Bitchy 13

6.1K 191 11
                                    

Flashback: A year ago

"Young Miss, nandito po si Miss Mitch"  Imporma sakin ng maid pero hindi ako sumagot. Patuloy pa rin akong nakabaluktot sa kama at walang ganang nakatulala. Kahit nung bumukas ang pinto ay hindi pa rin ako gumalaw.

"Oh. My. God..Ano bang nangyayari sayo Bestchy? Pangatlong araw mo nang absent ngayon ah. Ano ba kasing problema at nagkaganyan ka?" Frustrated na tanong ni Mitch. Pero hindi parin ako nagsalita at tiningnan lang siya bago ako bumalik sa pagkakatingin sa kisame.

"Is it about her? You fell for her, don't you?" Dahil sa sinabi niya ay agad akong napabalikwas sa pagbangon at nagtatanong na tinitigan siya.

"Oh no! Don't give me that look. Alam ko kung ano ang meron sa inyo. Akala mo ba hindi ko mapapansin ang mga palihim mong sulyap sa kanya? Sa tinginan niyo pa lang, alam ko na." Hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya na hindi niya ikagagalit sa akin. Or worst baka mandiri siya, sila sakin.

"Hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya..." Humihikbi kong sabi sa kanya at naawa namang tiningnan niya ako.

"Look what have you become Angelica.  Hindi ka dating ganyan. Ang Angelicang kilala ko ay palaban. Bitch nga tawag natin sa sarili natin di ba? Hindi tayo malakas pero hindi din tayo dapat ganyan kahina. Sana talaga hindi na bumalik si Rae para hindi ka magiging ganyan ulit." Nakayuko lang akong nakikinig sa kanya. Hinahayaan ko lang na pagsalitaan niya ako.

Tama naman siya eh, hindi ako dating ganito. Hindi ako ganito kahina dati.

"Get up. Wag mong ipakita sa iba ang kahinaan mo Angelica. Kung kailangang pigilan mo ang nararamdaman mo, gawin mo. Bumangon ka at ipakita mo sa kanya-sa kanila na malakas ka. Na wala lang sayong iniwan ka niya." Dagdag pa nito na kinatango ko.

Right. I am Angelica and no one can make me bow ny head once again. No one can make me like this ever again. Kahit pa si Rae.

Never again...

***

Mula nang may nangyari samin ni Nerd sa rooftop ay hindi ko na siya napapansin or pinapansin rather. Magkatabi pero walang imikan. Nagkakasalubungan pero walang pansinan or ako lang talaga? Dahil kasi kahit anong pansin o sasabihin niya sa kin ay parang hangin lang ang turing ko sa kanya. Hanggang siguro ay napagod na siya sa pag approach sa kin kaya tumigil na rin siya.
Nung una nasaktan ako dahil ang dali niyang napagod pero napagtanto kong ito nga pala ang gusto ko dati pa.  Di ba?

Those days na hindi ko pinapansin si Nerd ay hindi naman ako nababagot kasi may bago na naman akong laruan.

Pinapahiya. Binubully. Pinapahirapan. Ginagawang alipin. I bullied her emotionally and mentally.

I made sure na walang tutulong sa kanya kahit isa. Walang makikipagkaiban. Wala lahat.

Hindi din naman siya makakapagsumbong dahil sa takot niyang i pull out ng family ko ang investment sa business nila.

Poor girl.

Somehow, nakikita ko si Nerd sa kanya tuwing binubully ko siya. Ang kaibahan lang nilang dalawa ay palaban si Nerd at siya naman ay palagi nalang walang kibo. Minsan umiiyak lang habang pinapahirapan ko at pinapahiya sa harap ng lahat ng estudyante para ipakita ko sa lahat kung ano ang kaya kong gawin.

Meron din naman akong nabully  na lalaking geek at palaban pero hindi niya rin nakayanan lahat ng mga pasakit na binibigay ko sa kanya.

Dagdagan pa ng pangbubully ng mga alipores ko dito kaya ayun nag drop out. Poor boy.

The BITCH and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon