Eow guise, may ipublish akong new story dito sa wp soon. Read n'yo rin ha? When I loved You
Electric
having or producing a sudden sense of thrilling excitement.
After ng tour namin sa falls ni Dos ay hindi na talaga kami nakapagusap dahil naging busy ako. Kinailangan kong icheck ang bank kung pumasok ba ang monthly payment ko sa condo. Mahirap na rin makaligtaan ang magbayad. Puros holiday pa naman ngayon at ayaw kong magkapenalty sa late payment. Tinawagan ko na rin ang land lady noong place na nirerent ko para sa coffee shop para i-inform na naipasok ko na sa account nya ang rent ko for this month. Gosh! Palabas ang pera ngayong December!
I also had to check on Marsha. Ang hirap mag manage ng coffee shop kapag malayo ka. I'm so glad na may mapagkakatiwalaan ako roon. Marami raw ang nagorder ng cake may mga nag pre-order pa nga, so I also had to contact the bakeshop as well. Malapit na rin matapos ang taon kaya inayos ko na rin ang Tax ko. Ang hirap gawin lahat. Minsan iniisip ko kung kukuha na ba ako ng accountant. Kaya ko na bang magbayad ng accountant?
2nd day na wala ang mga maids at drivers. Babalik na raw ang mga ito bukas. I can only imagine kung anong mangyayari sa mansion kung wala ang mga house-helps ng matagal na panahon.
Busy nanaman si Wacks ngayon dahil dumating na ang mga jewelry na i-aauction nya. Nakakamanghang mabilisang nakahanap din sila ng models para sa jewelries na i-aauction. The only problem would be the guests. Syempre short notice at holiday season pa. Karamihan nasa bakasyon.
"Hija, we're not getting any younger. Kailan ba kayo magpapakasal ni Joacquin?" Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong ni tito. Napakasarap pa man din nitong dinner. Napatingin ako sa gilid ko kung nasaan si Wacks. Tng ina mo! Tulungan mo ko! Gusto kong isigaw sa mukha nya.
"Hah! Dad. Bata pa kami ni Isla. Gusto pa sana namin maenjoy yung career na mayroon kami ngayon." He said in a manlier voice. "Di ba, baby?" Baling nya sakin.
In my peripheral vision, I can see Dos holding his spoon and fork, seriously looking at us. It made my heartbeat fast. Naalala ko yung sinabi nya noong nakalabas na kami sa kotse with the same facial expression. Seryoso lang . Napahawak ako sa pendant ko na para bang may source of energy doon.
I faced them. "Naku, tito! Baka multuhin tayo ng magulang ko. Sabi ng mama ko noon kasi, 50 years old pa raw po ako pwede mag asawa." Biro ko with this awkward situation and the joke earned a laugh from everyone except Dos. He just smiled and I felt this warm feeling in my heart na ang saya ko kasi ako yung nag cause para ngumiti sya. Do I like him? O guilt lang ito?
"Masarap po itong Puchero, tita Silvia. Ang sarap n'yo pong magluto!" Pagiiba ko ng usapan.
"Oh no, hija. Luto iyan ni Dos. He loves to cook kasi." Sagot ni tita Silvia. Bumaling ito kay Dos.
"Kaya I'm so glad that he comes home every now and then. Kung hindi, wala kaming chef kapag nagkataon." Tita Silvia joked. I looked at everyone at napansin kong lumungkot ang mukha ni Wacks.
"34 years at ang kulang na lang talaga kay Dos ay magkaasawa." Pagdagdag naman ni tito Jaime. Nahihimigan ko ang kaonting disapppointment sa kanya pero ayaw ko na rin ipagpa big deal. He doesn't look like 34 to me. Parang nasa late 20's lang. So wala pala siyang girlfriend. "I hope Dos finds a woman like you before he runs for governor, Ai. You're witty, smart, pretty, and lovable." Jowable po pakidagdag, tito. Pwede kasing witty, smart, pretty, and lovable pero hindi jowable. Iyong iba, fuckable lang.
"Ah! Tito, you flatter me too much po." I said politely.
Napuno ng kwentuhan ang dinner namin. More about the auction. Wacks shared the details to us. He's smiling with his eyes. Maybe because everyone is interested to listen. Natuwa naman si tito at tita sa naisip na ito ni Wacks to help his kababayans. In a way, maliban kay Wacks, good publicity ito sa buong pamilya. Nakakaloka lang dahil biglaan talaga. Paalis kami ng Manila nang mapagdesisyunan nyang gawin iyon kaya sobrang gipit sya sa oras. It was good that they were able to pull some strings.
Panakanaka ay nagsusuggest din si Dos ng pwedeng gawin ni Wacks sa gabing iyon.
The dinner went well. I volunteered to wash the dishes cause I know na lahat sila ay pagod. Me? I only had to call and think. Wala naman akong nilakad so it's okay.
Naunang umakyat si Wacks dahil kailangan pa raw nyang i-itemise yung mga jewelry. Ang sabi ko naman sa magasawa ay magpahinga na rin.
I love Wacks' family. Naiimagine kong may ganoon din ako -- a family and my heart hurts so good of that thought.
Kung iba lang ang sitwasyon ngayon, kung tatanungin uli ako kung kailan ako magpapakasal, sasagot ako ng basta may boyfriend po ako, kahit bukas agad! I always wanted to have a family. The one I can call my own.
Nasa tapat ako ng sink at iginigilid ang mga nagtirang pagkain para mahugasan na ang mga plato.
"Isla." He made his presence known kaya tumingin ako sa kanya. Nasa gilid ko siya. Standing almighty. He raked his hair using his hands. My heart is beating erratically that I had to hold my chest to put it into place. Baka kasi any moment ay lumabas na ang puso ko sa dibdib ko.
"Hi." Nanigas ako sa kinatatayuan ako. Pero bakit? Kala ko okay na kami? Maybe it's because of what he said to me the last time we spoke. Pero hindi ko naman dapat bigyan ng malisya iyon di ba? Maybe he's just stating facts! Di ba nga't I want to know him para may malaman akong ikaka-turn off ko sa kanya?
"I have that effect on you, huh?"He grinned playfully. Nagiwas ako ng tingin. Bakit ganon? Di ba hangin na sya? Bakit umaapoy nanaman?
"Kung anu-ano sinasabi mo, kuya. Ha-ha." I awkwardly laughed. Tinuon ko ang paningin ko sa plato at sinubukang sabunin na ito. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa mismong likod ko. Tinutupok ako ng apoy! Napalunok ako at bumigat ang paghinga ko. I am suppressing everything.
Naramdaman kong itinukod nya ang mga kamay sa lababo - caging me habang nakatalikod ako sa kanya. Ang mabibigat na paghingang itinatago ko ay lalo pang bumigat. I can smell his woodsy perfume. Feeling the heat from his body.
"Say, Isla... I want to make my dad happy." He said those words na parang normal lang habang nasa may leeg ko ang mukha nya in a very sexy manner. Iyon ba ang bedroom voice niya? Tng ina? Talaga ba? Iniisip ko pa ngayon kung iyon ang bedroom voice. Nanigas ang buong katawan ko. I can feel his breath fanning my neck. It sent a million volts in my system. He's like electric.
"A-ah! Oo nga! Sabi nga ni tito kanina. Mapagbiro talaga si tito ano?" I tried to sound casual para di naman nya mafeel na natetension ako. Baka maoffend siya. I'm still holding on to the thought that we said sorry to each other at hindi na dapat ma-awkward pa.
"He'd be happy if I found someone like you." I thought my brain is tired as fuck pero mas nagising ang diwa ko ngayon.
Naramdaman ko nanaman ang movement ng mukha niya. From my neck, tumaas sya sa may tenga ako.
"I think he's gonna be the happiest if it's you." I felt his hot teasing breath from the back of my ears down to my neck. Tng ina!
BINABASA MO ANG
My Best friends' Brother
General FictionDon't forget me. Highest Rank* so far 1 in newadult 1 in hot