HTBIM #47

623 19 5
                                    

"Eh bakit ka sasama Trevor?!"gigil na tanong ni Parker kay Trevor i laughed a little. Yung tipong hindi nila makikita. Nasa A.R.S kami ngayon kinuha namin ang mga grades namin and nagpasa na din ng ibang requirements.

"Bakit ikaw lang ba ang nanliligaw kay gwen? Tsk, kiddo"bored na pagkakasabi ni Trevor si Parker naman ay parang tangang napairap but in a manly way! Isang buwan na rin pala simula ng ligawan ako ng dalawa. Eventhough I rejected Trevor he keeps on telling me na ligaw lang naman like Parker at ako na daw bahala if sasagutin ko sya. Hindi daw sya umaasa he just want to be with me. Hanggat di pa nagiging kami ng kakambal nya.

"Hay nako! Magsitigil na nga kayo. Ayusin nyo ang mga sarili nyo strikto si Daddy!"napangwi si Parker. Si Trevor naman ay ngumisi gayak na gayak kasi ito at mukhang professional. Nakablack longsleeves at slacks na brown na maypagkafit. Plus mo pa iyong sapatos nya na pamasok ang angas tignan.

"Si Mommy Victoria at Daddy George nga hindi ka naman binully eh. So gwendilyn pakisabe kay daddy take it easy on---"pinigilan ko si Parker sa pagsasalita.

"Kailan ka pa naging serpantez?"I asked he smiles a little.

"Ikaw kailan ka magiging smith?"Parker asked iyong parang bumabanat pa saakin. Napanguso naman ako.

"Kapag pinakasalan nya na ako"Biglaan at cold na banat ni Trevor kaya doon ay nagsimula nanaman silang mag asaran.

How cute.

Okay na kami ni tita Olga in fact she wanted to meet me at mga manliligaw ko. About kay Daddy naman hindi pa kami okay. I mean hindi pa ulit nagkakausap. Dahil nahihiya ako. While si kuya may business trip sa ibang bansa kaya matagal din nawala. Si ate faith naman busy sa pagmomodel model kuno. Tsaka wala naman kaming pake sa ginagawa ng isat isa we just love each other!

Sasakyan ni Trevor ang gamit namin papunta sa bahay. Sa tabi ako ng Driver seat samantalang si Parker ay nasa likod. Sinilip ko sya sa salamin ng sasakyan dahil puro reklamo pa rin sya.

"Malapit na tayo Parker di kapa din tapos kakareklamo"sabi ko pa. Parker just sighed

"Tsk. Kiddo"ani pa ni Trevor. Hindi na sila nagimikan after non at nagkaroon na ng katahimikan.

"Parker, congrats nga pala dean's lister ka daw sana ah? If magsisipag ka ulit next sem pwede na"sobrang tataas kasi ng grades ni Parker ngayon kaya nga lang may mga binabalikan pa syang subject.

"Yeah do good next semester"Ani ni Trevor napatsk naman si Parker.

"Tsk. Yabang talaga"nginitian ko nalang si Parker. After that ay nakarating na rin kami sa bahay
Hindi man ganon kalakihan ang bahay namin I can say na mansyon din ito.

"Goodafternoon maam!"Si manong Pablo guard ito. How I miss him napakabait kasi nito saamin.

"Goodafternoon po Manong Pablo si Trevor at Parker po pala m-mga manliligaw ko, Guys si Manong pablo long time guard namin."napangiti ng kay lawak si Manong at kinamayan sila.

"Sinong mas bet mo manong?"Nakangising tanong ni Parker. Kumukulot nanaman ang buhok nyang may pagkabrown at medyo humaba na rin. He is wearing a simple tshirt with fitted jeans.

"Goodafternoon sir Future engineer Trevor Smith"ngiting sabi ni Trevor ang cool nya din talaga.

Napaubo naman si Parker"Future Architect Parker Smith nga po pala, Future husband din ni Gwen"at natawa na nga si Manong lumapit naman ito saakin at bumulong"Ma'am hindi ba't ang hirap mamili sakanila?"napatawa nalang ako"Pero iyong architect ang bet ko!"pahabol pa nito na nagngingingisi.

Nang makapasok na sa may gate ay laking gulat ko ng nakapameywang si ate faith saakin at tinitigan ako ng masama but when these two hot men caught her attention ay agad agad syang napatulala.She is wearing a fitted sando and short shorts.

Hey! That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon