A/N:
This is the first focus of Rae's side of the story. Maikli lang po ang isusulat ko sa side niya.
-------------------------------------------------------------Ever since na nagtransfer ako sa Monterde High at naging magkaklase kami ni Angelica ay galit na siya sakin . Siguro dahil nalalamangan ko siya sa school standings.
Dati daw kasi ay siya ang nangunguna sa lahat pero ng dumating ako ay napasaakin na ito.
Nung unang mga buwan mula pagpasok ko ay wala namang nangbu-bully sakin.
Pero ng ako ang ihirang na top student sa midterm ay dun na nagsimuang mathreaten si Angelica sa kin.
Dun na din niya ko sinimulang bullyhin. Sinimulang saktan.
Paglipas ng panahon mula sa maliliit na pangmamaliit ay naging pisikilan na.
Merong itutulak nila ko. Ipapahiya, bubuhusan ng kung anu-ano, paglalaruan pero wala pa rin akong imik.
Pero kalaunan ay napansin kong nagkaroon na siya ng pagtingin sakin na binalewala ko kasi alam ko kung gano katayog ang pride niya.
Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya to the point na nakalimutan ko na ang dapat kong gawin. Na nakalimutan ko na na dapat akong mag-aral ng mabuti dahil sa pamilya. Nakalimutan ko kung bakit ako nandito.
Nung nagsimula na naman siyang magopen up sa naramdaman niya sakin ay natuwa ako kasi sa huli magiging akin na din siya.
Alam ko naman na confused parin siya nung una pero binalewala ko yun kasi alam ko na matatanggap niya rin ang nararamdaman niya para sakin.
Pero hindi mo rin talaga magagawang talikuran ang buhay at mga desisyon na dapat mong gawin.
Hindi mo pa rin talaga maiiwasang saktan ang mga taong gusto o mahal mo.
At yun nga ang nagawa ko sa kanya. Dahil sa isang desisyon ay nagbago lahat at nawala lahat ng pinaghirapan ko.
Dahil sa desisyong iyon nagalit siya sakin. Nasaktan ko na naman siya na siyang iniiwasan kong mangyari.
Iniwan ko siya at alam ko na ngayong pagbalik ko ay mahihirapan na kong kunin siya uli.
Mahihirapan akong kuning muli ang puso ng babaeng mahal na mahal ko- kahit ito pa man ay mali.
Maling-mali.
BINABASA MO ANG
The BITCH and the NERD
RastgeleWarning: This is a gxg story kaya its your choice kung babasahin niyo to. This story is just for the author's enjoyment... This is a cliche story Be aware...