nakaimik dahil pangisi ngisi na sya saakin ngayon. Napayuko nalang ako pero patuloy pa din sya sa pagsipat sa mukha ko."Ano hindi mo masabi iyong kanina?"napapikit nalang ako at napasigaw.

"Sorry!"narinig ko ang pagtawa ni Parker. At maya maya ay pagpkurot nya sa pisngi ko.

"Aray!"reklamo ko pa pero napatawa nanaman sya ng maloko.

"Alam mo gwendilyn diana, Maganda ka sana eh. Kaso shunga ka"pang aasar pa nya napatitig nalang ako ng masama sakanya at umirap.

"P-pero bakit hindi ka man lang nagexplain? I mean kaya mo sila nasaktan ay dahil may nasabe sila saamin ni Trevor hindi ba?"tanong ko sumeryoso naman ang mukha nya.

At napangisi"Bakit nagtanong ka ba?"malokong sabi nito bago tumalikod. Bastos din talaga!

Pero at some point napangiti ako. Mukhang ang tigasing si Parker ay merong kabaitan na side ding tinatago.

"Gwen!"humarap sya saakin.

Napatulala naman ako. He also has a manly Jaw. Singkitin din ang mata medyo tan at gulo gulo ang buhok matangos na ilong at mapupulang labi. G-gwapo din pala si Parker.

Noon kasi ay puro kasamaan nya lang ang nakikita ko.

"Gwen?"ulit pa nya kaya natauhan ako.

"Ano ba?"i asked he just laughed at may binatong papel saakin.

"See You tom."napakunot naman ang noo ko at binuksan iyong papel.

Gwen the slave, Gawan mo ng banner ang soccer team namin at sympre pati pangalan ko. Asahan kita bukas. See You sa Tapat ng dormitory nyo.

Aba? Ano ako assistant nya at bukas na agad? Bukas na nga lang dayoff ko?! Teka member pala sya ng soccer team? Argh!

Kinagabihan ay nakatanggap ako ng tawag kay Trevor.

"Are you busy?"bungad nito napangiti naman ako.

"Nopeee, Why?"I asked.

"Remeber the singing competition? Iyong magkaduet tayo, pumayag ka don hindi ba?"tanong nito napangiti naman ako.

"Yes, Kakanta ba tayo?"narinig ko ang pagtawa nya maybe because energetic akong magtanong.

"Hmm, pagiisipan ko pa. But can we sing tonight?"tanong nya napangiti naman ako.

"Oo naman nasaan kaba?"Natawa sya saakin "Silip ka sa ibaba"aniya kaya dali dali akong sumilip sa bintana. I laughed ng magpoker face saakin si Purity. Bahala sya sa buhay nya.

"Are you free for tonight?"tanong nya. Nakasuksok pa din sa tainga nya ang phone.

"Oo wait mo lang ako!"I shout at bumaba na. Ala sais palang naman kaya pwede pang umalis. Ang mga guards na nagbabantay papuntang dorm ay nawawala na pagdating ng gabi dahil mas focus nila ang ibang gates. Tapos inaasa narin ng A.R.S sa mga nagbabantay na university staffs ang pagbabantay saamin. Kayabkapag gabi ay maluwag na kaming nakakalabas at nakakatakas dahil hindi naman ganon kahigpit paggabi na.

"Saan tayo pupunta?"i asked since may ibang daan palabas ng university ay doob kami dumaan. Its a big gate na nakalock. Mabuti nalang ay may susi si Trevor.

Hey! That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon