“Class? I want you to pass your projects now. Late projects will not be accepted anymore.”
Oooppps. Nakalimutan ko bang sabihin na magkaklase kami ni Nerd?
Sa kasamaang-palad ay we're classmates since last year. Transferee kasi yang si Nerd. She’s weird though that’s why tampulan siya ng mga tukso hindi lang ng grupo namin but also from the other students. Why?
Cause she’s weird as in super weird.
Hindi naman siya yung nerd na may braces. May glasses lang talaga siya. Cute naman siya, yun nga lang palagi lang siyang nakayuko. Kapag tatawagin siya ng mga teachers para sa recitations ay wala siyang imik. Daig pa niya yung bingi. Surprisingly top student yang si nerd kasi matalino talaga. Almost perfect ang mga scores niya in every subject.
Hindi ako naiinggit sa kanya ha kaya ko siya binubully. Its just that amazed si dad sa kanya. Natatandaan ko pa nga yung sinabi niyang interesting daw si nerd para dito. Walang imik pero ang tali-talino.
Gusto pa nga niya nung una na kaibiganin ko ang nerd yun o makipag-close ako sa kanya pero hindi ko ginawa. As in NO WAY!!!
She’s a nerd. I’m a Goddess. Hindi ba halata ang pagkakaiba???
I was then suddenly interrupted by my silly thoughts when our teacher announced something.
“So as I said awhile ago, ngayon niyo ipapasa ang projects niyo. I’ll call your names one by one at ibibigay sakin dito nung matatawag ang projects nila. Are we clear?” Striktang tanong ng menopausal naming teacher.
Pataray-taray pa, kala mo naman maganda. Hmmp
Of course after she said that ay mahaba na namang dasal ang nangyari matagal-tagal pa kasi bago ako matawag. Monterde. Letter M. That’s why.
“Miss Monterde? Let me have your project now.” Masungit nitong hingi sakin.
Tssk. Eh ano pa nga bang magagawa ko? Kaya kahit inis na inis ako sa teacher na yan ay kinuha ko nalang yung akin sa bag ko.
Kahit naman may pagka-bitchy ako I also value my studies noh. Pagkatapos kong maibigay ang project ko ay naglalakad na ako pabalik sa chair ko ay timing namang tinawag niya ang apelyido ni nerd.
“Miss Nifume? Is Miss Nifume around?” takang tanong niya dahil hindi pala-absent si nerd.
Matutuwa na sana ako dahil babagsak na si nerd ng bumukas ang pinto at lumitaw ang kalmado pa ring si nerd.
“Sorry for being late Maam. Eto na po yung project ko.” Sabay abot sa project nito kay teacher.
What the!!!
Di ba sinira ko na yan? Bakit?
Bakit nakapag-pasa pa rin siya?
Litong-lito akong lumingon sa mga Bestchies ko na nagkibit-balikat lang sakin pati na rin si Mitch.
This is not happening!!!
Akala ko talaga mapapabagsak ko na si Nerd.
Kaya para akong nainsulto ng tumingin si nerd sakin at naglakad na patungo sa upuan niya.
Which is sa tabi ko.
Yes,we’re seatmates.
Kahit palapit na siya banda sakin ay hindi pa rin ako makapaniwala kung pano nangyari yun.
Sinira ko na yung project niya eh. Kita ng lahat kanina.
Parang nag-slow motion ang lahat ng naglalakad siya. Parang hindi ako makagalaw. Akala ko ba chance ko ng maka-ungos ako sa kanya? Bakit pangalawa pa rin ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/154108952-288-k815687.jpg)
BINABASA MO ANG
The BITCH and the NERD
RastgeleWarning: This is a gxg story kaya its your choice kung babasahin niyo to. This story is just for the author's enjoyment... This is a cliche story Be aware...