So alot had happened and truly sorry for the long long wait.
Emotions in Slow Motion
Mabilis naming narating ang condo n'ya dahil ito ang mas malapit sa bar na pinanggalingan namin kanina. I also tried my best to keep quiet. For the reason na napapaisip din ako, why I kissed someone else back?
"WE were fine earlier, Isla!" He hissed and frustrated na hinagod ang buhok habang malalim ang kanyang paghinga. Pabalik balik sya ng lakad nang makarating na kami sa bahay. He put his phone on the side table.
I kept quite. Ang daming pumasok sa utak ko. I am stupidly standing and saying nothing. Parang batang pinagagalitan sa sulok ng papa nya.
"Putang ina naman! Di ka ba magsasalita? Anong ginawa ko para mangyari to?" He was asking me... galit sya pero willing syang makinig sa sasabihin ko. Willing ba kong sabihin? Sabihin kong nakita ko kayo ni Melissa bitch?! Oo bitch sya para sa'kin. Nag viral na ko't lahat di pa ba nya alam na kami ni Dos? Pero bakit ko ba inaangkin? Di ba sinalba lang naman niya ko sa kahihiyan ko?
"Sorry." I finally said. He stopped walking and looked at me like he's amused. Sarcastically amused at that. We became silent.
"Yun lang? Sorry? Isla naman! Yung issue sa coffee shop, di pa ba sapat 'yun para malaman mong seryoso ako?" Hinghal nya na medyo nagpantig ang tenga ko. Napatingala ako mula sa pagkakayukyok.
"Sa'n ka seryoso, Dos? Wala ka ngang sinasabi."
"Kailangan ba lahat sasabihin ko para magkaunawaan tayo?" Sagot nya. He steadily stood there like a mountain unable to be moved and I stood there in awe. Wow.
"Parang tanga naman! Dos! Ano 'to? Charades? Iaaksyon mo huhulaan ko?" I burst out. I'm the verge of my tears too pero nakikipagsukatan pa rin ako ng tingin sa kanya kahit mas matangkad sya sakin until we heard a phone ringing. His phone. Mula sa tayo ko nakikita ko ang caller ng phone nya. It's Melissa. He immediately cancelled the call.
"Tang ina, Isla! Asawa kita eh!" Gigil nyang sagot.
"San mo ko asawa ha? Sa coffee shop? Niligtas mo lang ako sa kahihiyan pero walang tayo! Alam mo yan! Di ko nga alam kung bakit ako nandito kasama ka sa totoo lang! Sige para malinawan na tayo, ano ba tayo? Consensus fuck buddy ba ko ng soon to be governor? Publicity para mabait ka sa social media? Sabagay kasi good or bad, publicity is publicity that would help your candidacy di ba? Pero sa totoo lang meron ka pang iba!"
"San nanggagaling yan, Isla? Anong ginawa ko sayo?"
"Di mo alam? Hindi mo alam?" I pointed at his chest. Di ako ganito pero napupuno rin talaga siguro ang tao. "Bakit ka pumunta sa restau sa Makati na nandun si Melissa? Ha?" I exploded. There! Wala namang kami pero daig ko pa ang nagseselos na asawa.
He just stood there. Tahimik parang nagulat sa sudden outburst ko at pagbanggit sa pangalan ni Melissa.
"What?"
"Di ba? This is pointless, Dos. You're hurting me!" I was about to turn my back on him when I heard him call my name. Why am I enjoying this time with him? I need to walk away. Kapag di ko ginawa... I'm prolonging my agony.
"You're hurting me too..." he trailed but left the house first. How dare him walk out on me?!
——
I am packing my things. I don't know kung kaya ko pang magstay dito. But I know I shouldn't. I left everything as it is. Door opened as I rampage through the closet."It's about time." I heard someone spoke. Nakaluhod akong lumingon sa pinto ng kwarto para makita ang aso. Este si Melissa.
"Masyado ng matagal ang pagpapahiram ko kay Dos. Masyaso na kong mabait. Kukunin ko na 'yung akin."
Agad akong tumayo. Nakakaawa naman ako na umiiyak na nga ako nakaluhod pa ko. I stood up straight maintaining my eye contact to her.
"Bakit nagpakita ka na parang ang bait bait mo sa'kin?" Nagtataka ako ng sobra kasi parang okay kami noong pagbalik nya. Alam ko naman ng may kakaiba pero...
"Kasi kawawa ka raw sabi ni Dos. Syempre di mo alam na sinabi nya sakin yun. Pinagbintangan ka raw na kabit at out of pity, he helped you. I think that's enough." She flatly said.
Nakatitig lang sya sa akin walang emotion. I tried my best to level the intensity of the way she looks at me.
I stood up straight. I face her. "Ako? Kawawa? Binahay, binigyan ng singsing, kawawa?"
She smirked. "Binahay, binigyan ng singsing, I could've been that person kung wala ka dito. So kelan ka aalis?"
I roam my eyes around the place to make sure wala akong nakalimutan. Ayokong may kailangan pa kong balikan sa lugar na to. When everything is packed, huling nilagay ang natitirang gamit sa kama at izinipper ito ang bag. Nagchant pa ko sa isip ko, I'm a strong independent, confident, gorgeous woman.
Hinubad ko yung sing sing at nilagay sa tokador malapit sa kama. Wala na kong pake kung kunin man yun ni Melissa. Mabilis kong pinahid ang tumakas na luha sa mata ko at lumingon.
"Actually, ito na nga lalabas na ko. Baka mapoison ako, may sumpa kasi dito kasama ko." I walk pass her.
Ang o.a kung sasabihin kong di ko alam kung saan ako pupunta kahit alam kong may condo ako. Ayaw kong sanang makaconnect pa kay Dos. Call me o.a but I do not deserve this toxicity. I left Rey, why can I not do it with Dos now?
I called my dad. I feel like I need to talk to someone who would appreciate me or support me at least. Nakuha ko naman yun kay papa. Pero I cried the most when I was talking with Alaily.
"Are you crying?" An innocent question but makes me want to run to her instead of being stuck up on this phone.
"No. But I miss you baby." I tried to answer back na maayos ang pagkakasalita.
"I miss you too. Tingin ko tired ka. Rest ka muna. Tapos work ka uli. I love you."
Very simple for a child but it hits a spot. Kasi oo pagod na ko. At oo, gusto ko magpahinga. So I did the most thinkable thing to do in a book universe. Sa kuripot kong ito, I booked a flight. Half hearted kong tinawagan si Wacks para magpaalam.
"Saan ka pupunta?" Wacks asked on the othet line. I was already on the airport. Kung anong mga gamit ang kinuha ko sa bahay ni Dos, yung ang dala ko.
"Anywhere. I can't tell you now. But..."
"Are you breaking up with me as bff? Kala ko ba pinky promise?" He cut me off.
"I'm sorry Wacks. I don't think I can do a long distance bff relationship." I played along.
"Whenever you are ready, let me know and I'll be with you." That's all I needed to hear. Binaba ko ang tawag.
I will move forward. This is not the first time for a heartbreak and probably won't be the last pero I'm grateful I now have money and family who would be here when I'm back.
————————
Wala masyado guys sabaw. Sobrang daming nangyari ngayong taon na to. I procrastinated. I'm healing. I lost my dad last July 30. Pasensya na kayo. Salamat sa comments at votes. I appreciate it all.
BINABASA MO ANG
My Best friends' Brother
General FictionDon't forget me. Highest Rank* so far 1 in newadult 1 in hot