12

337 10 0
                                    

"Hala patay na ba kayo ?" tinig nang isang batang babae

Nakaramdam ako nang mabilis na pagalog sa katawan ko

"Kasalanan ko to huhuhuhu kung hindi sana ako umiyak at nalungkot hindi lalakas ang ulan nang ganito
Sorry bata ah wag ka magalala ililigtas kita "

Ilang minuto pa ay nakakabingi na ang ingay nang sirena nang mga sasakyan

"Habang buhay kitang aalalahanin "

**********

"Conard! "

Mabilis ako napabangon nang habol ang huminga mula sa panaginip kong parang parte nang ala ala ko

"Conard si jeska to naalala mo ba ako ? May amnesia ka na ba ? Kalahati na lang utak mo nuh?" hindi ko malaman kung dapat ba akong matawa sa sinasabi nya. para syang batang nagaalala lang sa alagang aso grabe talaga tong babae na to .

"Teka ano ba ginagawa mo dito? tyaka bakit mukha kang tao. " ngayon ko lang sya nakitang maayus at mukhang tao . inikot ko ang paningin ko para malaman kung asan ako

Luh?wala ako sa bahay asan ako?

"Asan ako ?"

"Nasa hospital ka conardness. haha tatlong araw ka na tulog. muntik ka na mamatay dun ano ba nangyare sayo?"

Di ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanya yung nangyare. Nakakahiya, nakakapanliit nang pagkatao yung nangyare sakin.

Pakiramdam ko ngayon wala na talagang babaeng kaya ako mahalin. Dahil na din siguro sa sakit ko.

Mapait akong natawa .

"Hala conard nasisiraan ka na!!" Mabilis sya tumakbo palabas.

Grabe minsan na lang sya magmumukhang tao di pa kumilos na ayun sa suot nya.

Napakamot na lang ako nang bunbunan.madalas ko talaga syang di maintindihan.

Humiga uli ako mula sa pagkakaupo. Pilit ko inalala yung sakit na nangyare sakin.

Pakiramdam ko ang bakla nang mga ginawa ko haha.  para na nga ako mababaliw kasi yung puso ko sobrang sakit pero yung yung mata ko ayaw umiyak .

"DOC ANO NANGYARE SA KANYA?! MUKHA SYANG MALUNGKOT NANG GUMISING SYA. TAPOS BIGLA PO SYANG TUMAWA?! "

Mula sa loob nang kwarto dinig ko pagkausap ni jeska sa doctor ang lakas nang boses nya.

Teka di nya ba ako naririnig?

"jes psst"

Pumasok sila nang kwarto at lumapit sakin na parang di naman ako narinig ni jeska.

"hoy babaeng baliw "

"Mister conard. Ako si doctor suarez ako ang tumingin sayo mula nang maconfine ka. kamusta po pakiramdam mo? "

"jes ayus lang ako paalisin mo na ang doctor"

Tinignan ko sya sa mata pero parang wala sya naririnig.

Seryoso ang mukha nya at mukha syang nagaalala sakin. Nagyon ko lang napansin na mas lalo syang numinipis ahh?

"ayus lang ako doc. Ayus lang po ba iwanan nyo po muna kami? Pagpasensyahan nyo na rin po sya oa lang po sya madalas. Haha "

Nagbalik balik pa sakin at kay jeska ang tingin nya. Pero sa huli ay nagpaalam din sya

"ganun ba? Ah sige tawagin nyo na lang ako kung may problema. May pupunta mga nurse dito para sa gamot nyo sir. " mabilis na lumabas ang doktor.

"Ayus ka lang ba talaga Conardness? " ngumuso nguso pa syang lumapit sakin.

Bakit ba hilig neto magpacute.?

"Jes si amber di nya matanggap na may sakit ako kaya nung inatake ako iniwan nya ako "
Hindi man ako umiyak nabasa ang braso ko.

Doon ko lang napansin ang pagiyak ni jeska

"sobra ako nagalala sayo *sob* hinanap kita kung saan saan kasi *sob* inisip ko na pag umulan mawawala ka sa sarili mo *sob* sorry nalate ako nang dating "

Patuloy ang paghikbi nya at pagsinghot hindi na nasundan pa ang sinabi nya.

"thank you jeska dahil niligtas mo ko " pinakatitigan ko sya kung magrereact sya pero wala tahimik lang sya habang nakatungo.

Anong nangyayare? Bakit di nya ako marinig ?

Hi votes and comment po kung nagustohan nyo salamaaaat
-MelainieeeMoto


Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon