Keiji
May sumusunod sa akin. Shit!
Abot langit ang kaba ko nang mapansin kong kanina pa may sumusunod sa akin. Kakauwi ko lang galing sa part time job ko na pag totowel girl sa c.r. kaya pagod na pagod ako, Maliban sa dahilan na bigat na bigat ang pakiramdam ko. Namamaga rin ang mata ko kakaiyak. Iyong sakit sa ulo na nararamdaman ko mula sa hapo. I feel my heart beating pero I feel dead.
Iyong pakiramdam na nafifeel mong may matang nagmamasid sa'yo. Uso pa naman dito ngayon ang mga napagtitripan ng mga Yakuza. Talamak ang balita sa kanila lately kaya kabado ako.
Mabilis akong naglakad sa isang alley na may iilang lamppost. Tahimik ang paligid kaya lalong walang pagsidlan ang kabang nararamdaman ko. Baka mamaya bigla na lang akong tambangan. Pumapatak na rin ang mga ga-butil na pawis mula sa noo ko. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw kong mapagtripan, Isang sem na lang! Gagraduate na ako.
May kaliskis ng mga dahon akong naririnig sa paligid at tahol ng aso. Huminto ako sa isang maliwanag na parte ng daan. I looked around. Inilibot ko ang tingin ko mula sa harap ko - paikot nang may makita akong shadow ng isang tao na nakasilip sa bandang kaliwa. Iniisip siguro nito na hindi ko mahahalata dahil medyo madilim doon pero mali s'ya. Natatamaan ng kaonting ilaw ang kinalulugaran niya.
I have to run!
Kapag dineretso ko ang daang tinatahak ko kanina pa, makakalabas ako sa highway. Marami rami ang tao ro'n. Baka tigilan na ako. Sana.
Lord, please! Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang magkaroon ng sariling coffee shop. Gusto ko pang umuwi ng Pilipinas. Gusto kong gamutin ang puso ko. I want to survive this heartbreak. Gusto kong mawala itong nararamdaman kong masakit sa puso ko. Please! Gusto ko makakilala muli ng taong mamahalin ako. Asawa. Lord, gusto ko po makapangasawa. Gusto kong magkaroon ng dalawang anak. I have to live.
"Please! Help me." I pleaded. I'm not sure if I said it loud enough. All I know now is my heart is beating abnormally.
I did it! I ran for my dear life. Nararamdaman ko ang pagsalubong ng mabining hangin sa mukha ko pero pawis pa rin ako.
Naramdaman kong tumatakbo na rin iyong taong sumusunod sa akin. I looked back. I have to see the face if ever na makasurvive ako, isusuplong ko sya sa pulis but to no avail, ang nakita ko lang ay nakajacket itong itim at naka-cap na itim.
I ran faster. This time, without looking back. Napapansin kong lumiliwanag na ang paligid.
'Run! Run! Run! Just run, Isla!' I chanted. Until I heard a long automobile horn. Sinalubong ako ng liwanag ng headlights nito. I felt my body getting hurt. It fucking hurts until I feel my body on the cold concrete pavement.
"Isla! Isla! Can you hear me?" Someone asked. That voice! He sounded someone I love.
"Wake up now!" I smiled. Hindi ako sure kung lumabas pa ang ngiting iyong sa aking mukha but I feel like smiling. Kahit mamamatay na ako ay demanding at authoritive pa rin siya. Ipinilit kong ibuka ang mata kong nanlalabo na.
"Ah! Tang ina!" Napahawak ako ng madiin sa magkabilang sentido ko nang mapabalikwas akong nagising mula sa isang masamang panaginip. Sobrang kirot ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
My Best friends' Brother
General FictionDon't forget me. Highest Rank* so far 1 in newadult 1 in hot