12

11.7K 126 6
                                    

Sorry, Wacks

Last night was such a success. Natapos na ang event ng 1 am dahil sa mga kinausap pa nilang mga tao. May iilang aktres, aktor, at politicians kasi kagabi.

Hapon na nang may kumatok sa kwarto ko and when I opened the door I saw manang Eta on here usual poker face,"Ma am, magandang hapon po, pinapasabi po ni Sir Joacquin na magbihis kayo at pupunta kayo sa Kapatagan. May pa-ba'eli po ro'n."

"Sige po. Thank you." I smiled and she left without even smiling back. She doesn't like me, huh?

Pagabi na noong nakaalis kami sa bahay and it's not because of me! Dahil iyon kay Wacks na wala na raw maisuot sa kanyang wardrobe. Edi wow! "Anong mayro'n doon, Wacks?" Tanong ko kay Wacks habang binabaybay namin ang daan patungo doon.

"May ba'eli [bayle - party sa probinsya] doon and I just want you to experience that before we go home. Fiesta kasi sa katabing bayan, dahil malawak ang lupa doon namin sa Kapatagan, nagpaalam sila kung pwedeng doon na lang idaos. That'd be fun so I agreed."

It's night time when we reached the place. Maraming na ring tao na sumasayaw sa saliw ng modern pop music.

Luminga ako sa paligid para itong part ng pinagsasakahan ng mga tauhan nila Wacks pero patag lang ito at walang tanim. Nakakatuwa pa dahil para itong club made out of malalaking dahon as it's wall na nasa gitna ng malawak na kapatagan. May apat din portalet sa labas. May strobe lights din na nakataas sa may gitna ng pinatagping mga dahon at may sound system sa gilid. So this is how they party here, huh? I find it cute and unique. At least they're doing something to have fun. Tumingin pa ako sa ibang direksyon at nakitang may mga naka set up silang lamesa at upuan para sa mga mangilan ngilang umiinom.

"Huy baks, okay lang ba iyon? Umiinom sila?" Malakas kong sabi kay Wacks. Nilakasan ko dahil 'di ako sure kung maririnig niya ba ako sa lakas ng tugtog dito. Tinuro ko rin ang mga nakita kong nagiinuman malapit sa pinasukan namin na dahon-dahon.

Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa bewang at nilapit ang bibig sa tenga ko, "Oo baks, keri lang yan. Di sila nagpapapasok ng menor de edad dito tsaka nand'on si kuya." Sabay turo nya sa kabilang banda ng lugar. May kasama rin itong nagiinom. Everyone's on their casual clothes. So far, wala pa naman akong nakikitang mukhang basura. Charot!

"Tara na baks! Dun sa table nila kuya"

"Wacks! Ano kase..." so how can I say this? Ayaw ko na muna kasing lumapit sa kuya niya tsaka gusto ko rin umamin muna sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay.

"Maya na 'yan, baks. Mag enjoy na muna tayo ngayon. Pakilala kita doon sa mga kababata namin nila kuya. 'Di naman mga matapobre 'yan. We like this kind of parties kasi it makes us bond with other people." Bago nya ako inakqg sa table nila Dos ay dumaan muna kami sa lagayan ng mga alak. Kumuha sya ng dalawang can bago dumiretso sa table. Gusto ko sanang hindi sumama pero wala rin naman akong kakilala rito. We sat down.

What amuses me the most is how Wacks' tone changes from playful-girly to sexy-manly. "Isla, this is Armando Suarez" pakilala ni Wacks habang tinuturo ang lalaki sa kanan ni Dos. I smiled at him and the guy showed me his boyish grin. Nakakahawa ang ngiti nito. For sure, marami na ang pinaiyak nito.

I don't think I can ever handle the stare of Dos. Ang bigat talaga ng intensity nito. I can feel it piercing to my body and soul. It stirs something and somewhere in my gut. I always have that feeling with him around. Katulad ngayon. Alam kong titig na titig siya sa akin pero pinipilit kong ibaling sa mga kaibigan niya ang atensyon ko.

My Best friends' BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon