Bitchy 3

7.5K 249 17
                                    

Days after that kissing scene ay naging normal na ang buhay ko.

Nangbubully, pinapahiya ang mga makikita kong hindi kaaya-aya ang mukha. Diyosa nga kasi ako.

Siyempre kasama ko ang mga 'kaibigan' ko sa lahat ng yun. Maging si Nerd ay hindi nakaligtas sa ginawa naming pambubully. Pero as usual ay parang hindi parin ito natinag.

Tinapon ko na lahat ng confusions ko mula sa nangyari. I decided to ignore it all and go on with my bitchy lifestyle.

Paki ko ba kung na turn-on ako sa ginawa ni Nerd. Siguro dahil lang yun sa wala pa akong experience with my opposite sex.

Kaya I decided to play with boys. I am not a playgirl nor a heartbreaker. I just want to gain experience.

Experience kasi hindi man halata pero inosente ako sa field ng relationships. But life must go on kaya I need to gain it.

"Nerd, nakikita mo yang lalaking yan. I want you to date him." Cool kong utos sa kanya

Ngayon nga ay nandito kami sa cafeteria at may ginagawang 'business'. Kasalukuyan naming pinaglalaruan si Nerd at inirereto sa kapwa niya Nerd.

Alam kong tutupad si Nerd dahil hawak ko lang naman ang project niya sa isang subject namin na isang buwan ang ginawang palugit at ngayong hapon nga ang pasahan.

Of course kung hindi niya gagawin ang inutos ko ay bye bye na sa kanyang inaasam na pag graduate with highest honor.

Nung una ay hindi siya umimik at hindi gumalaw. Pero nang winagayway ko ang pang-blackmail ko ay kusa na siyang tumalikod at nagpunta dun sa lalaking nerd.

Pinagmasdan ko lang sila mula sa inuupuan ko. Kung ano ang gagawin ni Nerd at ang magiging reaksyon ng lalaking Nerd.

Nung una ay parang may tinanong si nerd sa lalaki at napaangat ito mula sa binabasang libro at tiningnan lang si nerd. Nung may sinabi si nerd dito ay lumingon siya samin at kami naman ang tinitingnan pagkatapos tumingin ulit kay nerd, ngumiti at tumango kaya naupo si nerd.

"Hahaha... Tingnan mo nga naman. Hindi ko akalain na cute pala ang resulta kapag nagsama ang dalawang nerds. Bagay sila." Sabi ni Eleanor na kinalingon ko dito't sinamaan ng tingin na kinataka naman nito.

"Bakit Bestchy?"

Nga pala Bestchy ang tawagan naming magkakabarkada. Pinaghalong 'best' at 'bitchy'. Walang aangal kanya-kanyang trip lang yan.

"I know right! Para talagang may special treatment siya diyan kay nerd eh. Favorite mo ba si nerd?" Sabi naman ni Agatha na kinakaba ko.

May alam na kaya sila?

"Favorite pagtripan?" dugtong nito sabay tawa nila kaya tumawa nalang rin ako.

"Ano ba kayo? Curious lang kasi ako kasi tingnan niyo naman si nerd. Tuwing inaasar natin ay wala paring karea-reaksyon kaya I want to push her limits."

"Kunsabagay, nakakainteres nga. Me too, I want to see her reactions whenever we bully her. Palagi nalang siyang poker face." Pagsang-ayon ni Agatha na tumatango-tango.

Tumango nalang ako sa sinabi nito at napatingin kay Mitch na kanina pa tahimik, which is unusual because siya yung palaging nanlalait kay nerd.

Nang sinundan ko ang tinitingnan niya kanina pa ay nagulat ako ng si nerd ang nakita ko kaya napabalik ako ng tingin sa kanya na bumalik na sa dati at tumingin na din sakin na parang nagtatanong so I shook my head in answer.

Nang lumingon ako pabalik sa pwesto ni nerd ay natigilan ako ng mahinhin siyang ngumiti sa lalaki at nag blush.

Kung hindi ko lang kilala si nerd ay baka aakalain kong boyfriend niya ang lalaki.

The BITCH and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon