1

1.2K 24 5
                                    


"Every shalalala every woaaah still shine "

"Every shingaleng aleng -"

"kamusta ang school conard "
Tanong ni itay pagkatapos nya putolin ang pagkanta namin ni inay

"itay syempre School pa din sya haha "
Sabay na natawa ang inay at ang itay habang ako ay giliw na giliw sa kanta nang carpenters

"conard anak kamusta naman ang mga grades mo? " pangungulit uli ni itay

"Tay ayun nasa taas pa din sila tyaka pinagbabantaan ko ang buhay nila na wag sila baba dahil hawak ko pamilya nila "

Muli nanaman sila nagbungisngisan ni inay

Masaya at matatawag kong perpekto ang bawat pangyayare sa buhay namen may kaya at mababait ang magulang ko

"Haha pilyo ka talagang bata ka haha sa susunod na dalawang araw ay ika 9 na kaarawan mo na ano bang gusto mo regalo anak? "

Bigla sumeryoso ang boses ni itay kaya nagisip ako nang seryosong sagot

"gusto ko po nang mabait na guro at hindi ako bibigyan nang mababang marka " malaking pagkakangiti ang sinukli ko sa malumanay at seryoso nyang mukha

"HAHAHAHAA"

parang musika sa pandinig ko ang tawa nila ni inay

"anak talaga bang ganun ka kasalbahe sa mga marka mo at ayaw mo sila pababain " natatawang tugon ni itay

"itay presyon nyo lang ang pinapangarap ko bumaba haha"

Talagang walang humpay ang pagtawa nila ni inay

"Eduardo wala ka na talaga makukuhang maayos na sagot dyan kay conard napaka pilyong bata nang anak natin"
Nagsimula silang magbulongan at magbungisngisan

"sana naman itay at inay pag pinagtsitsismisan nyo ako siguradohin nyong di ko naririnig " pangiinis ko kay inay na kapag bumulong ay rinig sa boung baranggay

Lalo lumakas ang tawa nila

"Ayan na costansya malapit na tayo ito na ang palatandaan sa lugar na yun "

Sabi ni itay nang mabasa ang nakalagay na sulat sa daan

Bumuhos ang ulan at unti unti na ring dumidilim papunta kami sa bahay ni auntie mira dahil kaarawan nya at dahil wala syang asawa at anak minabuti naming puntahan sya upang maipagdiwang ang kaarawan nya

Lalong lumalakas ang buhos nang ulan nakita ko sa salamin sa harap na parang hindi ito ikinatutuwa nang aking itay hindi nya talaga gusto ang ulan

Si inay naman ay tahimik na nakamasid sa labas nang sasakyan naaliw sa bawat patak nang ulan napupunta sa bintana nya at hinahawakan ito hanggang sa gumapang pababa ang tubig na parang kontrolado nya ang paggalaw nang tubig

Katulad ni itay ay nawiwilli akong panoorin si inay dahil sa edad nya 35 ay mukha talaga syang inosente

Pinapangarap ko makapangasawa rin nang katulad nya simple pero maingay haha

Sa lalim nang iniisip ko nanalayan ko na lang na parang hindi kalmado ang pagmamaneho ni itay pagewang gewang ang sasakyan

"Masyadong madulas ang daan costansya at hindi kumakagat ang preno nang sasakyan " malakas ang boses ni itay kaya nagsimula na mangamba ang inay at nataranta

"Anak anak ipalupot mo sayo ang lahat nang damit na nariyan siguradohin mong maayos " sigaw ni inay na nakapag pabilis nang tibok nang puso ko kaya mabilis ko itong sinunod kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayare

Ginawa ko ang sinabi ni inay lalong namang gumewang gewang ang sasakyan at nagsimula na umiyak si inay kaya lalo ako nagulohan sa nangyayare

Nakarinig ako nang malakas na busina mula sa malayo

May paparating na malaking sasakyan at mukhang nahihirapan din ito sa dulas nang kalsada

BEEEEEEEEEEEEEEP

Malakas na busina bago magpaikot ikot ang paningin ko malakas na ilaw ang tumama sa mata ko kaya hindi ko na naaninag pa ang inay at ang itay

Tila huminto ang bawat pangyayare at wala akong marinig na kahit na ano tanging malabong kalsada na lang ang nakikita ko malakas na ilaw at mga puno at ang di mabilang na patak na ulan na tila kumain sa kamalayan ko at mabilis na dumilim ang paningin ko

Ngunit sa dilim ay may narinig akong tinig

"DYOS KO ILIGTAS MO ANG ANAK KO"

Boses iyun ni inay hindi ako maaring magkamali kahit di ko makita ang lahat nang bagay madilim alam kong sa kanya manggaling ang ganun kagandang boses



(sana nagustohan nyo votes and comment guys kung nagustohan nyo
Thankyouuuuuu )

-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon