16

416 11 0
                                    


"Conard mahal kita "

Tatlong salita lang yan pero parang yang yung pinakamahabang salitang sinabi nya

Hawak ko ang kamay nya habang nahihirapan na sya huminga

"Mahal na mahal kita jeska wag ka bibitaw kaya mo yan ahh " nakangiti pero hindi ko maiwasan ang hindi umiyak.

Pinipilit nya ayusin ang pagkakahawak nya sakin pero alam ko na hinang hina na sya

Alam ko may nakikinig sakin ngayon alam ko alam nyo iisa lang ang hiling ko sa kanya yung ay ang mabuhay sya sa kahit na anong paraaan pa

"Co Co nard  Na a a alala mo pa ba aaako? Akoo yuuung battang nag li ligtas sayo nnung naaksidente kka " sa gitna nang mga panalangin ko napadilat ako sa sinabi nya

"ma mahal ko ako rin ang may kasalanan. Bat namatay ang ma magulangg mo " pilit nyang inaayos ang sinasabi nya at pili ko yung pinapasok sa kokote ko

"Paano? "di makapaniwalabg sagot ko

"Pag umiiyak ako Lumalakas ang Ulan. Nnung araw na yun magdamag ako umiiyak kaya inabutan kayo nang ulan patawarin mo ko conard . Ako rin ang nagbigay sayo nang kakayahaang makarinig nang isip nang tao. Pinabaonan kita nang Ala ala para pag nakita kita ay mabilis kita maalala"
Mabilis ang buhos nang luha nya sa pisngi nyang lubog na

Nagbalik sa aakin ang senaryo kung saan tuwang tuwa si inay sa ulan

"Mali ka Jeska di mo yun kasalanan. Ginawa yun nang dyos para makilala mo ko " pagpapagaan ko sa loob nya

Dyos ko lahat gagawin ko, para lang maisalba si jeska .

Nagsisimula na syang manginig nang mag lakasan ang iyak nang katulong sa labas nang kwarto

"No no. Hindi mo ko iiwan" natataranta kong sinabi sa kanya

"hindi ngayon, hindi bukas, hindi kahit kilan, jessska please wag ganito lumaban ka pa!! "

Huminto ang panginginig nya nang may lumitaw na babae sa harapan ko

"Anak tayo na riyan! "

Nawindang ako sa sinabi nya

Mabilis ko hinablot ang kamay nang babae na halatang kinagulat nya

"Anong ginagawa mo! Hindi mo ba alam na kasalanan iyan! "galit pero kinakabahan ang itsura nang babae

"buhayin mo si jeska! "

Para akong baliw na parang bumigay na

"Parang awa mo na buhayin mo si jeska lahat gagawin ko Lahat gagawin ko! "

Hindi nya ako pinansin at para akong hangin na dinaanan nya lang papunta sya kay jeska nang yakapin ko ang paa nya

"si jeska na lang ang rason ko kaya ako nabubuhay, parang awa mo na, wag mo na syang kukunin sakin lahat gagawin ko kahit ano basta buhayin mo sya at gawing malusog masaya na ako"

Napalingon sakin ang babae

"hindi ako fairy na tutupad sa kahilingan mo isa akong tagapag parusa nang taong may malaking kasalanan sa nakaraan ngayon kung handa kang ialay ang buhay mo para sa babae ito sabihin mo at bubuhayin ko sya mismo sa harap mo" matapang ang mukha nya at mukhang sinisindak nya ako sa mga salita nya ,pero hindi hindi neto matatabunan ang kagustohan ko buhayin si jeska

"Lahat gagawin ko, LAHAT GAGAWIN KO! "matapng kong tugon sa kanya

"sige, maari ko syang buhayin kung iaalay mo sakin ang pandinig mo. Ngunit sa panahong mabuhay si jeska ay wala ni isa syang makikilala ngayon sabihin mo sakin kung gusto mo pa ba sya mabuhay? "napahinto ako sa sinabi nya

Pandinig? Mabibingi ako? Mabubuhay si jeska pero di nya ako maalala? Hindi bat sobra yun?

"kung nasosobrahan ka sa kundisyon ko ay wag na lang, umalis ka riyan at kamiy aalis na. "

"hindi! Sige! Kunin mo lahat nang gusto mong kunin pero hayaan mo lang sya mabuhay, hayaang mo sya maging normal, hahayaaan mo sya maging masaya, kahit di na sakin, kahit sa ibang tao na, "

Votes and comment po kung nagustohan nyo salamaaaat
-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon