22

7.6K 98 19
                                    

Don't Forget Me

Hindi ko na maalala kung paano ako lumabas sa ilalim ng lamesa. Ang alam ko lang ngayon ay pigil na pigil ang luha sa aking mga mata at matatag na nakikipagplastic-kan kay ate Melissa. Marami siyang naikwento tungkol sa mga Pinoy na nakasama namin noon sa Japan. Naririnig ko ang sinasabi niya pero parang lumalabas lang iyon sa tenga ko kaya wala akong ibang ginawa kundi ngumiti at tumango.

"Ikaw, Ai? How are you" she asked after niyang magkwento while slicing the steak on her plate.

"Uhm... Ayos lang naman ate. Business. Gano'n lang." I answered flatly while playing with my food. The food here looks so appetising and the price of it is not a joke. May ginto ata sa pagkain na ito pero nawala talaga ang gana kong kumain.

"I see. I heard you got married? Bakit hindi mo suot ang singsing?"

"Kanino mo narinig?" Kay Dos ba? Sa asawa ko ba? Pigil na pigil ang utak kong sabihin 'yon. Pwede niya ring sabihin na napanuod niya iyong interview ni Dos pero baka hindi rin. Iyong singsing, hindi ko pa binubuksan. Parang wala akong lakas ng loob isuot iyon. Hindi dahil nahihiya akong si Dos ang asawa ko pero nahihiya ako na sinasalo niya lahat ng kagagahan ko.

She chuckled na feeling niya nagjojoke lang ako. I think I am loosing my cool. I inhaled and exhaled.

"Some friends..." Halata naman hindi niya sasabihin kung kanino niya nalaman pero obvious naman na sa asawa ko. Pero bakit ba ako affected masyado? Peke naman kaming magasawa. Sinalba niya lang ako sa kahihiyan. Wow! Look where this pretend play brought me.

"Ate, naaalala mo ba noong naaksidente ako sa Japan?" I asked again. She stilled for a moment at umayos ito ng upo. She cleared her throat.

"Of course. Hindi ko makakalimutan 'yon, Ai. Alalang alala ako sa'yo nang mga panahon na 'yon. Why did you ask?"

"Kasi napapanaginipan ko, ate. Hindi ba ang kwento mo noon, naglalakad tayo patawid tapos may mabilis na sasakyan ang dumating tapos nabangga ako? Anong nangyari doon sa driver ng kotse? Anong ikinaso?"

Nangunot ang noo ni ate Melissa. "Dear, ang dami mong tanong isa isa lang." pilit siyang tumawa kaya parang awkward laugh iyon. Now, ate Mel is like a cornered deer. Feeling ko, ang dami niyang hindi sinabi sa akin at kapag hindi ako kumbinsido sa makukuha kong sagot ngayon, I might fly to Japan. Maybe Wacks would accompany me and pay for my airfare. Insert evil laugh here.

"For the first question, yes, nabangga ka noon nang patawid tayo. Second, reckless driving." She continued.

"Tapos? Guilty na siya? Is the guy still in jail? I never got to talk to guy."

"It's not necessary. You can't remember."

"Saan tayo galing nang patawid tayo? Anong pinuntahan natin noon? Tayong dalawa lang ba noon?"

"Why ask all these all of a sudden?" She asked then put her fork on the side of the plate. Hindi niya binibitawan iyong knife.

"I just have to know. I have this feeling..."

"Galing tayong work. Pauwi na tayo noon at tayong dalawa lang." She answered with finality na parang dinidismiss niya na ang usapan. Lies! Bakit sa panaginip ko I heard a guy speaking to me? Pwedeng gawa iyon ng imagination ko pero sa puso ko, sure na sure akong nangyari iyon at nakarinig ako ng boses ng lalaki. Isa pa, Japanese people are law abiding and respectful people. Ewan ko but I can feeling that something is really off.

Hindi na ako nagtanong pa at pagkatapos naming kumain, pumunta na ako sa shop ko saglit. Gusto ko sanang kausapin si Marsha pero naka-off nga pala siya. Sa susunod na araw na lang siguro.

My Best friends' BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon