Nang makarating kami sa ilog ay agad nyang tinabi ang mga pinulot namin kanina habang naglalakad kami"Conard sasama ka ba? "
Iniisip ko kung magbabasa din ako o hindi kasi mejo badtrip talaga ako
"yoko dito na lang ako "
"Sumama ka na manghuli ka nang alimango nang may meryendahin tayo"
Sabi sayo joke lang yung pagtatanong nyan eii kasi sya pa din ang masusunod
"sige na sige na ang daldal mo! "
Mabilis ako naghubad nang damit para lumusong sa tubig nang bigla syang magsisisgaw si jeska
"Tanginamo bakit ka ba naghuhubad!! "
"Luh wag ka nga feeling babae jan hoy lalaki ka din di tayo talo haha " pangiinis ko pa sa kanya bago lumusong sa tubig
At nagsimula ako manghuli nang alimango malalaki ang alimango sa ilog na to at talaga masasarap kaya lagi nya akong pinahuhuli
Nasa ilalim na ako nang tubig nang may lumubog ibig sabihin ay lumusong na din si jeska
Ang advantage namin dito nakakapagusap kami kahit sa ilalim nang tubig
Palubog na ako nang palubog nang may nakita akong malaking alimango
Hinila ko ang dulong paa nang alimango at nagmadaling umahon
"Asan na yung timba! May nakita pa ako sa baba bilis bago makawala "
Nauna pala syang makaahon napakagaling nya talaga sa ganitong gawain nakita ko pa syang naglilinis nang may kalakihang isdang nakita nya
Mabilis nyang hinagis sakin ang timba kaya nilagay ko agad ang alimango nakuha ko bago ako lumusong uli para kumuha uli
Nang nasa ilalim na ako may nakita akong dalawang malaking alimango sabay ko hinawakan ang paa nila tapos ay umahon na
"Wow mukhang masarap ang meryenda natin! "
Tuwang tuwa sya sa nahuli namin isang malaking isda at tatlong alimango
"tara kuha tayo nang patatas at mais para yan na ang tanghalian natin "
Pumunta kami sa gilid nang mansyon ni aunti madaming tanim dito mais kamote patatas kalamansi sili at mga kamatis
May lemon din syang tanim dito
"conard bakit ka ba nagagalit sa aunti mo? "
Napahinto ako sa paghuhukay dahil sa sinabi nya alam nya na lahat nang tungkol sakin kaya di na yun nakakagulat
"Dahil hanggang ngayon sya pa din ang sinisisi ko "
Pinagpatuloy ko na ang pagkuha nang patatas nang maka anim ay hininto ko na
"di mo ba naiisip conard kung ano nararamdaman nang aunti mo? Wala syang asawa at anak tapos yung magulang mo lang kamaganak nya namatay pa sila? Diba parang ang hirap nun? "
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya
"isipin mo conard 20 years from now mamatay ang aunti mo imagine mo kung ano mararamdaman mo"
Seryoso ang tono nang boses nya nagulat ako sa pahayag nya pero ginawa ko
Inisip ko kung sa paglipas nang taon mamatay ang aunti ko lalo lang ako mawawalan at magiisa hindi ko ata kakayanin
May malamig na likidong gumapang sa pisngi ko pagdilat ko nakita ko umiiyak na si jeska
"mamatay ang lahat conard nawawala ang tao di lang natin alam kung kilan at kung saan kaya kung ikaw may mahal kang tao ngayon pa lang pahalagaahan mo na kesa magsisi ka pag wala na sya "
Humihikbi syang iniwan ako sa maisan at Dumeretsyo sa tanim na lemon
Nangtuloy tuloy ang luha ko di ko nga kakayanin pag pati si aunti mira ay kukunin pa nya sakin
Nang matapos ako kumuha nang apat na mais ay pumunta na ako sa gilid nang ilog
Ngayon ko lang naisip na tama si jeska kung hindi ko pahahalagahan ang mga mahal ko ngayon? Kilan pa pag wala na sila
Nakita kong nagpapakulo na nang tubig si jeska
"ilagay mo na yung mais hugasan mo muna yung patatas "
Sinunod ko sya nang matapos at sinimulan na rin namin iihaw ang isda nilagay nya na rin alimango sa kumukulong tubig
"jes bakit di ka dinadalaw nang nanay mo? "
Parang nawala yung patay gutom mode nya nang lingunin nya ako
"kasi artista ang nanay ko isa syang sikat na artista kaya pag pinuntahan nya ako malalaman nang ibang tao na nagkaanak na sya "
Bakit para ang lungkot na nasa mata nya ay yung lungkot nang sanay na tao,?
"ilan taon ka nung huli mo sya nakita? "
"8 years old birthday ko nun nung huli di ko na rin natatandaan ang mukha nang nanay ko "
Nagmamadali syang tumayo at tinanggal ang takip nang kaldero gamit ang sangga nang puno kinuha nya rin ang laman netong mga patatas at mais kasama ang tatlong alimango
"Kain na tayo "
Gaano kaya kalungkot yung buhay pa yung magulang mo pero parang iniwan ka na rin nila
Hi votes and comment po kung nagustohan nyo salamaaaat
-MelainieeeMoto

BINABASA MO ANG
Sesin (COMPLETE)
FantasyGaano ba katalas ang pandinig mo? Kaya mo bang marinig ang sinisigaw nang iba kahit hindi lumalabas sa bibig nila? Gusto mo ba marinig ang mga tinig na nag tatago sa kaibuturan nang kanilang nararamdaman Sesin -MelainieeeMoto Highest ranking achi...