15

360 6 0
                                    


"Conard may aaminin ako "

Napahinto ako sa hina nang boses nya

"ano yun? Ikaw kumuha nang kamatis sa bakuran nuh? HAHAHAHA" Hagalpak ako sa tawa, sa di ko maintindihang dahilan parang gusto ko umiyak habang tumatawa .

"Conard mahal kita " parang huminto yung oras sa sinabi nya

Hindi ako makagalaw, gusto ko sya yakapin, pero di ako makagalaw sa gulat.

Alam ko, may chance to kahit pa sabihin kong kaibigan namin ang isa't isa. Pero yung magmula sa bibig nya yung salita parang nayanig yung mundo ko

"Ba-Bakit? " hindi ko alam kung nag iilusyon lang ba ako pero nakita kong dumaan yung sakit sa mata nya

Nagsimula mahulog ang mga luha nya .

"Hala sandali bakit ka umiiyak? "

Nagsimula syang tumakbo palayo sakin, kasabay nang paghagulgol nya ang biglang paglakas nang Ulan .

Lalo akong di makagalaw sa kinatatayuan ko .

Pinilit ko igalaw ang paa ko. Pero nagsimula na magsibalikan ang nakaraang senaryo nang buhay ko

"PUTANGINA! TIGILAN NYO KO! "tuloy tuloy na ang pagaagos nang luha mula sa mata ko hindi ko sila mapigilan

Tangina wag ngayon si jeska nasasaktan sya di nya alam yung nararamdaman ko tangina wag ngayon

lalong lumakas ang ulan nagsisimula na akong mahirapang huminga
Napaupo ako sa sahig pero pilit ko tinatayo yung sarili ko

Kung ikakamatay ko ang paglapit sayo jeska, hintayin mo ko, papunta na ako.

"Jusko conard anak anong ginagawa mo riyan? "

Nagsimula na magingay ang mga katulong at ang auntie

Pero yung mata ko nakatingin sa mansyon nila jeska

Marahan kong ginagapang yung sarili ko sa lupa papunta kila jeska, kahit pa hirap na hirap na akong huminga

"jeska kung naririnig mo ko parang awa mo na . balikan mo ko dito di ko pa naamin sayong mahal kita "

Umaasang maririnig nya ako

"CONARD IHO HALIKA NA JUSMIYO KANG BATA KA HALIKA NA BAKA RITO KA PA MAMATAY! "alalang alala si auntie sakin

"Si si-si Jessss-ka .gus gusto ko syang " di ko na kinakaya magsalita kaya sinimulan ko uli ang gumapang papunta kila jeska

Bago pa ako makaabot sa gate nila ay nagsimula nang manlabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako nang malay

***************

Nagising ako sa mahinang kaluskos nang dahon

Napabangon ako nang marealize ko na wala ako sa kwarto ko !
Asan ako?

Inikot ko ang paningin sa kwarto inuukupa ko. Nakita kong may katabi pala itong kama at isang lalake ang nakahiga roon.

Nasan ako nasa hospital?.

"jeskaaaaa" tawag ko sa maaring bantay ko nanaman

Nang maalala ko kung ano ang nangyare ay napahinto ako.

"Jeska si JESKA! AUNTIEEE ASAN SI JESKAA! " natataranta akong tumayo

Nang umikot paharap sakin ang kasama ko sa kwarto.

Tila binuhusan ako nang isang baldehandong yelo.

Dahan dahang gumuhit ang maliit na ngiti ni jeska.

Ibang iba sa ngiti neto sa normal na araw .

Mahina at walang kabuhay buhay ang ngiti nyang iyan.

Kala ko lalaki dahil kalbo ito at payat.

Iginala ko ang mata ko nang makita ko, ang isang mahabang wig sa gilid nya

"Nattttakkot bba kitta? Pppasensssya ka nnna ah? "

Nanginginig nyang sabi sakin

Bakit ngayon ko lang naalala na may sakit sya, na malala na yubg sakit nya, na wala na pala sya pamilya, na ang lungkot lungkot pala nang buhay nya

Masyado ko naging abala sa buahy ko, nakalimutan ko na tignan ang buhay nang mga taong mahal ko,

"Jesska Mahal ko shh . Pahinga ka lang jan andito lang ako"pagpapakalma ko sa kanya

Nakita ko nagulat sya sa sinabi ko pero mabilis nyang ginantihan nang ngiti ang nagaalalala kong tingin

Hinila ko ang swero na nakasaksak sa kamay ko at pinilit ko tumayo para makalapit kay jesska

"Jeska mahal Andito na ako. Shhh " sabi ko nang tuloyan nang lumapit sa kanya

Umaagos ang dugo ko sa kamay pero di ko alintana yun. Ang importante ay nariyan na sya sa tabi ko nanjan na sya. Di sya mawawala at di sya kukunin sakin.

Vote and comment guys kung nagustohan nyo salamaaaat
-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon