6

461 13 0
                                    

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay inalis ko muna ang headset para linisin at para linisin na rin ang tenga ko

TOK TOK TOK!

"conard gising na may pasok ka pa "

Tumayo na ako para lumabas

"Ang sakit ahhh"

Napahinto ako dahil sa narinig ko sobrang hina lang talaga nun at parang hindi nya sinasabi sakin

Anong masakit kesa lumabas nang pinto ay pumunta ako sa bintana at sinilip ko ang boung harden sa malaking bintana na yun may nakita akong paa sa likod nang puno nang mangga

At ano naman kaya ginagawa nang baliw na yun

"bakit conard anong meron? "

Takang tanomg ni aunti mira na naguhulohan ata sa kinikilos ko kasi namang babae to bwiset

"sandali lang aunti ahh "

Nagmamadali akong lumabas at bumaba parang sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman na ang haba pala nang hagdanan sa bahay nato

Nang nasa dulo na ako nang hagdan nang marinig ko uli ang boses nya

"aray sakit nang likod ko nakakainis! Pumasok na ata si conard Araaaaaay huhuhu"

Mas malakas ang boses nya rito sa baba nang bahay

Naglakad ako palabas iniwasan kong magisip nang kung ano para di nya maramdaman ang pagdating ko

Nakita ko sya namimilipit pa rin sa likod nang manggahan binilisan ko ang lakad ko na parang ang layo layo nang puno

"Hoy babaeng baliw anong ginagwa mo jan! "
Napahinto sya sa pamimilipit at umupo nang maayos

Ngayon ko lang napansin na mukha syang multo sa malayo dahil mukha pala syang bangkay sa malapit haha

Maputi/MAPUTLA mahaba at itim na itim ang buhok nya ang labi nya ay hindi mapula pink at medyo tuyo ang mata nya naman ay malalim pero magaganda nakadress syang puti at mahaba mukhang pantulog at mukha talaga syang multo sa mga palabas

"Tapos ka na bang pagmasdan ako? " mataray ang pagkakasabi nya nun na parang sya talaga ang pinakamagandang babae kung makapagsalita

"Hoy buhay na multo! Hindi kita pinagmamasdan tinatanong kita ano ginagawa mo dito tyaka bakit jan ka nakahiga sa mangahan wala ka bang bahay? " iniiwasan ko talaga magisip nang kung ano sa mga oras na to

"May bahay ako ayun oh! "

Tinuro nya ay ang di kalayuang malaking bahay na parang haunted house din

"HAHA doon ka nakatira sa haunted house? Bagay na bagay sayo mukha kang multo "

Nakita ko na nanlaki ang mata nya at umawang ang bibig na parang di makapaniwala sa ginawa ko

"Hoy bat ganyan ka tumingin ahh! "

Tumayo sya at nagsimula maglakad papunta sa maliit na palaruan doon umupo sya sa duyan at nagsimulang iduyan ang sarili nya

"kasi isang buwan na kitang naririnig na umiiyak gabi gabi ka umiiyak ngayon lang kita narinig tumawa " tumingin syang deretsahan sa mata ko para akong tinutunaw nang mata nya

"teka paano ka nga pala nakakarinig nang iniisip nang tao? " takang tanong ko kasi yung akin nakuha ko paggising ko galing sa aksidente

"ito ba? Reward sakin to nang dyosa haha oo reward nya sakin to kasi nung bata ako may niligtas akong buhay kaya ang sabi nya gantingpala raw ang kakayahan ko akala ko dati ako lang ang meron neto pero talagang nagulat ako nung isang gabe dahil narinig mo ang iniisip ko "

May actions pa ang pagkkwento nya na parang batang ngayon lang nakakita nang pagkkwentohan

"CONARD ANAK ANONG ORAS NA MALALATE KA !" rinig ko hiyaw nang aunti mira ko

"Tawag ka na nang aunti mo at talagang naweweirduhan sya na kausap mo ko Haha "

Kahit ako ay natawa sa biro nya

"Hoy babaeng multo dito ka lang hintayin mo ko dito dahil marami akong itatanong sayo kapal mo magsabi masama ang makinig pero ikaw isang buwan mo na pala akong pinakikinggan ahh! "

Naiinis talaga ako sa ideyang  gabi gabi nya naririnig ang pagiyak nang isip ko

"Sige Conardness aabangan kita kung gusto mo tatambangan din kita Haha "

Kinilabutan ako sa tawa nya lalo syang nagmumukhang multo

"HOY AKO ANG PINAKA MAGANDANG MULTO NA MAKIKILALA MO HAHAHA"

grabe yung tawa nya nakakilabut kaya binilisan ko na ang pagbalik sa bahay at kinuha ang gamit ko malamang ay huli na ako sa klase ko ngayong araw pasaway na babaeng multo yun

Hi votes and comment po kung nagustohan nyo Thankyouuuuuu

-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon