Jeska Pov
Di ko alam paano ko sasabihin.
Di ko alam kung dapat ko bang sabihin o kung wala na akong ibang magagawa tama bang kimkimin ko na lang to?Kasi alam ko sa pagkakataong ito ako yung may pagkakamali at pagkukulang. Madame na ang buhay na nasayang . Pinilit ko naman maging simpleng tao lang.
Malayo sa kasalanan. malayo sa kabihasnan. malayo sa karahasan. At manatili na tahimik na kagubatan.
Di ko naman alam na pag daang nang taon. Makikita ko pa din yung taong pinabaonan ko noon. Nang kakayahang maeron ako ngayon. Pero unti unti na ring kinukuha paglipas nang panahon.
Gusto ko sabihin kay conard na mahal ko sya. Pero tama ba? Simula't sapul ako ang dahil nang mga disgrasya
FLASHBACK
"Happy birthday jes mag wish ka na! "
Pumikit ako upang humiling.
"sana po tuwing malungkot ako o umiiyak umuulan para po maramdaman ko man lang na may karamay ako "
Dumilat ako para hipan ang kandila
****
"grabe nuh manang si madam di talaga dumating kahit kaarawan ni jeska ngayo kawawang bata. "
Para akong pinagbagsakan nang langit at lupa dahil sa narinig ko sa katulong. Ibig sabihin hindi totoo na pupunta sya!
Mabilis akong tumakbo palabas nang bahay, tyaka ako umiyak nang sobrang lakas, hinayaan ko lang ang hagulgol na gusto kumawala sa bibig ko .
Sa gitna nang pag iyak, naramdaman ko ang malalaking patak mula sa langit.
Ayoko isipin na baka nangyare ang wish ko pero kung nagkatotoo, thankyou god ngayon alam ko na may mas malulungkot pag malungkot ako.
Sa gitna nang malakas na ulan, hinayaaan ko ang sarili ko dalhin ako nang paa ko sa kung saan.
Patuloy ang pagaagos nang Luha sa mata ko na parang talon hindi nauubosan nang luha.
hindi ko inalintana ang lamig nang hangin, ang magaspang na bato, ang sugat sugat kong paa, kahit pa basang basa na ako.
Bakit nyo pa ko binuhay? Kung di nyo ko kayang mahalin! Bakit ba!?
Patuloy ang paglakad ko sa dilim na para wala kong kinakatakutan.
Sa di kalayuan, narininig ko ang malakas na sigaw, di ko man maintindihan ay agad ako tumakbo roon, malapit na ko sa highway nang makita ko ang sasakyan halos durog na at ang mga patay na taong nasa ilalim neto
Nilapitan ko sila
Natranta ako nang maninag na may bata sa loob nang sasakyan
"Hala patay na ba kayo? "
Inalog alog ko ang bata ngunit hindi ito sumasagot , marahang pag galaw lang nang kamay nya ang nagbigay pag asa sakin na buhay pa sya.
nilapitan ko ang matandang babae may hawak itong cellphone hinang hina sya ibinigay 'yun sakin .
mabilis ko syang naintindihan kaya Dinial ko ang speed dial nya
"Hello yung may ari po netong cellphone ay naaksidente tinawagan ko po kayo para humingi nang tulog " Mabilis at derederetsong sabi ko nang masagot nang babae ang tawag
Narinig ko ang paghagulgol nya bago sinabing papunta na sya .
Pinagmasdan ko uli ang itsura nang sasakyan, tyaka ko napagtantong maaring dahil sa ulan ang aksidente nila.
Bakit pati kamalasan ko nadadamay yung iba, mabilis na bumuhos ang luha ko nang maisip ko maaring ako ang may kasalanan neto
Kung kanina masaya ako, dahil sa ulan na sinamahan ako sa lungkot, ngayon naman ay hindi ko masikmura ang sarili kong kahilingan,
Nang Dahil sakin may namatay may napahamak, baka nga tama ang mga katulong namin baka nga salot talaga ako, di lang sa buhay nang magulang ko, pati na rin sa maraming tao
Naglakad uli ako papunta sa bata na syang natitirang buhay.
"Kasalanan ko to,*sob* kung hindi sana ako umiyak at nalungkot hindi lalakas ang ulan nang ganito
Sorry bata ah wag ka magalala ililigtas kita "Di ko alam ilang minuto ang tinagal ko roong umiiyak, bago dumating ang ambulansya at mga pulis,
Nakatingin lang ako sa bata na syang natatanging nakaligtas
"Lagi kitang aalalahanin "
Votes and comment po kung nagustohan nyo Thankyouuuuuu
-MelainieeeMoto
BINABASA MO ANG
Sesin (COMPLETE)
FantasyGaano ba katalas ang pandinig mo? Kaya mo bang marinig ang sinisigaw nang iba kahit hindi lumalabas sa bibig nila? Gusto mo ba marinig ang mga tinig na nag tatago sa kaibuturan nang kanilang nararamdaman Sesin -MelainieeeMoto Highest ranking achi...