nang makauwi ako ay agad ako tumakbo papunta sa kusina
"Aunti mira ! Aunti mira! " hingal na hingal man ay hindi ko hininto ang pagtawag sa kanya
"Oh conard bata ka bat ka ba sumisigaw jan tyaka bakit basang basa ka ?" takang may halong inis ang mukha ni aunti
Hindi ko na pinigilan ang luha ko at agad ko din syang niyakap nang sobrang higpit hindi ko alam kung kilan ang huling yakap ko sa kanya
"Conard anak may nangyare bang hindi maganda ?" halata ang pagaalala sa boses nya ngunit hindi ko iyon inalintana matagal na panahon ang inaksaya ko sa pagiyak dahil na rin sa pagkakakulong ko sa najaraan
Tama si jeska kailangan ko na sila pahalagahan dahil di ko alam kung hanggang kilan sila sa mundo
Nang matapos kong yakapin si aunti ay ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit ganun ang naging reaksyon ko
Natapos ang araw na parang walang tinik sa dibdib ko
************
Maganda ang umaga ngunit napakalakas nang tibok nang puso ko
"Jeska anjan ka ba?"
"Jeska anjan kaba hoy sumagot ka! "
Asan naman kaya ang babaeng yun mula nang makilala ko sya ngayon ko pa lang sya hindi naririnig na nagdadaldal sa harden
"Hoy babaeng multo inuubos mo nanaman ba ang mangga namin?"
nakakapag taka na hindi sya sumasagot kahit puno ang bunganga nang babaeng yun ay hindi naubosan nang kadaldalan
Dahil sa nakakapanibagong pangyayare ay naisipan ko nang tumayo para silipin si jeska
Hinawi ko ang malaking kurtina humaharang sa sinag nang araw
Maaliwalas ang paligid walang babaeng multo ang nasa puno ngayon talagang nakakapanibago
Si na walang bahala ko na lang ang lahat nang nangyayare kasi ayoko sirain ang isang maaliwalas na umaga
"Conard anak gising ka na ba ? "
Napatalon ako sa tawag ni aunti kaya agad ko ring binuksan ang pinto"Opo aunti maliligo na po ako "
Nang matapos akong maligo ay agad na akong bumaba
"Aunti di na po ako magaalmusal may usapan kami ni amber ngayon hindi kasi natuloy kahapon"
mabilis kong paliwanag bago nagmadaling lumabas nang bahay
"Mang berto ako na magddrive mag day off na lang ho kayo"
Nang makapasok na ako ay pinaharurot ko na agad ang sasakyan sa mga oras na to malamang ay nagtatampo na si amber dahil sa aberya sa lakad namin kahapon haha
Napangiti ako nang maisip ko si amber at ang malambing nyang mukha
Ngunit agad na pumasok sa isip ko ang masayang mukha ni jeska kahapon
Bakit nga kaya wala sya kanina ? Asan kaya yung babaeng multo na yun siguro may pagkain sa bahay nila kaya hindi sya sa puno nagalmusal hahahaNang makarating ako sa lugar na usapan namin ay nakita kong nakasibangot na si amber
"Psst ganda bakit nakasimangit ka ?"
"Tagal tagal naman neto nakakainis"
"Masakit na kasi ang paa ko " nakasimangot sya sakin nagtaka ako kasi iba ang sinagot nya sa nasa isip nya
Binalewala ko ang lahat nang naririnig ko
"Conard kasama ko mga kaibigan ko okay lang ba yun sayo? Kasi naman di ka sumipot kahapon"
Sumasakit ang ulo sa mga naririnig kong boses kaya agad kong sinout sa kabilang tenga ko ang headset
"Hoy conard ano ba di mo na ako iniintindi nagheheadset kapa !"
"Ano ba may sayad ba sya ?"
Napalingon ako sa sinabi ni amber hindi ko na yun inintindi kasi mejo weird talaga
"Sorry na kasi wag ka na magtampo babawi ako"
Napangiti sya sa sinabi ko kaya napangiti na din ako
Tinuloy ko na ang maneho papunta sa mga kaibigan nya
Mukhang kailangan ko nga talagang bumawi sa kanyaVotes and comments kung nagustohan nyo po thankyouuu
-MelainieeeMoto

BINABASA MO ANG
Sesin (COMPLETE)
FantasiGaano ba katalas ang pandinig mo? Kaya mo bang marinig ang sinisigaw nang iba kahit hindi lumalabas sa bibig nila? Gusto mo ba marinig ang mga tinig na nag tatago sa kaibuturan nang kanilang nararamdaman Sesin -MelainieeeMoto Highest ranking achi...