Nandito ako sa canteen ngayon. Siyempre break time alangan naman anong gagawin ko dito diba?
“Babe, saan tayo magde-date mamaya?” tanong ng katabi ko
Ahh di ko pala nasabi sa inyo. Sa lahat ng manliligaw ko siya lang ang exemption. Si Chad.
Chad has been my childhood sweetheart and my first love since I was a kid. Feeling ko nga hanggang ngayon ay in love pa rin ako sa kanya.
My father and his father are business partners. Mine is a shipping magnate and the owner of this school while his owns many ports all over the country.
Siyempre kaming dalawa ang mga tagapagmana kaya magkaibigan na kami mula pagkabata at ngayon nga ay manliligaw ko na.
“Chad, uhm I’ll text you nalang ha kung anong oras mo ka susunduin. Alam mo naman graduating kaya dapat serious na ko. Grade 12 na ako at magka-college na. It’s for my future.” Malumanay kong sagot sa tanong niya.
Yes, walang alam si Chad sa pagka-bitch ko- ni Angelica Monterde, which is ako kasi nag-aaral na siya sa college sa isang prestigious university at kaya lang siya nakadalaw sa kin is because may occasion sa school nila.
Blaaagggg!!!!
“You nerd!!! Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Nadumihan tuloy tong damit ko!”
Napalingon talaga ako sa sigaw na nag echo dahil sa lakas ng boses ni Mitch. Si Mitch ay isa sa circle of friends ko kaya may pagka-bitchy- or should I say bitch talaga.
I have few friends at aaminin kong lahat kami ay bratty. All of us are beautiful but I must say that I’m the fairest of them all.
Paaakkk!!!
Nanlaki ang mga mata ko ng matumba si Nerd dahil sa lakas ng sampal ni Mitch, pero as usual ay wala paring kibo si Nerd at nakayuko parin ito.
“Now tell me. What should I do now with this drenched dress of mine, huh? Alam kong alam mo na hindi mo rin to afford, with your status and your lifestyle I know you can’t.” muling bulyaw ni Mitch.
Haynaku! Si Mitch talaga may pagka skandalosa. Ba’t hindi nalang siya gumaya sakin. Palihim ang pagka bitchy.
Nawala na sa loob ko na kaharap ko si Chad dahil sa eksena nina Nerd. I must say that I am curious kung ano ang gagawin ni Nerd. Kung pano niya ipagtatanggol ang sarili kay Mitch.
Pero balewala lang itong tumayo mula sa pagkakasalampak at may dinukot sa bag niya---- isang panyo at tahimik na pinunasan ang nabasang damit ni Mitch.
Hindi ko alam kung bakit pero nagagalit ako dahil sa ginawa niya. Kaya hindi ko nalang namalayan na tumayo na pala ako at naglalakad na papunta sa kanila not minding Chad who is calling me to come back.
The disgusted face of Mitch was very transparent at halatang-halata na nandidiri ito sa ginawa ni Nerd.
Ng tuluyan na akong nakalapit ay binuhusan ko naman si Nerd ng Mango shake na mula sa estudyanteng malapit sa kanila.
“Oooohhhhh!!!” nagsipag-singhapan ang lahat ng estudyante ng ginawa ko yun pero alam kong walang magsusumbong dahil alam nilang sila ang mananagot.
Kaya mula sa pagpupunas ng damit ni Mitch ay napatigil si Nerd ng unti-unting dumadaloy ang shake pababa sa uniform niya at nilingon ako.
Hindi ko alam kung bakit pero ng tingnan niya ko ay bigla akong kinabahan. Yung bang parang may mangyayaring masama sakin dahil sa ginawa ko.
“Alam mo Nerd, kahit anong punas mo sa damit ni Mitch ay hindi parin mawawala ang mantsa. Gusto mo ng ebidensya? Punasan mo rin yang damit mo para malaman kung totoo ba ang sinasabi ko.” Nakangisi kong utos dito kahit sa totoo lang ay nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba. At hindi ko alam kung bakit.
Pero sa halip na punasan niya ang damit niya ay dinungaw lang niya ito pagkatapos ay nilahad niya sa kin ang panyo.
“Punasan mo.” Mahinahon niyang utos sakin na nagpasinghap sa lahat ng nandito maging ang natigilang si Mitch. Pero hindi ako.
“Nerd, you really are digging your own grave.” Painsultong sabi ni Mitch dito pero isang tingin ko lang sa kanya ay nakuha na niya kung ano ang gagawin ko kaya umalis na siya sa eksena.
Now its my turn.
Binalik ko sa kanya ang panyo, balak iparating na hindi niya ako mapapasunod. For me she’s just a nerd.
“Pinunasan ko si Mitch kahit hindi ko sinadya. Ngayon ikaw na sinadya mo naman ang pagkakatapon dapat rin namang punasan mo ko.” Pautos niyang sabi
Pero nginisihan ko lang siya dahil wala ako sa mood magpaka-bitch dahil nandito si Chad. Enough na yung kanina.
Para asarin siya I smiled sweetly at her at tinalikuran siya para umalis.
But I was shocked when she grabbed my hand and with all force dragged me to wherever I don’t know.
Pero dahil nagulat for her bold actions ay hindi ako nakagalaw. Na balik lang ako sa sarili ko ng nagprotesta si Chad at hinabol kami. Kaya nagpumiglas ako para patigilin si Nerd sa kahibangan niya.
“Let me go! Ano ba Nerd! Mabait na nga ako sayo eh.” Pero imbes bitawan ako ay mabilis siyang tumakbo hila-hila hanggang naiwala niya si Chad.
Ng nakarating na kami sa destinasyon niya which is the CR near the rooftop ay isinandal niya ko sa dingding at tahimik na tinitigan na nagpakaba na naman sakin.
Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib habang tinitingnan siya sa malapit na tinitigan ang mukha ko.
Ano na naman to?
Mula sa pagkakatitig sa mga mata ko ay unti-unti itong bumaba sa mga labi ko at matagal niya itong tinitigan na nagpakaba sakin.
Hindi ko alam kung bakit pero napatingin din ako sa mga labi niya at ng napansin niya to ay bigla niya kong hinalikan na nagpalaki saking mga mata.
Nung una ay nagpumiglas ako para makawala sa kahibangang ito pero unti-unti akong nanghina ng lalo pa niyang idiin ang sarili niya sakin.
Hanggang sa hindi ko na alam na kusa na pala akong tumutugon sa kanya at hindi na niya ko kinulong.
Hindi ko alam kong bakit ko siya hinahayaan at kung bakit ako tumutugon. Pero damang-dama ko talaga ang kakaibang sensasyon sa nangyayaring halikan saming dalawa.
Kinagulat ko ng hindi man lang ako nandiri bagkus ay parang nagustuhan ko pa ang nangyayari.
“Rae…” mahina kong naungol ang pangalan ni Nerd ng bumaba ang mga halik niya sa leeg ko na nagpakiliti sakin.
Kaya lang dahil dun ay kumalas siya sakin at tumigil sa paghalik na nagpabukas ng mga mata ko dahil sa pagkabitin.
Aaminin ko na nagustuhan ko talaga ang ginawa niya sakin. Para bang may munting kiliti sa puso ko dahil dun.
Pero imbes na magsalita ito ay tinalikuran nalang ako nito at mabilis na lumayo sakin kaya ako nalang ang nandito sa tagong lugar malapit sa rooftop.
Imbes na sumunod ay umupo nalang ako sa malinis na sahig nagmuni-muni.
Bakit ganon nalang ang reaksyon ng katawan ko sa halik niya?
Bakit niya ko hinalikan?
Bakit hindi ako nanlaban? That was obviously harassment.
Is it possible to fall in love with a girl like me?
Ang huli kong naisip ay nagpatigil sa pag-iisip ko. Mahigpit na hindi sinang-ayunan ang naisip.
“Hindi. Hindi ako inlove sa kanya. Wala lang yun. That was just lust.” Mahina kung kumbinse sa sarili ko habang nakaupo sa sahig sa nakatagong lugar malapit sa rooftop.
BINABASA MO ANG
The BITCH and the NERD
AléatoireWarning: This is a gxg story kaya its your choice kung babasahin niyo to. This story is just for the author's enjoyment... This is a cliche story Be aware...